Nasa may department store naman noon ang mag-ama. Nakasunod lang si Adrian sa kanyang ama noon habang tumitingin ng mga mamahaling damit na sigurado siya ay dadalin niya pabalik ng trabaho niya, pagkatapos ng bakasyon niya. Di rin siya gaanong nag-aalala para kay Maia dahil kasama naman nito ang kapatid niya.
"So, Adrian, anong plano niyo ni Maia?" biglang tanong ng papa nito.
Napaisip naman si Adrian ng kaunti sa tanong ng ama niya, ano nga ba talaga ang plano niya? "Sa totoo lang, Pa, di ko pa po alam eh." sambit nalang niya.
Napatingin naman ang ama sa kanya, "Well, you better know, anak, after all. Siya palang ang pinaka-una mong pinakilala sakin." sambit naman nito sabay ngiti sa kanya.
Di rin naman kasi alam ni Adrian ang gagawin niya. Oo, unti-unting namumuo ang kanyang feelings para kay Maia. Pero hindi rin naman ganun kadali yon.
"Taga rito ba siya? Natatakot kaba na baka umalis din siya? Banggit din kasi ng Ate niya, nagbabakasyon lang siya dito." sabi ni Ronald.
Nagbabakasyon. Isa pa nga yon, di kasi nga alam ng tatay niya na hindi tagarito sa mundo nila si Maia, "Oo, Pa. Taga uhmmmm -- norte siya, oo tama, Norte." sagot ni Adrian.
Napatingin naman ang ama niya sa kanya, "Norte? Nueva Ecija ba to? Ilocos Norte, oh Ilocos Sur? biglang tanong nito.
Napalunok nalang si Adrian at nabanggit nalang niya ang pinaka unang probinsya na pumasok sa isip niya, "Ilocos Norte, Pa." sambit niya at doon napangiti ang ama niya.
"Teka, so magka-probinsya lang pala kami? Ano bang apelyido niya, baka kilala ko tatay niyan. Alam mo na, baka ano -- mabuti ng handa, Anak." sunod na siba ni Ronald na kinagulat niya.
Shit! Taga Ilocos Norte nga pala si Papa! Nagkunwari nalang si Adrian na namimili ng mga damit. Daliang nag-iisip ng kung ano pang palusot na pwede niyang gamiting palusot.
"Ay ano, Pa. Halos kakalipat lang nila sa Ilocos mga three to four years ago. Baka di mo alam apelyido niya." sambit nito.
"Ganoon ba? Sabagay Mestiza yang si Maia. Good catch anak, hehe." sambit ni Ronald at natawa narin lang si Adrian sa sambit ng papa niya, "So immigrant ba sila?" padagdag nitong tanong.
"Parang ganun na nga, Pa." sambit ni Adrian.
"Ah, anong apelyido niya? Parang wala silang nababanggit tungkol doon eh." dagdag ng Ama niya.
Anak ng! nahihirapan na si Adrian. Ngayon lang niya pinaninindigan ang kasinungalingan na to. Pero hindi rin naman niya pwedeng sabihin basta-basta na taga kalawakan itong si Maia. Baka kung ano pa isipin niya. Tumingin siya sa palagid, para maghanap ng ideya. Naiinis din siya sa sarili niya kung bakit sa tuwing kasama niya isa sa mga magulang niya, parang medyo nabo-bobo siya?
Maya-maya ay nakasipat siya ng isang salita at agad na sinabi, "Morningstar! Maia Morningstar, Pa." sagot niya.
Napatingin siya sa Ama niya nakita niya na medyo namangha ito. Maya-maya pa ay bigla siyang inakbayan at ikinutusan, "Walanghiya, nakabingwit ka ng Briton, Anak? Hahaha maganda yan! Manang-mana ka talaga sakin!" pagktapos ay bumitaw na ito sa kanya at natawa nalang si Adrian habang tinuloy ng tatay niya ang pamimili ng mga bibilin niya.
"Galing mo talaga. Manang-mana ka talaga sa Papa mo." samnit nito. "Anyway, ano apelyido ng Mama niya?" biglang tanong ng tatay niya at doon, npaahinga nalang ng malalim si Adrian.
"Di ko natanong, Pa eh." simpleng sagot niya.
"Ah ganun ba. Well anyway, anak. I like her." nagulat nalang si Adrian sa sinabi ng tatay niya.
"yes several days palang kami magkakilala ng Maia mo, but you are smiling often with her around. Even even if she's not there. Dati bago kami umalis ng mama mo - hindi pa kami hiwalay ah - hindi ka palangiti eh. Sobrang seryoso mo. Di mo ginagawa dati yan, Anak. Pero ngayon, nakikita ko na talaga ang pagbabago sayo. Masasabi ko rin na magandang impluwensya siya sayo. better keep her around okay?" sambit ng Papa niya. Napangiti nalang naman si Adrian sa sinabi nito. Kung naririnig lang siya ni Maia, nako lalong matutuwa ito dahil dito.
Napaisip din siya at doon niya napagtanto na hindi nga siya ganoon ka pala-ngiti. Natawa nalan siya sa sarili niya. May punto rin ang ama niya. Napapansin niya na hindi nga siya ganoon ka focus sa goal niya. Pero at least, sa unang beses sa buong buhay niya - masaya siya.
"Tara na, Anak. Ayos na siguro to pagbalik ko sa London." sambit ni Ronald at tumuloy na sila sa check out counter. Natagalan din sila doon. Matapos maka bayad ay palabas na sila ng department store ng bigla napatigil si Ronald.
"Ay teka, Anak. Tara samahan mo ako. Muntik ko ng makalimutan." sambit ng Ama niya at nag madaling maglakad. Napaisip nalang si Adrian kung bakit hanggang sa hindi nalang niya namalayan na nasa women's wear section na sila.
"Anak, ipili mo yung magkapatid ng damit." sambit bigla nito.
"Ha? Teka hanapin ko lang yung dalawa ng makapili." sabi niya ng pinigilan siya ng ama niya.
"Surpresa ko to sa kanila. Tsaka di rin naman ako magtatagal kaya bibilan ko narin sila, lalo na yung Maia mo. Hehe." sabi nito at napailing nalang sa galak itong si Adrian.
"Nye, bakit naman, Pa? Ako nalang bahala. Nakakahiya." sagot ni Adrian.
"Hinde, ako na. Regalo ko nga to, ano kaba. Pumili kana para sa kanila. Utos ko yan." pag-pipilit ni Ronald. Wala ng nagawa si Adrian kundi ang sumunod at humanap na muna ng damit para kay Electra.
Di siya nagtagal sa paghanap ng damit nito at agad naman niyang sinunod ang damit para kay Maia. Di siya makapagdecide actually pero agad siyang nakakita ang white dress na bagay na bagay para kay Maia. Tinanong nito ang Papa niya kung ayos naba ang napili nito at hindi na ito nagdalawang isip at dumeretyo na sa counter.
"Wow ganda naman po ng napili niyong mga damit. Para sa mga dalaga niyo, sir?" tanong ng cashier.
"Ah hinde. Para sa Ate yung isa diyan ng girlfriend ng anak ko at yung isa sa girlfriend." sagot ni Ronald.
"Ah ang bait niyo naman sir." sambit muli ng cashier.
"Ah, nako mahirap na. No Girlfriend since birth tong Unico Hijo ko!"
"Pa!" nahiyang sagot ni Adrian at halatang natawa ng kaunti yung cashier.
"Una niya to. Kaya mabuti ng ligawan niya pati yung Ate, at ng hindi na mawala yung unang girlfriend niya. Hehehe." pagbibiro nito sabay tingin sa kanya ng Ama niya. Yung Cashier naman nagpipigil nalang ng tawa habang chinecheck out yung mga damit.
Napa-facepalm nalang si Adrian, may mga oras talaga na nagiging tatay ang tatay niya. Pero mas madalas nga pala yung pagiging loko-loko nito, na sa kasawiang palad ay nakalimutan niya.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...