Nakatingin lang sa labas ng bintana ng taxi itong si Adrian. Malapit narin sila sa bahay. Tila pinagmamasdan lang ni Adrian ang mga ilaw sa labas. Habang tumatakbo rin sa isip niya, kung gaano siya kasaya ngayong araw. Napangiti siya. Napahawak nalang sa kanyang bibig, tila tinatago ang ngiti na kusang lumabas sa bibig niya.
Tumingin siya kay Maia at nakita niyang may sinisilip ito sa kanyang mga napiling damit. Napangiti nanaman siya dahil rito. Makikita sa mukha ni Maia ang labis na tuwa at ang pagkasabik naman sa mga mata niya.
"Maia, anong ginagawa mo?" pagtawag nito na tila gumulat sa kanya at tila nag-kunwaring walang ginagawa. "Nakita na kita. Magkukunwari kapa eh."
Napatingin nalang si Maia sa kanya habang natatawa ng kaunti sa sarili niya dahil sa pagkahuli niya. "Excited kabang suotin yan?" tanong ni Adrian.
Tumungo lang naman si Maia sa kanya. "Ang susuotin mo ngayong gabi ay ang pantulog ha? Hindi lahat ng yan." at doon tila nalungkot si Maia. Natawa nalang naman si Adrian sa reaksyon nito.
"Ano kaba, marami kapang oras at panahon para magamit ang mga damit na yan." at doon bigla siyang natigilan sa sinabi niya.
"Talaga?! Nako, excited na ako nito! Yes!" sagot naman ng galak na galak na si Maia. Nginingitian nalang ni Adrian si Maia habang tila lumapit ito sa kahon ng pizza na binili nila at inaamoy.
"Ang bango naman nito. Excited nakong makatikim nito. Di pa kasi ako nakakatikim ng pizza."
"Ganon ba? Nako, matutuwa ka pala mamaya. Baka makarami ka ng kain," tapos tumingin itong si Adrian sa dalawang kahon ng pizza, "buti nalang pala at dalawa ang binili ko. Baka maubos mo lahat eh. Hehehe."
"Grabe ka naman." sagot ni Maia, tila nainis ng kaunti, "Di naman ako matakaw." tapos lumobo pa ang mga pisngi nito.
"Oh, wala akong sinabi na ganyan. Joke lang to naman. Hahaha."
Maya-maya pa ay dumating na sila sa bahay. Pinauna na ni Adrian si Maia sa loob habang nagpatulong nalang ito sa taxi driver sa pagpapasok ng mga pinamili nila. Pagkatapos nito ay nagbayad na ito sa driver at pumasok na ng tuluyan sa loob.
Pagka-pasok ni Maia, ay agad niyang tinapon ang sarili sa sofa niya. Nakangiti lang si Adrian habang hinanda niya ang pagkain. Ng matapos ay bumalik din siya sa may sala at doon inabot niya ang plato na may pizza kay Maia. Umupo siya sa tabi nito, pero hindi ganoon ka-lapit at agad na binuksan ang TV.
Si Maia naman ay tinitingnan lang ang pizza at tila nahihiwagaan dito. Napansin ito ni Adrian pero piniling hayaa na lamang siya. Pagkatapos tingnan ay kumuha na si Maia ng isang piraso at nilapag ang plate sa may sala table at pagkatapos ay kinagat na niya ito.
Nanlaki ang mata ni Maia, at nakita ito ni Adrian. Nasarapan siya. Halatang-halata ang ngiti na puminta sa mukha nito habang ngumunguya ng pizza. Agad din naman nilapag ni Adrian ang ang kanyang plato at agad na kumuha ng maiinom nila sa sala. Agad itong bumalik at nakita niyang naubos na pala ang unang slice at kasalukuyan ng kinakain ni Maia ang second slice niya.
Napangiti nalang itong si Adrian; nilapag ang mga inumin nila at kinuha ang isang box ng pizza. Agad rin itong bumalik at nagulat nalang siya na umiinom na ng juice itong si Maia.
Napangiti na lamang si Adrian at nilapag sa harap ni Maia ang isang box. "Sabi ko na nga ba at kulang pa ang isang box sayo." at kumain narin siya.
Natigilan si Maia sa narinig niya at tila nahiya. Napatungo nalang siya. "Oo na, ako na malakas kumain!" tapos tila nag-tampo ito.
"Oh, ayan ka nanaman. Wala akong sinabi. Sige na kain na." tapos kumagat ulit ito ng pizza niya, "Tsaka, cute nga yung babaeng matakaw eh."
Nawala ang tila maliit na pagkainis ni Maia at parang nagpipigil ito ng ngiti. Dahan-dahang siyang tumingin kay Adrian.
"Ta-talaga? totoo ba yung sinabi mo?" tanong naman ni Maia. Tumingin din lang naman sa kanya si Adrian at tumungo ng "oo" ng ilang beses, bago tumingin ulit sa TV.
Napangiti nalang si Maia. Hindi niya mapigilan ang pamumula ng pisngi niya. Pinilit nalang niyang itago ito sa likod ng pagkuha niyang muli ng dalawang slices ng pizza at kumain na ito.
Sa mga oras na yun ay tahimik na silang nanood. Simple lang. Walang hassle, at kung ano pa man. Pero sa kabila ng sandaling katahimikan na iyon ay biglang bumalik muli sa isip ni Adrian ang naisip niya kanina sa taxi, hanggang kailan dito si Maia?
Magtatagal ba siya dito sa lupa? Iniisip niya ito sa kadahilanan na dumating lamang si Maia dahil sa kanyang hiling, sa kanyang wish. Hindi niya alam kung ano ang aasahan niya sa estado nila ngayon. Isang araw palang silang magkasama, pero parang maaga na niyang naiisip ang pwedeng maging dulo ng "relasyon" nila.
"Maia. Tanong lang, sa inyong mga stars na bumaba dito sa lupa. Sino ang nagtagal na rito dahil sa isang wish lamang?"
Nagisip si Maia tungkol sa tanong ni Adrian. "Hmm, wala akong maalala eh. Pero isa lang ang alam kong nagtagal dito dahil sa wish."
"Sino naman yun?"
"Ang ate ko; si ate Alecyone."
"Ate?" tanong agad ni Adrian.
"Oo, yung nakakatanda kong kapatid." sabay tuloy lang ito sa pagkain.
"May kapatid ka pala?"
"Oo, pito kami. Si Ate Alecyone ang unang bumaba samin rito at nagtagal."
"Nasabi ba niya sa inyo kung ano yung hiling na yoon?" pagkatapos noon, ay natahimik si Maia. Tila natigilan sa tanong ni Adrian.
Nakahalata naman siya at sinabi, "hindi mo naman kailangan sabihin kung ano yun kung hindi mo kayang sabihin."
"Hindi. Hindi yun." sagot agad nito. "Naalala ko lang, noong bumalik siya samin, nagbago na siya." dagdag nito.
"Bakit naman?"
"Hindi na niya sinabi samin eh." tapos tinuloy niya ang pagkain ng pizza. Hinayaan nalang ni Adrian na doon matapos ang usapan nila.
Ilang sandali pa ang lumipas, "Adrian. bakit mo natanong?" biglang tanong ni Maia.
Doon, biglang napatigil si Adrian sa pagkain. Di niya alam kung sasabihin ba niya kay Maia. Di niya alam kung itatanong nito sa kanya, kung magtatagal ba siya dito pang-habang buhay, dahil sa hiling niya.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...