Ch. I, Prt. III: The Language of Kiss

2.8K 91 38
                                    

Tulala lang si Adrian na nakatingin sa mahiwagang babae na umiilaw ng asul. Ang mga buhok niyang kulay puti, at ang mga mata niya na kasing asul ng karagatan. Tila nalulunod siya habang pinagmamasdan ito.

Nakatingin lang rin sa kanya ang babae at tila hindi kumikibo. Ang tingin na tumatagos sa katawan niya. 

Ilang minuto silang nagkakatitigan ng biglang tumayo ang babae at unti-unting lumapit kay Adrian. Hindi parin gumagalaw si Adrian sa pagkakaupo niya. Malakas ang kabog sa dibdib niya habang unti-unting lumalapit ang babae. 

Tumigil ito sa paglapit at dahan-dahan niyang inabot ang mga pisngi ni Adrian. Hinawakan niya ito ng marahan. Nilapit niya ang mukha niya na tila parang gusto pa nitong makita ang mukha ni Adrian ng mas-maayos at mas-malapit.

Nakatitig lang si Adrian sa babaeng may asul na mata hanggang sa bigla siyang hinalikan ng babae. 

Gulat na gulat sa Adrian at tila hindi makapaniwala sa nangyayari. Malamig na mainit ang mga labi ng dalaga. Matagal itong nakahalik rito hanggang sa bumitaw na ito, at si Adrian ay sunod tingin lang sa babae habang tinitingnan parin ito. 

Maya-maya pa ay binuka ng marahan ng babae ang kanyang mga labi at doon hindi na kinaya ni Adrian at nanghimatay nalang ito. Bumagsak ito sa lapag na kinagulat naman ng dalaga.

~~~~~~~~~~

Umaga na ng magising si Adrian. Tumagal pa ito sandali sa pagkakahiga niya habang tinitingnan ang kanyang kwarto. Maayos naman to. Malinis. Nakaayos ang mga libro at gamit niya. Napahinga nalang siya ng maluwag at tila ninamnam ang sarap ng kama niya. 

Napahinga siya ng maluwag sa sobrang lambot ng kama niya, ng bigla siyang maalimpungatan. Nang-gulat siya. Tiningnan niya ulit ang paligid ng kwarto niya. Maayos, malinis. Bumalik sa kanya ang nangyari kagabi. 

Dahan-dahan siyang bumangon habang chinecheck ang mga gamit niya. Ang basag na salamin ng balcony door niya, maayos na. Ang mga libro niya na nasira dahil sa pag-sabog, ayos na. Lahat ng nangyari kagabi, tila naayos na. Dahan-dahan siyang tumayo at tiningnan ang paligid.

Hindi niya alam kung panaginip lang ba ang nangyari kagabe. Pinalo niya ng marahan ang kanyang pisngi para gisingin ang sarili. Pagkatapos ay agad siyang pumunta ng banyo para maghilamos. Habang naghihilamos siya ay pumasok sa isip niya ang nangyari kagabi.

Hanggang sa mga oras na iyon, ramdam parin niya ang pagdampi ng labi ng dalaga sa labi niya. Hindi nalang niya masyadong inisip yun at trinato niya ito bilang isang panaginip lang. Pinatay na niya ang gripo at agad na lumabas ng banyo.

Habang papunta siya ng kusina ay naririnig niya na bukas a TV. Hindi niya maalala kung naiwan ba niyang bukas ito kagabi. Pero tumuloy nalang siya sa kusina para kumuha ng cereal, habang nakikinig sa broadcast.

Na-diskubre ng mga asrtronomers sa Philippine Astronomical Observatory na nawawala ang isang bituin sa Pleiades Constellation kaninang madaling araw, 3:15am. Dalawang oras matapos ang tinatawag na Blue Manila Meteor Shower kagabi.

Napakunot ang noo ni Adrian sa narinig niya. Agad niyang tinapos ang paghahanda niyang at dumeretyo siya sa sala para panoorin ang balita.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon