Ch. I, Prt VII: The world is an open book

1.9K 56 5
                                    

Bandang hapon na noon at inilabas na ni Adrian si Maia. Habang naglalakad sila papunta sa sakayan, ay nag-iisip parin ito kung ano ang una nilang gagawin. Si Maia ay tila parang isang Bsta na unang beses makalabas ng bahay, habang hawak-hawak siya ni Adrian sa braso.

Manghang-mangha si Maia sa kapaligiran niya. Natutuwa siya sa ganda ng paligid. Sa mga puno, sa iba't-ibang magagandang bahay sa paligid, at sa ganda ng umaga.

"Ang ganda pala pag umaga. Nakakatuwa! Ang sarap sa pakiramdam ng araw sa balat ko." sambit nito. Naplingon namin sa kanya si Adrian.

"Ngayon mo lang b naranansan ang lumabas sa umaga?" biglang tanong nito.

"Hindi naman. Mas-mainit lang dito. Pero ayos lang ako." sagot nito sa sinabi ni Adrian. Nakatingin lang si Adrian sa kanya. Hindi siya maka-react ng maayos dahil hanggang ngayon ay iniisip parin niya ang gagawin nila.

Sa paglalakad nila ay napadaan sila sa may clubhouse ng subdivision at may nakapukaw ng atensyon ni Maia. Tinitinginan ni Maia ang isang mag-syota na malapit sa entrance ng clubhouse.

Tinitingnan niya ang mga ito. Nakikita niya ang dalawa na nagtatawanan sa mga bulongan nila sa isa't-isa. Ang mga ngiti sa simpleng tawanan nila.

"Adrian, bakit sila ganun kumilos?" tanong nito habang tinitingnan niya ang pumukaw ng interes niya.

"Ha? Sino?" tanong naman ni Adrian. Tinuro naman ni Maia ang tinutukoy niya at doon nakita na niya ito at napangiti nalang. Napangiti nalang si Adrian, dahil ang tinutukoy ni Maia ay ang dalawang taong  magka-hawak kamay sila.

"Ahh, yun ba?" napatingin sa kanya si Maia, "Holding hands tawag doon. Karaniwan mag-syota gumagawa nun." tapos tumingin ulit siya sa mag-kasintahan, "Mag-boyfriend-girlfriend. Ganun." dagdag nito at napatingin si Maia kay Adrian pagkalabas na pagkalabas noon sa bibig niya.

Matagal na pinagmasdan ni Maia ang dalawa. Tila inobserbahan niya ang mga kilos ng babae. Ang mga ngiti nito. Ang mga tingin nito sa lalake.

"Tara na Maia. Baka gabihin tayo nito. Marami-rami pako ituturo sayo" sambit ni Adrian habang nakangiti lang si Maia.

Habang naglalakad silang dalawa ay tinitignan ni Maia ang kamay ni Adrian. Naka-ngiti ito, gusto niya rin maranasan ang  mahawakan ang kamay ni Adrian. Sa paglalakad nila, maya-maya ay pinabitaw ni Maia ang kamay ni Adrian sa braso niya at biglang hinawakan ni Maia ang kanyang kamay ng mahigpit. 

Nagulat naman si Adrian sa biglang ginawa ni Maia at napatingin nalang agad siya dito. Nakita nalang niya ang magandang ngiti ni Maia na sumalubong sa kanyang mga mata.

"Hehehe." sabi nito habang lumapit ito ng kaunti kay Adrian, na halos magkadikit na ang kanilang mga braso, habang hawak parin ni Maia ang kamay ni Adrian.

Natawa nalang ng kaunti si Adrian, "A-a-ano ginagawa mo?" tanong nito na may kasamang ngisi.

"Hehehe, hinahawakan ko ang kamay mo." sagot nito na may malaking ngiti sa kanyang bibig.

"Bakit naman?" tanong ni Adrian na tila iniisip parin ang gagawin niya.

"Kasi diba Girlfriend mo ako? So dapat ang mga kilos ko maging pang-girlfriend para sayo." sagot nito.

Na caught-off-guard si Adrian doon. Di niya alam kung papano mag-rereact kay Maia. May punto naman kasi ito.

"Ikaw talaga." tapos tumingin na ito sa direksyon nila, "Marami kapang dapat malaman tungkol diyan." 

"Talaga?!" biglang sigaw nito. "Marami pa akong pwedeng gawin dahil Girlfriend mo ako?" sigaw nito habang niyugyog niya si Adrian.

"Te-teka tama na. Baka mahilo ako." sabi nito. "Oo marami pa." dagdag niya.

"Kelan mo ituturo sakin?" 

"Hmmm, pag madami kanang alam. Tsaka yung iba naman makikita mo nalang sa kahit saan eh. Uhmm, sa park. Sa Mall. Saan pa ba? Meron din minsan sa mga sasakyan, sa movie theater." tapos napatingin siya kay Maia, "Meron din naman sa TV. Makikita mo rin doon."

"Wow! Ang galing naman talaga ng TV na yun! Sige mamaya pagbalik natin sa bahay, manonood ako." sagot ni Maia.

Natutuwa naman si Adrian sa kanya. Di niya alam kung Girlfriend ba niya talaga itong si Maia oh malaking batang alagain. Di niya alam. Di siya makapag-decide. Pero nakakaramdam siya ng masayang feeling dahil may nag-rerely sa kanya. 

Epekto narin marahil ito ng kanyang pagiging only child. Pati narin ang fact na ang mga magulang niya ay wala rito at nasa ibang bansa. Mahirap narin siguro ang nasanay na hindi ka gaanong inaasahan, lalo na't alam naman nila na kaya niyang i-handle halos lahat.

Habang tinitingnan niya si Maia, ay may napansin siya. Napataas-baba ang tingin niya kay Maia habang si Maia naman ay napansin ito. Tila nagtataka kung bakit siya tiningnan ng ganoon.

"Maia, tanong lang. Pag bumababa kayong mga stars. Ilang damit ang dala niyo?" tanong nito.

"Ito lang. Bakit?" agad namang sagot nito.

"As in yan lang? Hindi ba kayo nagpapalit?"

"Ewan ko dun sa iba. Pero ang alam ko. Hindi naman. Bakit?" napatingin ito sa damit niya at tila tinitingnan kung may madumi ba.

Sa mga oras na yun, ay tiningnan ni Adrian ang wallet niya, at chineck kung dala niya ang mga ATM card niya. Natuwa siya sa nakita niya dahil kumpleto, agad niyang binalik ang wallet sa bulsa niya at medyo binilisan nila ang paglalakad.

"Adrian, bakit natin binilisan?" pagtataka ni Maia.

"Alam ko na ang una nating gagawin." sagot naman agad nito.

Napaisip ulit itong si Maia ng ilang sandali hanggang sa makalabas na sila ng subdivision. At agad naman silang hinarangan ng Taxi. Binuksan agad ni Adrian ang pinto at pinapasok si Maia. Pagkatapos ay agad narin naman sumunod itong si Adrian.

"San ho tayo ser?" tanong ni Manong driver.

"Sta. Lucia Mall sir." sagot naman ni Adrian at doon, umaandar na ang taxi. Medyo nagulat itong si Maia sa biglaang pagandar nila at tila nag-iingat.

"Oh bakit ganyan ka?"

Medyo lumapit si Maia kay Adrian para bumulong, "Ngayon lang kasi ako nakasakay sa ganito." sambit nito.

Medyo natawa naman si Adrian at bumulong pabalik, "Masanay kana at lagi ka ng makakasakay sa mga sasakyan."

Napangiti naman si Maia at agad na tumingin sa labas ng bintana. Maya-maya pa ay bigla niyang naalala na hindi pa niya alam ang gagawin nila kaya naisip niyang itanong ulit ito kay Adrian, "Adrian. Ano ulit gagawin natin?"

Tumingin naman itong si Adrian na may ngiti, "Bibihisan muna kita. Bilhan kita ng damit." tapos nag-taas-baba ang kilay ni Adrian.

Si Maia, na tila hindi parin maintindihan kung para saan, ay nakatingin lang kay Adrian ng may pagtataka.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon