Ch. I, Prt. VIII: Fountain in a sea of stores

1.6K 46 4
                                    

Nakarating na sila ng Mall. Pagkababa na pagkababa ni Maia ang mangha na mangha siya sa nakikita. 

"Wow! Ang ganda naman dito! Tingnan mo Adrian oh!" turo nito sa mall.

Si Adrian naman ay nakangiti. Natutuwa kay Maia. Mas mukha ngang may alaga siyang malaking bata kesa sa Girlfriend eh. 

"Adrian dali! Pasok tayo!" dagdag nito at tumakbo na siya paakyat sa entrance.

"Oh mag-ingat ka. Baka madapa ka." at agad siyang sumunod dito. 

Habang nakapila sila pagpasok ay palinga-linga itong si Maia. Ng siya na ang susunod ay lumakad na siya at tila nagulat sa biglaang paglakas ng hangin sa pinto.

"Wooooaahhh. Adrian, lumakas ang hangin dito oh!" sigaw nito sa kanya. Nagtinginan ang tao sa kanya at tila biglang nahiya. Napatungo nalang siya at agad na sinabihan si Maia.

"Maia, pakap-kap ka muna sa guard. Antayin mo ako sa kabila." sabi nito habang siya na ang susunod sa pila niya.

Nakinig si Maia at doon nagpakap-kap siya sa guard at pagkatapos ay naghintay siya sa kabilang side. Manghang-mangha siya sa loob. Palinga-linga siya habang tinitingnan ang iba't-ibang magagandang shop dito. 

Ng makalampas na si Adrian ay nilapitan niya agad ang tila hindi mapakaling si Maia. "Oh Maia, ayos ka lang?" tanong nito at agad niyang hinahawakan ito sa kanyang mga balikat.

"Nahihilo ako. Ang daming magagandang bagay dito sa-sa-sa-sa-"

"Sa mall?" natatawang sabi ni Adrian.

"Oo dito sa Mall! Gusto ko silang tingnan lahat, kaso nga nahilo ako." sabi nito at kumapit na siya sa balikat ni Adrian.

"Wag ka kasing masyadong hyper. Mamaya kung mapano ka niyan." sabi nito habang naglalakad sila sa loob.

"Eh kasi nga..."

"Eh kasi oh..." tapos sabay pindot nito sa ilong ni Maia para magtigil. "Sige na, madadalaw natin ung ibang shop mamaya. Unahin muna natin yung mga kailangan mo ok ba?" sabi nito.

Habang hawak parin niya ang ilong niya ay sumagot si Maia, "Okay."

Bago sila tumuloy ng Department store, ay idinaan muna ni Adrian si Maia sa may fountain. "Tingnan mo Maia oh." pagtawag nito sa kasama niyang kung saan-saan nakatingin. 

Pagkalingon nito ay nagulat siya sa nakita niya, ang fountain na tila nagsasayaw sa gitna ng mall. 

"Wow! Ang ganda naman nito!" sabi nito at agad na bumitaw ito kay Adrian para lumapit sa fountain. "Adrian tingnan mo oh!" lingon nito habang nakaturo sa fountain.

"Wag kang magtuturo ano kaba. Haha!" sambit ni Adrian. Natatawa siya sa reaction ni Maia na may halong tuwa. habang tinitingnan niya si Maia ay bigla itong may naisip.

"Maia, picturan kita ah." sabi nito pagkatapos ay kinuha nito ang phone niya. Tila hindi lang ni Maia napansin ang sinabi niya at naka-focus lang ito sa fountain. Hinintay niya ang pagkakataon para kumuha ng magandang picture ng biglang lumingon ito, na may ngiti sa kanyang mukha. Doon, nakuhaan niya ng magandang litrato si Maia.

Tingnan muna ni Adrian ang litrato. Doon nakita niya, ang napaka-maaliwas na ngiti ni Maia. Tila walang pino-problema sa mundo. 

"Tara na Maia. Mamimili pa tayo." pagtawag nito sa kanya. Agad naman bumalik sa kanya si Maia at pagkatapos ay tumuloy na sila sa Department Store. 

Ng makapakasok sila sa Department Store ay napanganga nalang si Maia. Ang daming magagandang rilo, damit at kung ano-ano pa. Palinga-linga ito sa mga nakikita niya hanggang sa makarating na sila sa destinasyon nila.

"Wow ang gaganda naman ng mga damit!" sambit nito at agad niyang nilapitan ang isang damit. 

"Gusto mo ba yan?" tanong ni Adrian.

"Oo! Ang ganda kasi ng kulay. Kulay blue." 

"Oh sige, kunin mo na yan, tapos hanap kapa ng mga damit mo dito." sabi ni Adrian ng lingunin siya ni Maia, "Pagkatapos pipili tayo ng pantulog mo, tapos bagong sandalyas at higit sa lahat; yung panloob mo." sabi nito.

Napailing naman si Maia, "Panloob?"

Nagtaka si Adrian, "Panloob. Underwear." tapos nagkatitigan lang sila. "Meron ka bang underwear?" 

"Ano yun?" tanong ni Maia. Napalunok nalang si Adrian. Kanina pa ito talon ng talon at takbo ng takbo, tapos wala pala itong panloob.

"Mamaya na pala yan. Yung panloob mo muna ang unahin natin." tapos hinawakan ni Adrian si Maia sa kanyang braso. Hinila niya ng marahan ito papunta doon sa parte ng department store na yun.

Ng makarating sila ay naghahanap ng sales lady itong si Adrian ng may lumapit sa kanila.

"Yes sir. May kailangan mo po sila?" tanong ng sales lady. binulungan nalang ni Adrian ang sales lady habang si Maia ay tinitingnan ang isang manikin na may suot na underwear. Maya-maya ng matapos na ang dalawa ay nilapitan na ng Sales lady si Maia.

"Halika Ma'am. ako bahala sa inyo." tapos hinila na siya nito. "Sir sunod nalang po kayo sa likod." sambit nito.

Tumingin si Maia sa kanya na tila nag-aalala at ngumiti naman si Adrian sa kanya, "Sige na Maia na sa likod mo lang ako. Pili ka ah. Makinig ka sa kanya." sambit nito. Doon, napangiti nalang si Maia at sinimulan na nila ang mamili.

Nagpaikot-ikot sila sa section na yon. Natagalan din sila sa pamimili ng pan-loob ni Maia hanggang sa matapos na sila. Lumapit nalang sila kasama ang sales lady, "Sir tapos na po. May kailangan pa po ba kayo?" tanong nito.

"Ahh, paki samahan narin po kami. Pili ng mga damit niya. Panlabas, pambahay, at pantulog narin." sabi nito.

"Ay nako, okay lang sir. Ako na po bahala. Sunod nalang po kayo ulit." tapos inaya na nito si Maia. Pagkatapos ay tumuloy na silang dalawa sa pamimili. 

Una muna ay pinuntahan nila yung damit na kulay blue kanina na gustong-gusto ni Maia. Pagkatapos ay inihanap narin siya ng saleslady ng iba pang mga damit na magagamit niya. Sumunod ay ang pantulog niya. At sa lahat ng napapansin ni Adrian halos puro palda lang ang binibili nito.

Lumapit siya sa sales lady at sinabi niya rito, "Hanap mo narin siya ng shorts at pantalon." sambit nito at hindi nagtagal ay nakapili na sila ng mga ganto para kay Maia. 

Tuwang-tuwa si Maia, at nakikita ito ni Adrian. Sa halos apat na oras ng pamimili nila ay sawakas at natapos narin sila sa pamimili ng mga damit nila. 

"Oh pagod kana ba Maia?" tanong ni Adrian.

"Grabe ang dami ko pang gusto doon eh." 

"Sa susunod nalang. Sa ngayon ito muna." sabi nito habang sinasakay na ang mga pinamili nila sa taxi.

Maya-maya ng matapos na ang paglalagay ay biglang hinalikan ni Maia si Adrian sa pisnge pagkatapos ay tumakbo ito sa loob ng sasakyan. Hindi agad naka-react si Adrian pero unti-unting lumitaw ang maliit na ngiti sa mukha nito. Sumakay narin siya at doon, umuwi na sila.

"Nagugutom kana ba?" tanong ni Adrian habang umalis na ang taxi.

"Oo eh." 

"Sige order nalang tayo ng pizza."

"Ano ang pizza?"

"Ay nako, pagnatikman mo yun, i-wiwish mo na sana naging tao ka nalang. Hehehe."

"Wow mukhang masarap ah. Sige yun nalang din."

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon