Ch. III; Prt. IX: The Pink sky opens

748 22 0
                                    

Buo na ang loob ni Adrian. Magpapaliwanag siya kay Maia. Bakit niya nagawa yon. Magpapaliwanag rin siya kung ano ang nararamdaman niya. Oo, may pagtingin na siya sa kanya. Enough na para mag-alala si Adrian ng husto sa maging estado man ng relasyon nila ngaayon. At kung kay Adrian palang, mas gugustuhin niya pa na ma-develop ito ng husto para sa hinaharap, at hindi ang kabaliktaran ang mangyari.

Naglalakad na siya ngayon at nakasakay na ng jeep. Tila pinaghahandaan na ang sasabihin niya kay Maia. Speech tila para sa paghingi ng tawad. Ito ang pinaka-unang beses niyang gagawin to at sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Maya-maya pa ay nakababa na siya sa gate ng subdivision niya at doon, napatigil nalang siya sa paglalakad.

Sandaling tumingin sa kalangitan. Magdidilim na, senyales ng kulay pink na gabi. Natawa nalang siya kung bakit ganoon ang kulay nito. Huminga muna siya ng malalim. Tila handa na kung ano ang mga gagawin at sasabihin niya, nagsimula na siyang maglakad noon papauwi. Mas-piniling maglakad kesa sa mag pedicab pa para makapagisip pa ng sasabihin ng mapatigil siyang muli. Humarap sa highway at tumakbo pabalik.

Naghintay siya ng jeep at agad na tumigil ito sa harapan niya. Bumunot ng pamasahe at nagbayad, "Sta. Lucia lang po," sambit nito.

Napangiti nalang siya habang papunta siya ng mall. Bibilan niya ito ng bulaklak at ng chocolates na pwede nitong magustuhan. Baka makatulong ito sa kanyang paghingi ng tawad at sa pagsasabi narin ng nararamdaman niya, kahit na medyo magulo parin ito. Chineck niya ang rilo niya at nakita niyang 6:30pm na. Binunot niya sandali ang phone niya para i-check kung may message man oh miscall ito na galing kay Maia.

Wala.

Napabuntong hininga nalang siya dahil doon. Pero hinayaan nalang niya. Tapat na siya ng mall ng pumara siya at agad na bumaba. Tumawid ng mabilis sa kalsada para makapasok ng mall. Hinahanap niya yung stall ng mga bulaklak, pero hindi niya maalala kung saan nga ba naka-pwesto ito.

"Shit, nandito pa ba yon?" nasabi nalang niya sa sarili niya. Naalala nalang niya na matagal na nung huli niyang nakita ang stall ng mga bulaklak. Agad nalang muna siyang dumeretyo ng department store para bumili ng pwedeng magustuhan ni Maia.

Sa dinami-rami ba naman ng brands doon, hindi na niya alam kung ano pa ang kukunin niya. Kinuha nalang niya ang tsokolate na nasa hugis-puso na lalagyan. Dumaan narin ito sa pizza hut para umorder ng pizza dahil sa tingin niya, ito ang paborito nitong pagkain sa mundo nila. Tapos nag-ikot muli siya sa mall para hanapin yung stall ng mga bulaklak, pede pa naman niyang balikan mamaya ang pizza kasi niluluto pa ito.

Nakaabot na siya ng lower ground floor hanggang sa top floor nito kung saan napaisip siya kung ano ang gagawin ng isang flower stall sa floor na puro games at amusement rides lang ang laman? Agad siyang bumaba para subukang hanapin muli ang stall pero wala talaga. Humihingal na siya at tumingin sa rilo niya. Malapit na palang mag 7pm. Maya-maya ay nakakita siya ng guard at nagtanong rito.

"Ah ser, saan na nga po nakapwesto yung stall ng mga bulaklak dito? Kanina ko pa po kasi hinahanap pero hindi ko makita." tanong ni Adrian.

Napaisip at tumingin sa paligid ang guard, "Ah sa labas sila ngayon nakapwesto labas ka roon at makikita mo agad." sambit ng guard.

Agad na tumakbo sa dereksyon ng tinuro ng guard si Adrian, "Salamat ho ng marami!" sigaw nito habang tumatakbo.

Paglabas na paglabas niya ay doon, sawakas nakita na niya ang stall na hinahanap niya.

"Miss, isang boquet of roses nga." at agad siyang inabutan ng mga rosas na sa tingin naman niya ay magugustuhan ni Maia. Dali-dali na siyang naglalakad pabalik sa pizza hut para kunin ang order niya. Sakto lang at pagadating niya ay luto na ito. Agad na siyang dumeretyo sa labas para pumara ng taxi.

Naghintay pa siya ng ilang minuto bago makasakay at agad niyang sinabi sa driver ang kanyang destinasyon. Pagtingin niya sa rilo niya, nakita niya na 7:30pm na. Napangiti siya dahil mukhang aabot pa siya. Tiningnan niya ang phone niya sa pagbabaka-sakali na may text or miscall si Maia, pero wala parin.

Chineck niya ang mga binili niya. Sa tingin naman niya ay sakto ito para sa kanilang lahat. Kasama na si Taygeta, si Merope at si Asterope. Napahinga nalang siya ng maluwag dahil mukhang kaunti nalang ang kailangan niyang gawin, ng mapatingin siya sa labas ng bintana ng taxi, at doon nakita niya ang tila namumuong liwanag mula sa kalangitan at ang kapiraso nito na mukhang galing sa lupa.

Napaisip siya ng ilang minuto bago niya napagtanto ang nangyayari.

"Kuya pakibilisan po!" biglang sigaw nito sa driver dahil sa takot. Hindi niya alam ang nangyayari. Ang tanging alam lang niya ay ang kakaibang kutob na namumuo sa dibdib niya.

~~~~~~~~~~

Sa kwarto, yakap parin ni Taygeta si Maia na kakatahan lamang. Hinimas nito ang buhok nito at tila sinusuklay ng kanyang mga kamay. Maya-maya pa ay biglang may kumatok sa pinto pagkatapos ay pumasok, si Asterope.

"Ate, Taygeta. Handa na ang lahat. Tayo na." sambit nito ng mahinhin.

"Ate, tayo nalang ang umuwi. Hayaan nalang muna natin si Ate Maia dito at--" biglang bumangon si Maia at tumayo sa pagkakahiga nito at tumingin kay Asterope.

"Sige, tayo na Asterope." tapos naglakad ito papalapit sa kanya at niyakap niya. Nagulat nalang si Asterope, at ganun din itong si Taygeta sa ginawa ng Ate nila. Bumitiw na ito sa pagkakayakap sa kapatid niya at agad naring lumabas at naglakad patungo sa roof top.

Habang naglalakad si Maia at tila tumulo nalang muli ang luha niya, dahil uuwi na siya.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon