Ch. V, Prt. III: Word of...

637 25 1
                                    

Bumilis ang tibok ni Adrian. Di niya alam ang gagawin. Ngayon lang niya nakita si Maia ng ganito. Di niya alam kung ano ang iisipin. Napalunok nalang siya habang tila ina-analyze ang sitwasyon. 

"Halika dito, di ko abot ang likod ko." sambit ni Maia mula sa likod.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Adrian. Ito na ba yon? naisip niya. Di niya alam kung tama ba ang gagawin niya. 

Sabagay ilang milyong taon nanaman si Maia. Kung tutuusin sobrang tanda nito. Kaya siguro di naman siya makukulong kapag may ginawa siyang kakaiba. Nagkakaroon ng digmaan sa loob-loob at isip niya. Hindi niya alam kung ito na ba yung panahon na yon.

"Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na to. Halika na, Adrian." sambit nitong muli.

Napalunok nalang siyang muli at lumalalim na ang kanyang paghinga. Napatayo siya. Papasok na siya ng bigla niyang maisip ang sinabi ni Maia.

Teka, matagal na naman kami na kami lang mag-isa sa bahay bago dumating ang mga kapatid niya ah? Parang may mali. May hindi tama sa sinabi ni Maia na iyon. 

Nag-isip siya ng kaunti at doon napagdesisyunan na niya. Dumeretyo siya ng pinto at lumabas ng kwarto. Agad na sumandal sa tapat na pader ng pintuan nila at doon umupo. Tila pinapakalma ang sarili habang iniisip kung bakit nagkakaganito si Maia.

"Teka? Bat nandito ka sa labas?" biglang sabi ng babae na hindi niya napansin ay nakaupo sa tabi naman ng pinto nila. 

"Ha?" ang tanging nasabi nalang ni Adrian. Di alam ni Adrian kung papano i-pprocess ang nangyayari. Ultimo ang babaeng nakaupo sa tabi ng pinto nila.

"Ang sabi ako, anong ginagawa mo dito? Bat nandito ka salabas?" tanong muli ng babae.

"Teka sino ka ba?" natanong na ni Adrian. 

Napahinga nalang naman ng malalim ang babae, tumayo at lumapit. "Ako lang naman ang kapatid ni Ate Maia. ako si Calaeno." sambit nito.

Napa-nganga nalang si Adrian at tila hindi talaga alam ang iisipin. "Teka ano?" sambit nito.

Napahinga nalang ulit ng malalim ang babaeng nagpakilalang kapatid ni Maia. Umupo sa tabi nito at tumingin sa kanya, "Kapatid ako ni Ate Maia. Ng Girlfriend mo? At narito ako para bigyan kayo ng regalo." 

"Regalo? Ano?" pagtataka ni Adrian.

"Regalo. Yung inaasal ngayon in Ate Maia." sagot nito. 

"Ha? Teka ikaw ba may gawa nito kung bakit ganoon siya?" tanong ni Adrian.

"Kakasabi ko lang diba? Teka, yung tanong ko di mo pa sinasagot. Bakit ka nga nandito sa labas?" tanong ni Calaeno.

Napatayo naman si Adrian at sumagot, "Kasi hindi naman pala si Maia yon!" 

"Ha? Anong pinag-sasasabi mo? Si Ate parin yon. Nilabas ko lang yung ikinikim-kim niyang damdamin." sambit ni Calaeno pero napakunot ang noo ni Adrian doon.

"Tinatago? Teka ipaliwanag mo sakin at hindi ko talaga maintindihan." sabi ni Adrian.

Napabuntong Hininga naman si Calaeno at tumayo, "Alam mo naman na yung mga bituin na bumaba dito ay iba't-iba ang dalang kapangyarihan diba?"

"Oo." sagot niya.

"Well isa na ako doon. At ang kapangyarihan ko ay tanggalin ang takot at pangamba sa loob ng tao, oh sa nangyayari ngayon, bituin. Kaya kung ano man yung tinatago nilang saloobin, sasabihin nila ng walang takot at pangamba. Kung ano man yung gusto nilang gawin na tinatago nila. Gagawin din nila ng walang takot at pangamba. Gets mo na ba?" sagot ni Calaeno.

"Teka, so ibig sabihin?" 

"Oo, kuya. Malaking Oo ang sagot diyan sa iniisip mo." pagdidiin ni Calaeno.

"Teka hindi naman ganun si Maia ah. Ano to?" hindi parin makapaniwala itong si Adrian sa narinig niya mula sa kapatid ni Maia. Matagal ng iniisip ito ni Maia? Matagal na niyang gusto na dalhin sa ibang level ang relationship nila? Eh iilang buwan palang sila, yun na pala ang gusto niyang mangyari.

"Hoy, umayos ka, matagal nakong naglalagi dito sa mundo niyo at sa mukha mo palang alam ko na iniisip mo. Hindi yon ang gusto ni Ate Maia!" sigaw ni Calaeno.

"Ha? Eh ano?" Pagtataka ni Adrian.

"Gusto lang niyang gampanan ang pagiging girlfriend niya." sagot ni Calaeno.

"Teka san ba niya napulot yung ideya na kailangang may ganon?" pagtataka nitong si Adrian.

"Aba, hinahayaan mo na manood si Ate ng TV tapos dagdag mo pa yung magagaling kong kapatid. Tingin mo di siya mapapaisip kung sapat ba yung ginagawa niya?" sambit ni Calaeno. Napanganga nalang si Adrian.

Di niya alam na naiisip pala ni Maia na kulang pa ginagawa niya. Naguilty siya. Di niya tuloy alam kung ano gagawin para makabawi kay Maia. Napaupo ulit siya habang unti-unti niyang na-rerealize na kahit na nakangiti lagi si Maia sa kanya at mistulang masaya. Nararamdaman niya na parang kulang parin ang ginagawa niya.

"Yung mga kapatid ko talagang yon nakakainis. Dagdag mo pa yang si Electra. Ay nako, ang sarap sabunutan eh. Napaka-landi." bulong ni Calaeno.

"So anong ginagawa mo dito? Hindi mo susunduin si Maia?" tanong ni Adrian.

"Ha? Bakit pa, eh kung ayaw naman talaga ni Ate. Pero kailangan ko rin gawin yon. Pinag-bawalan kasi kami ni Ate na bumaba. So mabuti pang pag-enjoyin ko muna kayo bago ko siya pauwiin." sambit niya.

"So papauwin mo rin pala si Maia?" sambit ni Adrian.

Natawa naman ng kaunti si Calaeno, maya-maya ay sumagot, "Katulad nga ng sinabi ko. Regalo ko lang to sa huli niyong sandali."

"Hindi ako papayag." biglang sagot ni Adrian. Bigla siyang naging seryoso.

Napansin ito ni Calaeno at tumingin ng deretyo kay Adrian. "Well anyway. Mag-enjoy kana rin. At piece of advice lang. Let me be the last to come down here. You might not like what comes next." sambit nito at umalis na.

Ngayon lang nakaramdam si Adrian na tila, na threaten siya sa sinabi ng kapatid ni Maia. Di niya alam kung bakit. At sa lahat ng bumaba sa mga kapatid ni Maia, parang itong isa lang ang nag-sabi na tila, winawarningan na siya.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon