Ch. II, Prt. VI: For the Horde!

1.1K 34 0
                                    

Nakasakay na silang lahat sa taxi noon at ng maiba naman. Sa SM ni Adrian dadalhin ang girlfriend niyang is Maia, at ang kapatid naman nitong is Taygeta. Habang bumabwahe sila malungkot si Maia. Sa kadahilanan na hindi pinayagan ni Taygeta na tabihan ito ni Adrian. At tila sinesermonan pa ang ate niya kung bakit dapat hindi siya masyadong magdidikit sa kanya.

Napahinga nalang ng malalim noon si Adrian habang yung taxi driver ay nakangiti. Natatawa sa sitwasyon ng kanyang mga pasahero. Lumipas pa ang ilang minuto at dumating na sila sa SM Marikina. 

Ng makapasok na sila sa loob ay tila umilaw ang mata ng dalawang mag-kapatid. 

"Adrian ang dami namang ganito dito! Sta. Lucia din ba to?" tanong ni Maia.

"Hindi. SM Marikina to. Tara pasyal muna tayo."

"Tao! Ano itong tinatalunan ng mga bata?" tanong naman ni Taygeta.

Tumingin naman si Adrian at si Maia at nakita niya ang trampouline sa loob ng mall. "Trampoline yan. Tatali ka nila diyan tapos tatalon ka dito. Tapos ayun, mataas na ang talon mo." paliwanag ni Adrian habang nakakunot naman ang noo ni Taygeta habang tuwang tuwa naman nanonood si Maia sa mga gumagamit nito.

"Bakit kailangan pa nila ng ganyan, tao? Mababa ba ang mga talon niyo? Tsaka hindi naman mataas yan ah! Eto ang talon na mataas!" sambit nito. Patalon na siya ng pinigilan siya ni Adrian.

"Wag kang tatalon dito ng mataas please." bulong nito sa kanya.

"Bakit naman, tao?" sabi ni Taygeta.

"Adrian ang pangalan ko. At tsaka hindi normal ang taong mataas ang mga talon katulad ng gagawin mo." dagdag ni Adrian. Tumingin na lamang si Taygeta sa tumatalon sa loob.

"Maia, Taygeta tara na. Magugustuhan niyo yung gagawin natin." sabi nito. Tumingin nalang si Maia sa kanya ng may galak tapos tumakbo at agad na kumapit sa braso ni Adrian. 

Si Taygeta naman ay hindi na agad naka-react pa at sumunod na lamang sa likod ng dalawa. 

Todo lang sa kapit itong si Maia kay Adrian. Kitang-kita ang saya sa mukha nito hanggang sa may madaanan siyang isang malaking picture na kumuha ng atensyon niya.  Na mangha siya rito at napatigil habang tinitingnan to. Maya-maya ay nakita niya ang isang TV sa hindi kalayuan at agad niyang pinuntahan ito para panoorin ang nasa TV.

Warcraft: The Beginning Trailer

Ang nakasulat. Napanganga siya sa pinapanood niya. Tuwang-tuwa siya sa nakikita niya. Maya-maya habang pinapanood niya ay unti-unti siyang napangiti at tila nagustuhan niya agad ang pinanood niya.

Nakita naman siya ni Maia at tila napaisip kung ano ang pinapanood ni Taygeta. Agad siyang lumapit dito at pinanood narin ang nasabing trailer. Habang nanonood ang dalawa ng trailer ay lumapit na itong si Adrian sa dalawa ng may ngiti. Hindi na siya napansin ng dalawa niyang kasama na nasa likod na pala siya.

"Adrian ano to!" turo ni Taygeta.

"Yan? Yan yung papanoorin natin ngayon. Halika dali bili tayo ng snacks natin tapos pasok tayo." sambit nito at tumuloy na sa may snack bar.

"Wooo! Manonood tayo! Manood tayo!" pagtatalon-talon ni Taygeta. Natawa nalang naman si Adrian sa biglang pagbabago ng ugali ni Taygeta. Parang mas-bata pa ang asal niya kesa kay Maia. 

Bumili na sila ng snacks pagkatapos ay pumasok na sila ng sine. Sa dinami-dami ng trailers na pinapalabas, ay nainip na si Taygeta.

"Ano ba naman yan! Ang tagal! Asan na!" sigaw nito sa loob.

"Sshhh wag ka sumigaw baka palabasin tayo." pag-saway ni Adrian. Si Maia naman ay tuwang tuwa sa iniinom niya dahil sa kakaiba at bagong lasa nito.

"Eh ang tagal eh." sagot ni Taygeta at doon, nag-dilim na. "Wooo! Ayan na! yes!" tapos umupo na ulit siya at sinimulan ng kumain ng popcorn. 

Nagisismula na ang movie na pinapanood nila at doon kitang-kita ni Adrian ang excitement ni Taygeta. Kahit madilim pa. Nakatayo na kasi ito habang nakanganga. Si Maia naman ay tahimik na nanoood at tila nagugustuhan din ang kanyang pinapanood. Nakahinga nalang ng maluwag itong si Adrian dahil mukhang ma-eenjoy din niya ang movie na ito ng hindi nag-aalala sa magiging reaksyon ni Maia oh ni Taygeta.

Syempre, hindi nagtagal yon.

"Wooo! Sige patayin mo! Paluin mo ng malaking maso mo! Wooo yeah!" sigaw ni Taygeta. Lumipas ang ilang minuto at umiinit na nga ang pinapanood niya, kaso sumabay din siya. Natapon narin ang popcorn habang nagtatawa siya. Yung tawang parang hindi tama? 

Si Maia naman ginawa ng panakip ng mata niya ang braso ni Adrian. Tuwing may mamamatay, magtatago siya sa likod nito. Tapos sisilip din. Si Adrian naman, tila nanlamig. Ramdam niya ang mga mata ng ibang nanonood. Hindi na niya masaway si Taygeta.

Maya-maya pa ay may lumapit na guard sa kanya, "Sir yung kasama niyo. Patahimikin niyo po siya. Nai-istorbo na yung ibang nanood. Pag hindi siya tumahimik palalabasin ko kayo." sabi nung mamang guard.

"Sssh, Taygeta. Wag ka masyadong maingay. Papalabasin tayo ng guard."

"Eh ano naman kung palabasin tayo ng hamp--" tapos nakatingin na sa kanya yung guard. Ganun din yung dalawa nitong kasama na malapit sa exit. "Eto nga uupo na. Sorry na." 

"Ako na bahala sir. Sorry po." paghingi naman ng paumanhin ni Adrian.

"Sa likod lang kami. Babantayan kayo." tapos umalis na at tumuloy na sila sa panonood nila. 

Lumipas pa ang ilang minuto at malapit ng matapos ang movie. Maya-maya pa ay nagsisigaw nanaman si Taygeta at lalong nadala ito. Hinayaan na siya ng mga guard dahil patapos nanaman. Ng matapos na ay binalaan na si Adrian ng mga guard habang naguusap naman ang dalawang magkapatid dahil sa pinanood nila.

Ng matapos na siyang kausapin ay agad na silang umalis at naglakad papalabas ng mall. 

"Grabe ang ganda! Madami pa bang ganoon Adrian?" tanong nitong si Taygeta ng bigla siyang pinalo ng marahan ng ate niya sa ulo.

"Igalang mo si Adrian. Mukha kang bata sa mundo nila. Lagyan mo ng kuya tuwing tatawagin mo siya." sabi ni Maia.

"Marami pa bang ganoon Kuya Adrian?" tanong nito ulit habang hawak ang ulo niya.

"Oo naman. Gusto mo manood ka mamaya sa bahay. Marami pa ako doon." sagot naman ni Adrian.

"Talaga! Yehey!" sigaw naman ni Taygeta sa tuwa.

"Anong sasabihin mo sa Kuya Adrian mo?" sambit naman ni Maia. Pero mukhang ayaw sabihin nito. Natawa nalang si Adrian at tinitingnan naman ni Maia ang umiiwas ng tingin na si Taygeta.

"Sa-sa-salamat!" tapos sinuntok nito bigla si Adrian sa tiyan at tumakbo.

"Ayos ka lang ba? Pasensya kana. Pag-sasabihan ko nalang siya mamaya." sabi ni Maia.

"Hindi na." umubo siya, "ayos nako." tapos naglakad na ulit sila papalabas.

Ayos na si Adrian. Ang mahalaga, mapalapit siya sa kapatid ng Girlfriend niya.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon