Ch. V, Prt. IV: Sleepless night

625 19 3
                                    

Kinabuksan, nakatayo lang sa labas si Adrian. Naka pang-swimming na siya at handa ng sumabagak sa magandang tabing dagat ng resort. Hinihintay nalang niya si Maia sa baba, dahil narin sa kagustuhan nito. Pumayag naman si Adrian dito, dahil narin siguro sa inaantok siya. Wala rin siyang tulog kagabi, dahil narin kay Maia.

Di niya tuloy maiwasan maalala yung kagabi. Pumasok na siya noon kagabi sa kwarto nila at hindi matanggal sa isip niya ang sinabi ng isa nanamang kapatid ni Maia, si Calaeno. Napapaisip tuloy siya kung ano ang dapat niyang i-expect. Pero kahit ano pa man, sa sarili niya. Hinding-hindi niya hahayaan na umalis si Maia.

Pumunta siya sa may kama at doon tumambad nalang si Maia, na naka-night gown. Nakaposisyon na tila may gustong pahiwatig.

"Halika na, Adrian. Ang haba ng byahe natin kanina. Kailangan na nating magpahinga." sambit nito habang may kakaibang ngiti sa mukha niya. Napalunok nalang doon si Adrian at di maiwasang tingnan ang Girlfriend niya - na naka nightgown - isang nightgown na masasabi narin natin na, talagang bagay na bagay sa kanya. Nightgown na naglalabas ng buong hubog ng katawan ng Girlfriend niya.

Di niya alam ang iisipin at gagawin habang mapaglarong hinihimas ni Maia ang kama ng kanyang daliri. Pasulyap din ang tingin niya sa labi nitong kagat-kagat nito ng marahan. Tumitibok ang puso niya ng mabilis - sobrang mabilis.

Tapos bigla niyang naalala ang sinabi ni Calaeno, Kung ano man yung gusto nilang gawin na tinatago nila. Gagawin din nila ng walang takot at pangamba.

Kailangan niyang maging malakas, dahil alam niyang wala sa sarili niya si Maia. Kailangan niyang maging malakas. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama ng biglang tila huminga ng malalim si Maia at inunat ang katawan habang nakahiga. Napatigil doon si Adrian.

"Adrian, bago tayo matulog. Gusto ko ng masahe. Pero bibigyan din kita. Okay ba?" sambit ni Maia habang naka-stretch ang mga kamay at paa niya sa tigkabilang dulo ng kama at nakatingin parin sa kanya gamit ang malagkit na tingin ng mata niya habang kinakagat ang labi, rapos paulit-ulit pero mabagal na pagtaas-baba ng kilay nito.

"Ah - eh..." di alam ni Adrian ang sasabihin niya. Mukhang mahihirapan siya. "Pagod nako, Maia. Matulog na tayo. Bukas nalang kita masahihin." sambit niya at biglang umikot sa kama si Maia at humarap sa kanya at nakaharap.

"Ah ganon ba? Sige ayos lang. Ako nalang ang mamasahe sayo." sambit ni Maia. Di makapag-concentrate noon si Adrian, hindi lang sa tingin nito, pati narin dahil sa napansin niya na as in nightgown lang ang suot niya - NIGHTGOWN.

Lalong lumalim ang hinga ni Adrian dahil ngayon lang siya nalagay sa ganoong sitwasyon. "Hindi na, Maia. Magpahinga kana rin. Bukas nalang." sambit ni Adrian at pilit na ginagamit ang utak niya sa sitwasyon.

Tinanggal na ni Adrian ang kumot sa side ng kama niya ng biglang dahan-dahang inilapat ni Maia ang paa niya dito. Napanganga nalang si Adrian habang tinatrace ng tingin ang paa niya papunta sa mukha niya.

Oh my God. naisip nalang niya habang nakatingin parin si Maia sa kanya. "Mas-masarap matulog, Adrian pag kakatapos lang ng masahe. Ayos lang kung ako lang ang gumawa ng trabaho. Wala namang kaso sakin yon." tapos sinabayan pa ng kindat nito.

"Hehehe, ayos lang ako. Sige na, Goodnight." dali-dali niyang tinanggal ang paa ni Maia, humiga siya agad sa kama at binalutan agad ang sarili ng kumot ng nakatalikod kay Maia.

Wag mong aabusin ang Girlfriend mong wala sa sarili niya. Wag mong aabusin ang Girlfriend mong wala sa sarili niya. paulit ulit niyang bulong sa sarili niya habang pinipilit ang sariling pakalmahin. Sa bilis ba naman ng tibok ng puso niya, sinong tao ba ang makakatulog sa gaanoong lagay.

Nagkunwari nalang na tulog itong si Adrian habang pinakikiramdaman nito si Maia. Gumagalaw pa ito hanggang sa maramdaman niyang umayos narin ito ng higa at akmang patulog narin. Lumipas pa ang ilang minuto ng tinamaan na ng antok si Adrian. Unti-unti na siyang napapapikit ng bigla nitong maramdaman ang mga kamay ni Maia na yumakap sa kanya at pati narin ang paa nito.

Pinakiramdaman niya ulit kung gising ba si Maia ng maramdaman niya na humigpit ang yakap nito at nakadikit na ang katawan ng girlfriend niya sa likod niya. Dito nawala ang antok ni Adrian at nanatili pa siyang gising ng ilang mga sandali. Hanggang sa wakas at nakatulog din siya ng mahimbing, para lang magising sa napakalikot na kamay ni Maia. Nauna siyang nagising kaninang umaga at hinihintay lang na bumangon si Adrian.

Di niya malimutan yun kagabi. Lalo na't ilang ulit pa siyang nagising dahil akala niya may gagawing kakaiba itong si Maia. Di niya tuloy alam kung ma-eenjoy niya ba ang bakasyon na regalo ng tatay niya sa kanya, oh mahihirapan siya dahil nga.

"Adrian! Tara na!" sambit ni Maia mula sa malayo. Humarap naman si Adrian kay Maia at napanganga nalang siya sa suot nito.

Isang two-piece white na bathing suit at nakatapos pa ng isang blue and white na balabal, pero tila parang wala naman natatakpan dahil kita parin ang legs niya.

"Maia, san galing yan? Di ko ata naalala na bumili ka niyan?" tanong ni Adrian, tila nagising ang diwa niya.

"Ah eto ba. Regalo ko to sayo, ano kaba? Tsaka kakabili ko lang to." tapos lumakad na si Maia patungong beach, "Tara na, Adrian. Enjoyin na natin ang bakasyon natin." tapos kinindatan nanaman siya nito.

Napalunok nalang muli si Adrian at nasabi nalang sa sarili, "Sana kayanin ko ang pagsubok na ito. Dahil nako, malapit-lapit nakong mabasag." tapos sabay kagat niya sa kamao niya, at sumunod narin sa Girlfriend niya, wala sa sarili nito.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon