Ch. III, Prt. VI: Katipan

955 25 2
                                    

Malamig ang naging umaga sa bahay. Tila malungkot parin itong si Maia habang iniisip niya ang naging reaksyon ni Adrian. Si Taygeta ay tahimik na naghihintay ng pagkain na niluluto ni Maia habang ang dalawa na kapatid niya ay tahimik rin na nanonood sa sala. 

Si Adrian naman ay nasa taas lang at naghahanda na para pumasok. Tila hindi parin fniya maalis sa isip niya ang nangyari kahapon. Di niya maalis sa isip niya ang mukha ni Maia kagabi. Ang mukha na noon lang niya nakita. Di niya lubos akalain na ang mukha lagi nalang ngiti, tawa at galak ang isinasalubong sa kanya ay makakagawa ng tila, maka-sakal-pusong kalungkutan. 

Di niya malilimutan yung mukha ni Maia na yun. Yung oras na nawalan ng ngiti sa mukha niya. Yung ngiti na sikretong inaabang niya tuwing pag-gising niya, at tuwing uuwi siya. Tumakbo sa isip niya ang mukha ni Maia na yon, at doon napagtanto niya ang sinabi ni Anastacia, oh ni Asterope. 

"Kung ganyan din laang ang Boyfriend mo. Mabuti pang iwan mo na siya ate. Akala niya kasi, tao ako. Tama ako diba? Sumagot ka Adriain!"

Napaisip si Adrian, dahil nga ba sa hindi tao si Maia, kaya niya nagawang maging malapit kay Asterope? Tama nga ba yon? Napatingin nalang siya sa salamin at tiningnan ang sarili. 

"Tama ba siya?" tanong niya sa sarili niya. Napatungo nalang muli siya at doon lumabas na ng kwarto. Naamoy niya ang niluluto ni Maia. Pagbaba niya ay nagkatinginan naman sila ni Asterope na ganun parin ang tingin sa kanya, masama at puno ng galit. Pupunta na sana siya para kumain ng agahan, pero napili nalang nitong umalis. 

Ihahanda na ni Maia ang lamesa ng nakita niyang lumabas nalang si Adrian sa pinto. Nalungkot siyang muli dahil naisip niya na parang ayaw siyang kausapin ni Adrian.

Di nalang nakapagsalita si Maia. Hinain nalang niya ng tahimik ang pagkain habang pumunta na sa sala sina Asterope at Merope.

Di narin nagsasalita si Taygeta at hindi gusto ni Asterope ang kinikilos ng mga kapatid niya.

"Ano bang ipinagmumukmok nyo?" tanong nitong bigla. Nagkatinginan nalang ang tatlo at sabay-sabay silang tumingin sa Ate nila na hindi ginagalaw ang pagkain na nakahain sa harap niya.

"Ano ba yan Ate, pwede ba umayos kana? Ipagpapalit karin niya sa tao."

"Ate! Ano ba!" Pagsingit ni Taygeta.

"Eh talaga naman eh. Kung hindi niyo pa nga kami susundan di pa niya malalaman na kapatid ko kayo." tapos tumingin siya kay Maia. "Ate alam mo naman na para sayo din to. Ayaw lang namin mangyari sayo ang nangyari kay Ate."

Di nagtagal ay tumayo si Maia at di nalang nagsalita at tumuloy sa kwarto. Di na naka-react pa ang tatlong magkakapatid habang si Merope ay sinimulan nalang niyang kumain.

Tumingin naman bigla itong si Asterope kay Taygeta na nakakunot ang noo na nakatingin sa kanya. "Oh bat ganyan tingin mo?"

"Kasi di mo nanaman pinapansin ang nararamdaman ni Ate Maia. Palibhasa sarili mo nanaman ang pinapansin mo!" tapos tumayo agad siya at umakyat, sumunod sa ate niya.

Nainis naman itong si Asterope sa naging asal ni Taygeta. "Tingnan mo talaga yung batang yon, walang galang! Pagsabihan mo siya Merope ah." tapos sinimulan nalang niyang kumain na nakakunot din ang noo.

Di nalang nagsalita si Merope at tahimik na tinuloy ang pagkain na kinainis rin ni Asterope, "Oi magsalita ka nga! Ano ba!"

"Pag nagsalita ako, baka magalit ka lang. Tsaka tama rin si Taygeta. Ginagawa mo nanaman ng hindi nagiisip ang mga bagay-bagay." sabi nalang ni Merope.

"Anong hindi nagiisip? Kaya nga narito tayo para pauwiin si Ate Maia diba?" sagot ni Asterope.

"Naisip mo nga ba mararamdaman ni Ate?" biglang sabi ni Merope at doon, napatigil si Asterope. Di nalang siya agad nakasagot.

"Eh bakit ka sumama? Bat di mo ako pinigilan?" tanong ni Asterope.

"Kasi wala naman ako magagawa." tapos tumayo na siya para ligpitan ang kinainan niya, "Tsaka baka mas-malaking gulo pa gawin mo dito. Kaya mabuti pang bantayan narin kita." dagdag niya at napanganga nalang si Asterope sa pagkakaupo niya.

~~~~~~~~~~

Sa taas naman ay nakaupo lang si Maia sa kama niya habang yakap-yakap ang unan, tila hindi alam kung ano nga ba dapat ang kanyang gawin. Tinupad naman niya ang hiling ni Adrian, yun nga lang, di lang niya naisip na magagawa niya sa kanya yun. Nakita niya naman na mabuti ang kalooban ni Adrian. Kaya napapaisip siya kung papano niya nagawa to.

Pumasok narin sa isip niya na baka tama rin itong kapatid niya na si Asterope. Baka nga gusto rin ni Adrian na ang maging kasintahan niya ay isang tao rin. Di naman niya masisisi ito, Di naman kasi siya tao. Isa kasi siyang bituin. Star. 

Nakarinig siya ng katok sa pinto bago ito bumukas at ang bumungad sa kanya ay ang bunso niyang kapatid. "Ate?" tawag nito.

Umupo agad ito sa tabi niya, "Wag muna pansinin si Ate Asterope. Ganun lang naman talaga yun." sambit ni Taygeta.

"Wag mo narin isipin yang iniisip mo, Ate. Nakita mo naman loob ni kuya Adrian diba? Di mo naman pagbibigyan yung hiling niya kung alam mo na hindi maganda kalooban niya diba?" dagdag ni Taygeta. Pero hindi parin talaga nag-sasalita si Maia. Tahimik lang siya. 

Si Taygeta naman, ay ktiang-kita na apektado ang Ate niya sa ginawa ni Adrian. Di rin nila alam kung balak nga ba nitong lokohin si Maia, at sa kanilang apat na naroroon, si Maia lang naman ang pwedeng makakita noon. "Ate, ano kaya kung tanungin mo nalang si Kuya Adrian. Magusap kayo para malaman niyo kung ano ba talaga yang ginagawa niyo."

Napatingin sa kanya si Maia noon, "Diba, sa mundong ito. Pag-sinabing kasintahan, mag-syota, oh katipan. Isa lang naman ang pwedeng kahantungaan noon?" sambit niya. Muling napaisip si Maia at tumungo nalang ng "oo" kay Taygeta. 

"Kausapin mo nalang siya ate para mas malinaw. Tsaka dapat alam mo nanaman kagabi pa kung ano ba talaga balak ni Adrian diba? Bakit di mo tiningnan?" tanong in Taygeta.

"Kasi, gusto ko maging normal kami na magkasintahan. Kung may problema ba, gusto ko sabihin niya sakin. Tulad ng ginagawa ng iba. Gusto ko lang naman, maging normal kaming magkasintahan. Magkatipan." tapos humiga nalang si Maia at tinapos ang maiksing paguusap nila ni Taygeta doon. 

Napahinga nalang ng malalim itong si Taygeta. Tila ngayon lang siya nakaramdam, na mawalan ng magagawa.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon