Ch. VI, Prt. VIII: A Star's persistence

439 9 0
                                    

Tulala si Maia noon nung binanggit ni Adrian ang pangalan ng ate niya. Di niya alam kung ano ang iisipin noon. Ni hindi niya alam kung papaano rin nalaman ni Adrian ang tungkol dito.

"Papano mo nalaman yan," nauutal na tanong ni Maia.

Dahan-dahan na lumapit si Adrian kay Maia at tila sinubukan niyang pakalmahin ito, "Wag kang mag alala," nabanggit ni Adrian habang pinupunsan niya ang mga luha ni Maia na unti unting tumutulo mula sa kanyang mga mata. "Di ako natatakot," dagdag niya.

"Di mo alam ang kayang niyang gawin!" biglang sigaw ni Maia ng tila pumiglas ito sa pagkakahawak sa kanya ni Adrian, na kinagulat naman niya.

Tila pinapakalma ni Maia ang sarili niya, nanginginig habang yakap-yakap ang sarili at unti unti siyang napa-upo sa sahig, "Di mo alam kung ano ang kaya niyang gawin, Adrian,"

Agad naman na nilapitan ni Adrian si Maia at tila sinusubukang pakalmahin.

"Dahil? Dahil sinabi niya sa akin na siya ang may gawa kung bakit nawala ang scholarship ko?" nagulat doon si Maia at napatingin kay Adrian, "Oo alam ko, at wala akong pakialam doon. Di ko naman kailangan ng scholarship na yan dahil kaya naman akong pag-aralin nina mama eh. Di ko na kailangan noon,"

"Kelan kayo nagusap?" biglang tanong ni Maia.

"Kanina lang. Nung namimili ako ng mga lulutuin mo kanina. Sinundo niya ako sa mall at siya ang naghatid sakin dito." sagot ni Adrian at tila lalong naluha doon si Maia.

"Maia, wag ka ng matakot para sa akin. Kaya ko na ang sarili ko, wag kang mag-alala. Ipaglalaban kita. Alam kong alam mo na totoo na tong nararamdaman ko para sayo," pakiusap ni Adrian.

"Adrian, hindi ganoon ka simple yun. Please wag ka ng magpapakita sa kanya. Baka kung ano pa ang gawin niya." pagwawarn ni Maia pero tila naiinis narin si Adrian sa mga oras na yun at napakamot nalang siya sa ulo.

"Ipaglalaban kita, kahit na nanay mo pa oh tatay mo ang bumaba dito. Papatunayan ko sa kanila na hindi ako mamamatay tulad ng nangyari sa Ate mo," sagot ni Adrian at tila nagulat nanaman doon si Maia.

"Bakit mo sinasabi yan? Anong mamatay?" pagtataka ni Maia.

"Eh kasi nakwento narin sakin ng Ate mo yan. Sa Japan pala siya bumagsak, yung year na sumali na ang Japan sa gyera. Most likely namatay ang asawa niya, at hindi lang niya ito alam." sagot ni Adrian.

Tila napaisip noon si Maia at unti-unting kumalma. Napaupo nalang siya sa sofa at sinundan naman siya ni Maia. 

"Teka alam ng ate mo yun diba?" tanong ni Adrian sa paninigurado niya. Pero hindi parin sumagot si Maia. 

Matagal itong napaisip sa kanyang pagkakaupo at tila hindi parin nag-sasalita. Nagaalala na si Adrian nung mga oras na yun dahil parin siya kinikibo ni Maia.

"Hindi kaya ayaw lang niya kayong masaktan sa posibilidad ng pagiging mortal namin?" biglang nasabi ni Adrian. Napatingin na doon si Maia at tila hindi parin niya alam ang gagawin at sasabihin niya. 

"Hindi ko alam," ang nabanggit lang ni Maia. "At wala na akong pakialam doon." tapos tumingin siya kay Adrian. Hinawakan niya ito sa kanyang mga kamay.

"Kailangan ko siyang kausapin. Na itigil na niya ang ginagawa niya. Ayoko ng lumala pa ang sitwasyon." ang nasabi nalang ni Maia at nagtangka siyang umalis pero agad siyang nahawakan ni Adrian sa kanyang kamay.

"Teka saan ka pupunta?" tanong nito at napatingin sa kanya si Maia.

"Kay Ate, ng matigil na ito. Gusto ko ng matahimik. At ayoko ng madamay ka. Babalik ako promise," tapos bigla siyang tinulak ni Maia at ginamit ang kapangyarihan niya para hindi basta-basta makaalis si Adrian sa pagkakaupo niya. Tila nakatali siya roon at nagpupumilit na umalis.

"Teka Maia itigil mo to!" sigaw ni Adrian.

Papalabas na sa pinto si Maia at doon tumingin muna siya kay Adrian, "Babalik ako. Pangako." sambit niya na may ngiti at doon umalis na siya. 

"Maia!" sigaw ni Adrian at nakawala na siya sa mahika nito. Nagmadali siya lumabas para habulin si Maia, pero wala na ito.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon