Lumipas ang isa pang buong linggo at doon ay tila hinayaan na ni Electra ang dalawa ni Adrian at Maia na maging, sila lang. At napapadalas narin ang pag-sama nito kay Ronald na tuloy lang naman sa pamimili ng mga gamit sa bahay ng anak niya, maging ng mga dadalhin niya sa London, sa nalalapit na pagbalik nito sa doon.
Hinayaan narin ni Adrian itong dalawa na mag-sama dahil alam naman niya na hindi na magtatagal ang pamamalagi ng dalawa. Hanggang sa dumating na nga araw ng pag-alis ng tatay niya at pinatawag muna sila nito bago siya umalis.
Lahat sila ay nasa sala na noong mga oras na yun, maliban kay Maia na naghanda muna ng pagkain nila dahil tutal, meryenda na naman nila. Pinag-gawa niya ang mga ito ng sandwich at doon ay nag-simula na silang mag-usap.
"Nako, Maia. Siguradong mamimiss ko tong pagluluto at paghahanda mo ng pagkain. Sobrang sarap kasi." sabi ni Ronald habang tuloy lang sa pagkain.
Namula naman ang pisngi nitong si Maia, "Salamat po." sambit nito.
"Nako, wag mo din masyadong papatabain itong anak ko ah. Baka atakihin siya sa puso dahil dito. Hahaha." tapos natawa nalang silang lahat. "So mamaya aalis nako. Basta mag-ingat nalang kayo dito ah." dagdag niya.
"At anak, pag-graduate mo, nakahanda na lahat ng mga kailangan mo. Just graduate on time, okay?" bilin nito sa kanyang anak.
"Opo, Pa." sagot nitong si Adrian.
"Electra, ikaw ba? Hanggang end of summer kaba dito?" tanong nitong si Ronald.
Ngumiti lang sa kanila itong si Electra tapos sabay tingin kay Adrian. "Oo, ay nako. Ako ang bahala sa dalawang ito, babantayan ko sila until pag alis ko." sabi niya.
"Teka, di pa ba sasama itong si Maia sa iyo?" Tanong ni Ronald.
"Hmm, mukhang mag-eenroll na siya dito sa Manila eh. Pero titingnan pa ng parents namin." tapos uminom na siya ng juice.
"Ah tama lang yan. Kasi, aminin na natin. Kahit na mabait itong anak ko, eh lalaki parin siya. Kaya mabuti ng alam niyo kung hanggang saan lang kayo, okay ba, Adrian?" tanong ng tatay nito.
Napalunok nalang si Adrian doon at sumagot, "Opo naman, Pa. Ikaw kung ano-ano iniisip mo." tapos napatingin siya kay Electra na may kakaibang ngiti.
"Nga pala, Pa. Sigurado ka ayaw mo magpahatid sa airport? May oras naman ako." tanong ni Adrian.
"Nako, huwag na, anak. Alam mo naman na ayokong nagpapahatid sa airport. Matatagalan lang tayo. Basta mamaya, magpapa-alam nalang ako tapos ayun na. Okay ba?" sagot ni Ronald.
Napa-buntong hininga nalang itong si Adrian at sumagot, "Ikaw bahala pa." tapos ngumiti sa ama niya.
"So, Maia, paano ba yan. Basta ikaw na bahala dito sa anak ko for the meantime ha?" sambit nito kay Maia.
"Opo. ako po bahala kay Adrian. Papasayahin ko siya araw-araw." sabay yakap nitong mahigpit sa braso niya.
"Naku, kayo talaga. Ang sweet niyo. Swerte talaga ng anak ko sayo." namula naman si Maia sa sinabi ni Ronald. Tumingin din naman agad siya kay Adrian pagkatapos noon, "Nako, wag kang magkakamali na pakawalan itong si Maia, anak ha. Sobrang bihira lang ng ganyang babae dito sa mundo."
"Hehehe, oo naman, Pa. Swerte ko talaga." tapos inakbayan naman niya si Maia.
Napangiti naman si Electra at si Ronald sa ginawang iyon ni Adrian. Habang si Maia naman ay namumula.
"Ay syanga pala. Muntik ko ng makalimutan." sambit ni Ronald tapos tumayo. Maya-maya ay biglang bumalik na siya at may inabot kay Adrian.
Napakunot ang noo ni Adrian sa pagtataka. Dahil plane tickets ang inabot sa kanya ng ama niya. Tatlo ito, at may kasama pang debit card at brochure. Nagtaka itong si Adrian. hindi niya alam kung bakit siya inaabutan noon ng kanyang ama.
"Pa, may laman pa naman yung card ko tsaka di pa siya mag-eexpire ano to?" tanong niya. Tinitinginan naman ni Electra at Maia ang mga inabot sa kanya ni Ronald habang siya naman ay natawa at umupo sa kabilang silya.
"Regalo ko sa inyong dalawa yan. Yung kaibigan ko na sa work. OFW din. May resort pala sila sa Palawan. Eh naisip ko na ng makatulong narin, ibinook ko na kayo tutal halos bago din lang naman yun. Ng makaalis din naman at makagala itong si Maia sa ibang lugar. Hindi yung puro dito lang sa manila. Kaya ayan na. Hehehe."
"Teka, Pa. Sigurado kaba dito? I mean ano-- thank you narin ho siguro pero. Biglaan naman yata." sambit ni Adrian.
"Ano kaba. Minsan lang kita i-treat. Tsaka unico hijo kita. Kaya mabuti pang makagala kana rin. College is your most fun years, anak. Might as well let you enjoy it while it lasts."
Di nalang nakasagot doon si Adrian. At tinuloy na nila ang buong maghapon nila ng paguusap. Umorder nalang din sila ng pizza na siya din namang kinatuwa nitong si Maia. Hanggang sa umalis na nga ang Papa nitong si Adrian. Hinatid muna ni Adrian sa may Gate itong ang papa niya at nnag-usap pa ng ilang saglit. Bumaba siya sa taxi at doon, nag-wave goodbye na siya. Naglakad siya papabalik ng bahay niya at pagpasok niya ay napansin nalang niya na wala si Electra.
Nakita niya si Maia na nagliligpit sa kusina habang nanood sa mini tv doon na binili ng tatay niya. Umakyat siya sa kwarto para tingnan kung nandoon si Electra, pero wala. Ang nakita niya lang doon ay sulat.
Hey, di na ako magtatagal. Umalis narin ako ng ma-solo mo kapatid ko. Kaw na bahala diyan sa kanya ah? Again, may tiwala naman ako sayo. Hope to see you soon again in the future rin.
Regards~
Electra.
Napaisip naman itong si Adrian at nakita niyang may P.S. sa sulat at nakaturo sa likod ng papel.
May iniwan din kami ng tatay mo sa may drawer mo. Buksan mo nalang. Use it wisely rin ha? Bye! ~_^
Nagtaka naman itong si Adrian at doon tiningnan niya. Namula sa nakita. Isang kahon. Isang kahon siya ng magandang brand ng proteksyon. May sticky note rin nakadikit dito, galing sa tatay niya.
Anak. I trust you to be responsible. Pero alam kong lalaki ka parin. So better safe than sorry. So use this. Wag nalang kayong maingay para di magising si Electra.
Love, Dad.
Namula nanaman si Adrian at doon biglang dumating si Maia, "Adrian, nakita mo ba si Electra?" tanong nito at tumalikod nalang.
"Ah, umuwi naraw siya. sabi niya. Tapos kana ba sa baba?" sambit niya.
"Oo eh. Yung babaeng yun talaga. Bigla nalang nawawala." tapos napansin niya ang pamumula ni Adrian. "May sakit kaba?" tapos lumapit ito at chineck ang temperature niya. "Oo nga mainit ka! Teka handa ko lang gamot mo sa baba!" tapos tumakbo na siya sa baba.
Natawa nalang si Adrian, pero nakahinga narin ng maluwag. Nilock nalang niya ang drawer niya at doon. Bumaba narin para sabihin kay Maia na walang siyang sakit.
End of Chapter IV

BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...