Kinagabihan at nakauwi na sila ng bahay. Nagpapahinga na si Ronald at ganun din naman ang pagod na si Maia sa kwarto nila. Nasa may sala lang si Adrian nung mga oras na iyon at may tinatapos na report sa kanyang laptop. Habang bukas at nakikinig ng TV. Sa science channel nanaman siya nakatutok.
Ang balita ay tungkol sa nawawalang bituin na sina Maia at maging si Electra sa Pleiades Constellation at mukhang iyon ang ginagawan niya ng report. Maya-maya pa ay nakaramdam siya na may umupo sa tabi niya at doon napansin niya na si Electra lang pala yon, umiinom ng beer. Ngumiti lang ito kay Adrian at doon tahimik na nilang tinuloy ang ginagawa niya.
Lumipas ang ilang sandali ng magsalita si Electra, "Alam mo, namamangha ako sa inyong mga tao." biglang sabi nito.
"Bakit naman?" tanong ni Adrian habang tuloy siya sa ginagawa niya.
Uminom ng kaunti si Electra mula sa kanyang beer can at sumagot, "Kasi ang layo-layo namin sa mundo niyo. Pero nalalaman at nalalaman niyo ang nangyayari sa buong kalawakan."
"Ganoon talaga. May mga taong gusto malaman ang lahat tungkol sa kapaligiran nila." sambit ni Adrian tapos tumingin sa TV.
"Kaya ang sarap niyong panoorin mula sa taas eh." sagot nito tapos napalingon si Adrian sa kanya.
"Pinapanood niyo kami? Bakit?" tanong ni Adrian.
"Oo naman. Nakakapukaw-interes kaya kayong mga tao. Heto lang kayo sa maliit niyong kulay blue na bato. At sa hinaba-haba ng panahon niyo rito. Ayun, nakatutok parin ang mga lense ng mga teleskopyo niyo sa napaka-lawak na kadiliman ng kalawakan." tapos napangiti siya, "kagaya nga ng sinabi ko, nakakatuwa." tapos inom nito ng beer.
Sandali silang natahimik at nakinig na lamang sa TV. Tinuloy na ni Adrian ang kanyang ginagawang report, "Pero alam mo, mas natutuwa ako sayo." biglang sabi nito na kinagulat ni Adrian, at ikinalingon niya. Nakita niyang nakangiti si Electra sa kanya at napalunok nalang ito.
"Bakit naman?" na-uutal na tanong ni Adrian.
"Kasi di mo pa kasi sabihin sa kapatid ko na nahulog kana rin sa kanya" sambit nito at doon namula si Adrian at lumingon nalang sa laptop niya. Natawa nalang itong si Electra. "Kayong mga tao talaga. Pag alam niyong totoo gagawin niyo ang lahat para maitago lang ito dahil ayaw na ayaw niyong napapahiya kayo. Ayaw na ayaw niyong nasa inyo ang atensyon." tapos uminom ito ulit ng beer at talagang nakita ni Adrian na inenjoy nito ang hagod na dumama sa lalamunan nito.
Lasing na ata itong si Electra. naisip niya.
"Ayaw na ayaw niyong kayo ang nasa-spotlight. Oo may iba na ganoon ang gusto. Halos hinabol na ang mga bituin para mangyari lang yon. Pero karamihan talaga sa inyo." tapos napailing nalang si Electra, tapos bigla itong tumingin sa kanya.
"Adrian. Seryoso kaba sa kapatid ko?" biglang tanong nito at unti-unting lumapit ang mukha nito.
"Oo naman." na-uutal nanaman na sagot ni Adrian.
"Well ipakita mo. Yang Ate kong yan. Ay nako, gagawin niyan ang lahat matupad lang ang hiling mo. At dahil napaka-open-ended din niyang hiling mo. Siguraduhin mo na hindi mo siya sasaktan, maliwanag?" panduduro nito kay Adrian.
Lasing na nga, naisip niya. "Eh anong gagawin ko?" sambit niya.
"Aba ewan ko sayo! Ikaw itong humiling! Isipin mo. Pero kung ako sayo. Mag-iisip isip nako." sambit ni Electra tapos umalis at pumunta sa kusina.
Napabuntong hininga nalang itong si Adrian at sinubukang ituloy ang kanyang report. Pero medyo nagulo na siya at di na makapag-concentrate. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng pag fizzle ng isang beer dahil sa pagkabukas dito. Bumalik si Electra at umupo ulit.
"Baka pagka-alis ng daddy mo, aalis narin ako." sambit niya.
"Ha? Di ka ba magtatagal?" tanong ni Adrian.
"Hindi na. Samahan ko lang papa mo sa mga lalakarin niya sa susunod na linggo tapos ayun. Sibat narin ako." sambit niya.
"Teka nga, may gusto ka ba sa papa ko?" tanong ni Adrian sa kaba.
Napatingin naman si Electra kay Adrian at ngumiti ng todo, tapos tinaas baba ang kilay. Napasigaw si Adrian doon at nagtawa nalang ng malakas si Electra.
"Ano kaba. May itsura naman si Ronald. Parang siya nga ikaw pag tumanda eh. Kaya siya nalang para parang ikaw parin nakuha ko." tapos taas baba nanaman ang kilay ni Electra na kinasigaw pa ni Adrian lalo, natawa nalang si Electra doon ulit, "Hinde, joke lang. Pero oo, gusto ko papa mo. Mabait siya. Nakakatawang kausap, tsaka maginoo. Pero ayoko maging nanay niyong dalawa ni Maia."
Napatigil nalang doon si Adrian tapos muling nagtanong, "Paano si Maia?" dagdag niya.
Tumingin naman si Electra sa kanya, "May tiwala naman ako sayo. Tsaka malalaki na kayo. Alam ko naman na wala kang masamang gagawin kay Maia eh." sagot niya.
Satisfied na naman si Adrian sa sagot niya at tinuloy nalang ang ginagawa niya. Napangiti dahil nga sagot na iyon, "Tsaka ng magawa mo narin yung gusto niyong gawing mga lalake. Hindi ka naman tatanggihan ni Maia."
"HA?" sigaw agad ni Adrian at nagtawa doon si Electra. "Ano yan? Ano yang sinasabi mo? Di ko ata alam yan." pagmamaang-maangan pa ni Adrian. Well hindi naman niya talaga gagawin yon.
"Kunwari kapa, pumasok narin yan sa isip mo. Tsaka you have my blessing naman. So it's okay. Hahaha." tapos tumayo siya at pumunta na sa may hagdan para umakyat, "Matutulog nako, Adrian."
"Sige goodnight." nahihiyang bulong nito.
"Syanga pala. Mag-ingat ka. Ilaban mo yung kapatid ko dun sa mga kapatid ko." tapos umakyat na siya.
Natahimik nalang si Adrian doon at tila hindi alam kung papaano siya mag-rereact. Lalo na kung ano ang iisipin niya sa natitirang dalawang kapatid ni Maia.
Tumingin siya sa TV at doon pinaguusapan parin sa TV ang natitirang dalawang star.
![](https://img.wattpad.com/cover/56788006-288-k57172.jpg)
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...