Mag-tatanghalian na noon at nakaupo lang sa klase niya itong si Adrian, nakatingin sa bintana at tila lumilipad ang isip niya. Di niya alam kung saan siya kakain at napabuntong hininga nalang at napiling kumain nalang sa cafeteria.
Di na siya nakikinig sa discussion sa room hanggang sa dinismiss na sila ng professor niya. Agad siyang naghanda para pumunta sa cafeteria at lumabas ng silid. Paglabas niya ay bigla siyang nabunggo ng isang lalaki na hindi nakatingin sa dinadaanan nito.
"Tumingin ka nga sa dinaraanan mo, laki mong harang." sambit nito at dumeretyo narin sa direksyong pupuntahan niya. Di nalang nag-salita noon si Adrian at tumuloy nalang doon. Naglalakad siya habang tuloy parin sa pag-iisip ng kakainin niya ng makarating nalang siya sa cafeteria ay nagulat siya sa tumambad sa mata niya.
Si Maia, nandoon naghihintay sa kanya, at may dala pang basket. Napanganga nalang si Adrian noon dahil hindi niya alam kung bakit naroroon si Maia. Palinga-linga ito at parang hinahanap siya. Tiningnan ni Adrian ang paligid at nakikita niyang may iba pang mga tao roon ang nakatingin kay Maia. Napansin niyang may nag-babalak na lumapit sa kanya ng bigla siyang makita ni Maia, ngumiti, tinaas ang kamay at tinawag siya.
"Adrian!" pagtawag ng marahan na boses sa pangalan niya na tila umalingawngaw sa buong cafeteria. Napalingon naman sa kanyang lahat ang mga taong naroon, pati narin ang natigilan na mga lalaking tumitingin sa Girlfriend niya.
Napa-ubo nalang si Adrian at agad na pumunta sa table ni Maia.
Tumayo din naman agad si Maia para salubungin ng yakap si Adrian at hinalikan niya ito sa pisngi, "Kumusta araw mo?" biglang tanong nito.
"Ayos naman." sagot ni Adrian habang umupo na silang dalawa. "Bat ka naririto?" agad na pagtatanong ni Adrian.
Napangiti naman si Maia rito habang naghahanda at naglalabas ng pagkain galing sa basket. "Sabay tayong kumain ng lunch. Luto ko yan. Hehehe."
Napangiti rin naman tuloy itong si Adrian at tinulungan niyang maghanda si Maia. "Teka papaano ka nakarating dito?" s
"Uhmm, nagtanong-tanong lang ako." simpleng sagot ni Maia. "Eto oh, tikman mo tong luto kong adobo!" sambit ni Maia at agad niyang sinubuan si Adrian.
Nagulat naman siya sa biglaang pagsubo ni Maia pero agad din naman itong nawala at nagulat sa sarap ng adobo. "Grabe ang sarap! Thank you ah!" tapos kiniss niya sa cheeks si Maia.
"Kain kana diyan ah! Lakihan mo. Hehehe." sabi ni Maia.
"Oo naman!" sabay subo ulit, "Ang sarap eh. Nako swerte ko talaga sa girlfriend ko! Hehehe." sabing malakas ni Adrian.
Maya ng konti ay sumabay narin si Maia sa pagkain at may napansin siya sa paligid. Lumapit siya ng kaunti kay Adrian at nagtanong, "Adrian, uhmm bakit parang kanina pa tayo pinagtitinginan?"
"Ha?" sabay inom ng tubig ni Adrian at tingin sa paligid, "Ah, gawa mo kasi."
"Ha? Bakit ako?" natanong niya sa pagkagulat.
"Ganda mo kasi eh. Tsaka ako pa kasama mo." simpleng sagot ni Adrian.
Sandaling napaisip itong si Maia habang dahan-dahang kumakain. "Sikat kaba dito?"
"Ha? Hindi naman."
"Eh di bakit nga?" pangungulit naman ni Maia.
"Eh kasi, uhmm paano ko ba sasabihin ito. Kilala ako dito dahil sa grades ko. Pero mostly mag-isa lang ako at di gaano nakikipag-interact. Kaya parang first time nilang makita na may kasama ako. Lalo na't girlfriend ko pa." sagot ni Adrian habang tuloy sa pagkain.
Napangiti nalang si Maia doon at sinabing, "So alam nilang girlfriend mo ako?"
Napatingin naman si Adrian kay Maia at kitang-kita nito sa mukha niya ang galak na pigil na pigil. Napa oo nalang si Adrian sa tungo at nagpigil pa lalo itong si Maia at tumuloy lang sa pagkain.
"Alam mo bigla kong naalala, totoo pala yung sinab ni Asterope na loser ka." sambit ni Maia ng tila mabilaukan si Adrian sa narinig niya.
Nagulat doon si Maia at agad namang niyang inabutan ito ng tubik. Kaunting sandali pa ang lumipas ng maka-recover si Adrian ay sumagot siya, "wag mo na ipa-alala."
"Ay sorry. Hehehe. Love you." tapos kiniss niya ulit sa cheeks si Adrian.
"Love you too." sagot naman pabalik ni Adrian at pagkatapos noon ay tumuloy na sila sa pagkain.
Lumipas ang ilang sandali ng pagkain at pagkukulitan at natapos narin silang kumain.
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Maia.
"Oo naman. Ngayon lang ata ako nasarapan at nag-enjoy sa pagkain dito sa school. Salamat sa napakasarap na adobo." pagpupuri ni Adrian.
"Oh sige aalis na ako at may klase ka pa." sambit ni Maia.
"Teka paano mo nalaman na may klase pa ako?" tanong ni Adrian sa pagtataka dahil hindi naman niya natatandaan na alam ni Maia to.
"Ha? Tiningnan ko sa schedule mo. Kaya yun. Hehehe. Sige na aalis nako. Bye." sambit ni Maia matapos mag-ayos ng pinagkainan nila. Hinalikan nalang ni Maia si Adrian sa labi at agad na umalis.
Di nalang nakapag-salita noon si Adrian at natulala nalang sa kanyang girlfriend habang naglalakad papaalis. At maya-maya pa ay napangiti, dahil sa pinasaya pa ni Maia ang araw niyang iyon.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Fiksi RemajaImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...