"Maia, aalis na ako. Kayo na ni Taygeta ang bahala sa bahay ah!" pagsasabi ng malakas nitong si Adrian habang nagmamadaling umalis ng bahay.
"Ha? Nanaman? Wala ka namang pasok ngayon ah." sambit nitong si Maia. Habang si Taygeta naman ay naka-kunot na ang noo na nakikinig at nag-mamasid sa dalawa.
"Ah, pasensya na Maia, pinapatawag ako ulit doon sa OJT ko eh. Bawi nalang ako." pagpapaliwanag ni Adrian.
"Sabi mo rin yan nung isang linggo eh. Kelan naba talaga?" tanong ni Maia na halatang malungkot na sa tila napapadalas na pag-punta ni Adrian sa school at sa OJt daw nito.
Napapansin din iyon ni Taygeta. Dalawang linggo narin ang nakakalipas nung nakikita niya rin na madalas na ang paghawak at pagtingin nitong si Adrian sa phone niya.
"Sorry na talaga Maia. Bawi nalang ako, promise. Magdala ako ng pizza mamaya. Sige na ha, male-late nako, bye!" tapos tumakbo na ito papalayo.
May sasabihin sana itong si Maia pero hindi na niya na i-tuloy dahil nga mabilis na na nakaalis itong si Adrian. Hindi rin siya agad nakapasok noon at tila nalulumbay na sa sitwasyon nila ni Adrian.
"Ate, ayos lang ba kayo ni Kuya Adrian?" pagtatanong ni Taygeta. Hindi naman agad humarap itong si Maia. Nagtangka itong lumapit para tingnan kung ayos ang ate niya ng bigla itong humarap na may ngiti sa mukha niya.
"Ha? Oo naman ayos lang ako. Ganun lang talaga si Adrian. Tara na pumasok na tayo. Ligo kana rin at malapit na yung oras nung palabas na inaabangan mo. Mag-handa narin ako ng pagkain natin habang nanonood ha? Sige na pasok nako." sabi nalang ni Maia at agad na pumasok.
Pero, kahit na bata pa itong si Taygeta, hindi siya tanga. Alam niya kung may mali, lalo na sa ate niya. Sinundan niya ito papaloob at tiningnan niya muna ito sa kusina kung ayos lang ba talaga to. At doon nakita niya, na parang iba ang ate niya. Parang wala sa mood. Walang gana. Alam ni Taygeta na hindi ok ang ate niyang si Maia.
Maya-maya pa ay natapos na siyang maligo at agad na bumaba para manood na nga ng palabas sa TV na ilang araw narin niyang inaabangan. Nakita niya na naghihintay na sa kanya si Maia at doon ay agad siyang tumabi dito. Ng makita nito ang mukha niya ay nakita niya na malalim ang iniisip nito.
Yung kaninang ngiti na nasa mukha nito ay wala na. Napalitan ng malalim na tingin at malalim na paghinga.
"Ate." mahinang tawag nitong si Taygeta at tila na-alimpungatan itong si Maia at tumingin sa kapatid niya, na may ngiti sa mukha.
"Ay kanina kapa ba diyan? Sige na sakto lang dating mo. Mag-sisimula na yung palabas mo oh. Tikman mo yang niluto ko. Masarap yan." sambit nito at kumuha siya ng isang piraso at tinikman ito. Tinitingnan lang siya ni Taygeta at alam nitong nagkukunwari lang na ok ang ate niya.
"Ate ayos ka lang ba talaga?" tanong nito muli.
"Ha? Oo naman. Bakit naman?" sambit nitong si Maia na tila iniiwasan ding tumingin sa kapatid niya.
"Ate yung totoo, ok ka lang ba talaga?" pag-ulit nitong si Taygeta at doon, napatigil si Maia. "Sabi ko na nga ba ate eh, hindi ka ok. Ano ba nangyari sa inyo?" dagdag nito.
"Hindi ko rin alam bunso. Pero parang may iba sa kanya ngayon. Parang mas-lalo siyang naging busy. Ayun." sagot naman ni Maia.
Napataas naman ang kilay nitong si Taygeta, "Natanong mo na ba kung ano yung laging tinitingnan niya sa phone na hawak niya?" sambit nito.
"Oo, pero tinatago niya sakin eh. Bawal daw kasi. Di daw gawain ng girlfriend yun." sagot ni Maia na halatang lalong nalulungkot dahil doon. "Tapos nung isang gabi, nahuli ko pa siyang parang may kausap sa phone niya. Hindi ko nalang inalam kung sino yun kasi nga naalala ko yung sinabi niya nung umagang yun." dagdag niya tapos kumain ulit.
"Hay nako ate. Kahit na, dapat alamin mo rin kung sino-sino nakakahalubilo ng boyfriend mo. Dapat nga alam mo yan eh. Tsaka minsan nahuhuli ko rin yung boyfriend mo na may babasahin sa phone niya, tapos mapapangiti nalang bigla oh kaya matatawa ng mahina." dahdag ni Taygeta.
"Ha? Napapansin mo rin pala?" tanong ni Maia dahil akala niya siya lang ang nakakapansin.
"Oo kaya. Tsaka may alam din naman ako sa mga relasyon dito sa mundo ng tao noh!" sigaw ni Taygeta at agad na kumuha ng pagkain at isinubo ng buo sa inis.
"Oh eh bat parang galit ka? Sorry na Taygeta." sambit ni Maia.
"Wag kang mag-sorry hindi ako galet!" tapos kain ulit nitong si Taygeta.
"Nye, eh bakit ka ganyan?" tanong ulit ni Maia.
"Hindi ko alam! Basta Ate, mamaya pag uwi ni kuya alamin mo na. Ayokong nalulungkot ka ng ganyan." tapos tumuloy na sila sa panonood ng palabas nila.
"Eh ano naman alam ko kung sino nakakahalubilo niya oh kung ano ginagawa niya, eh hindi naman ako taga dito sa mundong to." katwiran ni Maia.
Pero si Taygeta, lalong nainis at napakamot nalang ng ulo ng mabilis na tila kulang nalang ay bunutin niya ang buhok niya sa bunbunan. "Ate, kahit na, Girlfriend ka niya. Girlfriend! Ang alam ko, lalo na sa mga pilipinong to, na dapat, honest ka sa Girlfriend mo. Hindi nga lang siguro dito sa bansang ito eh, maging sa lahat ng bansa sa mundo ng mga taong to!" katwiran naman pabalik ni Taygeta at doon natahimik nalang si Maia at tumutok nalang sa TV.
May sasabihin pa sana si Taygeta, pero sa naging reaksyon ng Ate niya, ayaw na niyang dumagdag pa.
~~~~~Sa isang mall sa Mandaluyong~~~~~
Mabilis na tumatakbo itong si Adrian at tila nagmamadali. Iniiwasan niyang makabunggo ng ibang tao habang bumababa siya sa foodcourt ng mistulang mall. Ng makababa na ay sandali siyang tumigil at nag-masid ng mabilis at ng makita ang hinahanap, ay napangiti at lumapit dito.
"Sorry kung medyo late ako!" sambit ni Adrian habang humihingal dahil sa pagod, "Kanina kapa ba?" dagdag nito.
"Hindi, kakadating ko din lang."
"Ah sige, so tara na?" sambit nitong si Adrian.
Ngumiti ang babae at sumagot, "Sige tara." tapos kumapit na agad ito sa braso ni Adrian. Nagkatinginan naman ang dalawa nitong si Adrian, at si Anastacia.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Novela JuvenilImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...