Ch. II, Prt. V: Mornings

1.2K 38 0
                                    

The next day at as usual, unang nagising si Adrian. Wala naman siyang pasok ngayon, kaya naisipan niyang ipagluto ng umagahan itong si Maia, at ang bago nilang kasama na si Taygeta.

Pinag-luto niya ang dalawa ng corn beef at scrambled eggs with orange juice. Tingnan niya ang oras pagkatapos ay umakyat na siya para tawagin ang dalawa.

"Good morning. Kain na kayo ng agahan. Handa na sa baba." sabi nito. Naghintay siya ng ilang minuto at wala paring sagot ang dalawa. "Papasok ako ha?" at binuksan niya ang pinto.

Tumambad sa kanya si Maia na suot ang ilan sa mga binili nilang damit pantulog, nakahiga sa latag sa sahig. Tila parang bata. Napangiti naman si Adrian at ng tiningnan niya ang kama, ay tanging ang mga paa lamang ni Taygeta ang nakikita niya.

Nawala ang ngiti dahil sa seryoso at malakas na asta niya kagabi, ay siya namang kinagulo nitong matulog. Ang gulo ng kama na tinutulugan ni Taygeta. Di lang kumot, kasama narin ang latag ng kama niya.

Napa-iling nalang si Adrian noon, "Maia, gising na. Kakain na tayo." sabi nito habang nilapitan niya ito. Di siya nito pinansin at tumalikod lang sa kanya, "Maia. Gising kana. Kakain na tayo."

Pero umikot lang ulit ito at ngayon ay kinakapa ang sahig, sinusukang hanapin kung nasaan si Adrian. Inangat ni Maia ang ulo niya ng kaunti at ng makita na niya si Adrian. Ay bigla nitong hiniga ang ulo niya sa lap ni Adrian, at kinuha ang kamay nito at niyakap. Natawa nalang si Adrian.

Sinubukan niyang gisingin itong muli at sawakas, umunat narin ng kamay niya. "Gising na." pagulit ni Adrian.

"Morning." sabi ni Maia habang kinukusot niya ang kanyang mata.

"Tara na sa baba, kakain na tayo." sabi nito tapos tumayo at lumapit ng kaunti kay Taygeta. "Taygeta gising na. Kakain na tayo."

Umiling lang si Taygeta. Tila walang balak bumangon, hanggang sa tuluyan na ngang malaglag ito sa sahig.

"Aray..." sabi nalang nito.

"Kakain na tayo." sabi ni Adrian.

"Ayokong kumain ng pagkain niyong mga taga lupa!" tila pagsigaw nito habang sinusubukang bumangon ng biglang kumulo ang tiyan niya ng malakas. 

Nagulat nalang ang dalawa habang si Taygeta naman ay nanigas sa pagkakaupo niya at tila naalimpungatan dahil dito. Maya-maya ay bigla nalang itong bumangon lumapit sa kapatid niyang nakaupo parin at kinukusot ang mata.

"Tara ate. Gusto kong tikman ang pagkain na kinakain mo." sambit nito habang iniiwasan niyang tumingin sa nakangising si Adrian. Wala parin sa ulirat si Maia ng hinila siya ng kapatid niya patayo at palabas ng kwarto.

Napailing nalang si Adrian at natawa. Napakamot sa ulo, huminga ng malalim. Pagkatapos ay sumunod narin sa baba. Nakita niya na nakaupo umupo na si Maia sa lagi niyang inuupuan. Ng makita niya si Adrian ay agad niyang tinapik ng maka-ilang ulit ang upuan na nasa tabi niya, para doon umupo si Adrian.

Mabilis nalang inagaw ito ni Taygeta at doon umupo at tumingin lang sa pagkain. Sinindak niya saglit si Adrian bago muling tumingin sa pagkain. Habang si Maia naman ay parang wala naring nagawa at hinayaan nalang. 

Bago umupo si Adrian ay sandali niyang binuksan ang TV at inilipat sa channel na lagi niyang pinapanood. Agad naman itong umupo at doon nagsimula na silang kumain. Hinayinan nalang ni Maia ang kapatid niya dahil unang beses nitong makapunta at kumain sa mundo ng mga tao. Habang si Adrian naman, ay nanonood ng TV. Habang kumakain.

"Taygeta Star in the Taurus Constellation, has been confirmed to have disappeared. All of the major observatories around the world are now tackling this issue as we speak. Maia, who disappeared several weeks ago, didn't show any sign of it going supernova. That goes for the Taygeta star as well..." 

Habang nakikinig at kumakain siya ay napansin niya ang damit ni Taygeta. "Taygeta, bakit hindi ka nagpalit ng damit?" sabi ni Adrian habang si Taygeta naman ay naka-kunot lang ang noo na tiningnan ang damit niya. "Maia may iba kabang damit na kasya sa kanya?" dagdag nito.

"Meron naman. Bakit?" tanong nito.

"Mamaya maligo nalang kayo tapos pahiramin mo siya ng damit mo." sabi ni Adrian.

"At bakit? Anong problema sa damit ko ha?" tanong naman ng nag-susungit na si Taygeta habang tuloy lang sa pagkain niya.

"Taygeta, kasi dito. Hindi normal na iisa lang ang suot mo araw-araw. Kaya mamaya, papahiramin kita ng damit. Ok ba?" 

"Ate, pwede na ito. Hindi ko na kailangan na mag-panggap na tao."

"Sige na Maia. Hayaan mo na siya. Pero pag bumaho ka, wag mo kaming sisisihin ha? Gusto mo ba yon?" sambit ni Adrian na ngiti sa mukha niya.

Hindi nalang sumagot si Taygeta at tinuloy ang pagkain niya. Ng matapos ito ay agad itong tumayo at pumunta sa may sofa. Tinitngnan lang siya ng dalawa in Adrian at Maia  at natawa nalang. 

"Maia ako na ang magliligpit." sabi ni Adrian.

"Hindi ako na. Ikaw ang nagluto eh, kahit ako naman dapat. Hehehe." sabi naman ni Maia.

"Nye? Ang sarap kaya ng tulog mo. Himbing-himbing." tapos uminom siya ng juice.

"Yieee cute ba ako?" biglang tanong ni Maia.

Muntik mabulunan si Adrian dahil hindi niya inexpect ang sinabi niya, "Ano ba yan, umagang-umaga." sabi ni Adrian habang nakangiti. Ng matapos na si Maia ay dumila lang ito sa kanya at kinuha ang mga kinainan nila at sinimulang magligpit. 

Pumunta siya sa sala kung saan naroroon si Taygeta na nakaupo lang sa sahig. Mukhang manghang-mangha ito sa pinapanood niya. Or baka dahil lang sa TV? Halatang-halata na nag-eenjoy ang kapatid ng girlfriend niya. Hinayaan nalang niya ito.

Ng matapos na si Maia ay lumapit ito sa kanila at tumabi kay Adrian. Habang nanood ay nakakita ng nakakamangha itong si Taygeta at agad na nilingon ang kapatid niya. "Ate ate! Tingnan mo, binabalita tayo-" ng tumambad na magkatabi ang kapatid niya at si Adrian. 

Sumimangot agad ito at agad na tumayo, para sumingit sa gitna ng dalawa para paghiwalayin. "Hangga't naririto ako, hindi mo mahahawakan ang ate ko! Kahit ikaw pa ang boyfriend niya!" sabi nito.

Natawa nalang si Adrian at hinayaan nalang si Taygeta. "Ate, may mas-malaki pa bang ganito sa mundo nila?" tanong naman ni Taygeta kay Maia.

"Uhmm. Adrian meron diba? Nakikita ko kasi minsan sa pinapanood ko at sa internet eh." sabi ni Maia.

Sandaling napaisip si Adrian at may naisip siyang ideya. "Ligo na kayong dalawa. Dadalin ko kayo  doon." 

Si Taygeta ay tila hindi alam ang sinabi ni Adrian. Habang si Maia, kahit medyo natagalan, ay na-gets din ang gustong sabihin nito. Napa-tili at agad na hinila ang kapatid paakyat para maligo.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon