Ch. IV, Prt. II: Unpredictable Electra

796 21 1
                                    

Si Adrian ay tila hindi mapakali habang nakaupo sa sofa, at nakatitig sa TV habang pinapanood ang tungkol nanaman sa pagkawala ng isang star.

Well the goods news is that somehow, the stars Asterope, Merope, and Taygeta returned to their constellation and we are verifying that now as we speak with the help of all the observatories throughout the world. Our problem now however is that somehow, Electra disappeared shortly after the three other stars returned.

Oo, tama ang narinig ni Adrian. Napatingin nalang siya sa babae na nakaupo sa kabilang upuan na tila nakatingin lang sa kanya, na may kakaibang ngiti. 

"Alam mo, Adrian. Natutuwa ako sa inyong mga tao dahil sa alam niyo talaga pag may nangyayari sa kalawakan." sambit ni Electra.

"T-thank you." ang nasagot nalang ni Adrian na medyo na utal-utal pa. 

We are currently looking into a possible theory that there is something passing through that is large enough to obstruct the stars from over own view.

Maya-maya pa ay may nagtanong na reporter sa TV, How about the Maia Star? Did the Royal Observatory found it yet?

Unfortunately for Maia. We still haven't found it yet. But we have the Philippine Astronomical Observatory working on it as we speak because they were the first ones to found out about it.

Maya-maya pa ay bumaba na si Maia mula sa taas, tila naka-kunot ang noo. 

"Ah, buti naman pala at nakababa kana, ate." sambit ni Electra. 

Napalingon nalang si Adrian at agad na umupo si Maia sa tabi ni Adrian. Napataas naman ang isang kilay ni Electra at napansin naman ito ni Adrian.

"So, Ate. Kumusta ka naman dito?" tanong ni Electra.

"Ayos naman ako. Mabuti naman ang trato sakin ni Adrian. Kaya ayos naman ako." sagot ni Maia.

"Parang hindi naman yan a ng sinabi sakin ni Asterope eh." sagot  nalang ni Electra. 

"Eh, alam mo naman yung kapatid mo na yun eh! Kanino kaba maniniwala? Sa akin na ate mo, oh sa kanya?" sigaw nalang ni Maia na ikinagulat naman ni Adrian. 

Natawa nalang si Electra noon at tila pinahid ang munting luha na lumabas dahil sa pagkakatawa niya, "Hay nako Ate talaga. Ang OA ng reaksyon ah." sagot ni Electra.

Kumapit nalang agad si Maia sa braso ni Adrian, "OA na kung OA. Didiretyuhin na kita. Alam ko yang takbo ng isip mo, Electra. Ngayon palang sasabihin ko na. Ako ang Girlfriend ni Adrian. Ako! Kaya umuwi ka nalang dahil hindi ako uuwe!"

"At bakit naman, ate?" tanong ni Electra na may kakaibang ngiti nanaman sa mukha niya.

"Kasi ako ang tutupad ng hiling niya na maging girlfriend niya!" sagot na malakas ni MAia.

Napatingin nalang ng ilang saglit si Electra kay Adrian na siya naman kinagulat nito. Pagkatapos ay bumalik muli ang tingin niya kay Maia, "Sigurado kaba na nagagawa mo ang tungkulin mo? Iba na ang panahon ngayon dito sa mundo ng mga tao, Ate. Baka may pagkukulang ka sa kanya?" sambit naman ni Electra. Bigla nalang tumayo si Maia sa harap ni Adrian at tila tinatakpan niya ito. 

"Ah, basta! Malalaman at malalaman ko rin yon! Kaya umuwi kana!" sigaw niya. Tila parang inuutusan. 

Napahinga nalang ng malalim si Electra at tumayo rin. Kinakabahan na si Adrian sa mga susunod na mangyayari. 

Kung titingnan mo ang magkapatid, mas mukha pang mas-matanda itong si Electra kesa kay Maia, na siya namang ate nito. Mas mature siyang tingnan. 

Napansin naman ni Electra ang tingin ni Adrian at nginitian ito, "Ate. Ngayon palang. Tatanungin ko na muna kayo. Hanggang saan na aang naabot  ng relasyon niyo?" 

Namula naman si Maia at naptungo nalang. Tila ayaw niyang sagutin ang tanong ng nakakabata niyang kapatid.

"Oh bakit? Bakit di ka makasagot ate?" bulong nitong si Electra habang unti-unti siyang lumalapit. "Bakit di mo masabi, ate?" inulit niya hanggang sa mapaupo na siya sa sofa.

Tuloy parin ang unti-unting paglapit ng mukha ni Electra sa Ate niya habang nakatungo ito. Tumigil na ito sa paglapit at maya-maya pa ay napatingin siya sa saglit kay Adrian.

"Gusto mo ba, ako muna ang magturo kay Adrian kung ano gagawin niya, pag kayo naman ang gagawa?" sambit nitong mahina at tila kumakapit na si Maia kay Adrian.

Di na natutuwa si Adrian sa ginagawa ni Electra, itutulak na sana niya ito papalayo kay Maia ng bigla itong tumawa ng malakas at bumalik sa upuan niya.

Nagulat naman si Adrian doon, habang si Maia ay ganun din. Nagkatinginan sila ng ilang beses bago bumalik ang tingin nila kay Electra.

"Hahahaha! Naku, ate! Nakakatuwa ka talaga! Di ka mabiro! Wag kang mag-alala! Di ko balak gawin yung ginawa ni Asterope, hahahaha!" paliwanag ni Electra.

Nalilito naman si Maia sa sinabi ng nakakabata niyang kapatid, "Eh kung hindi naman pala yun ang gagawin mo? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Maia.

"Eh di ang sunduin ka nga!" pag-ulit ni Electra.

"Ayoko nga sabi eh! Ano ba?" pag-ulit ni Maia.

"Alam ko." sagot naman pabalik ni Electra.

Napakamot nalang ng ulo si Maia, "Eh alam mo naman pala eh. Bakit ka pa pumunta dito? Umuwi kana dali! Shoo!" 

"Grabe, aso lang?" sambit ni Electra, "Wala. Pumunta lang ako para matigil itong si Asterope. Kinulit kaya ako ng kinulit nung nakauwi sila. Pumayag nalang ako ng magtigil. Tsaka isa pa. Gusto ko rin makita ang taong taga-lupa na bumihag ng puso ng ate ko ng ilang buwan lang." dagdag niya.

Namula naman si Maia sa huling sinabi ni Electra habang si Adrian naman ay parang pinagpawisan ng kaunti.

"Hay nako naman. Eh kailan ka babalik satin?" tanong nalang ni Maia para ma-iba ang usapan.

"Uhm, baka isang linggo lang ako dito tapos alis narin ako." sagot nitong si Electra.

Napanganga nalang naman si Adrian dahil sa nalaman niyang yun. Mukhang aabutan pa ata ni Electra ang Papa niya.

"Uhm, Electra. San ka ba ngayon mag-sstay kung isang linggo ka dito?" tanong ni Adrian.

"Saan pa? Eh di dito din!" sagot naman nitong si Electra at tumayo, "Bakit? May problema ba?" tanong nito.

"Ah wala naman!" agad na sagot nitong si Adrian ng siniko naman siya bigla ni Maia, na tila parang nainis sa naging sagot niya, "padating kasi ang papa ko. Kaya yun," ang tanging nasabi nalang niya.

Lumaki naman ang ngiti ni Electra sa narinig niya, "Ah ganun ba. Eh di mas mabuti pala kung ganun." tapos kumindat nalang siya kay Adrian at Maia. 

Medyo kinabahan sila dahil sa naging reaksyon ni Electra sa sinabi niya. At sa mga oras na yun, maging si Maia, hindi alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng kapatid niya.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon