Ch. III, Prt. II: Beef Stew

806 25 1
                                    

Hapon na noon at busy sa paghahanda ng pagkain itong si Maia para sa kanilang hapunan. Ilang linggo niyang pinag-pratisan ang ulam na i-hahanda niya kay Adrian. Masaya siya noon habang nagluluto.

"Ayan, tapos na!" tapos pinatay na niya ang stove at agad na inayos ang table na kakainan nila. "Taygeta, tulungan mo naman ang Ate sa paghahanda." pagtawag nito sa kapatid niya. Pero ng lumipas ang ilang minuto na walang sagot ang kapatid niya, tiningnan niya ito sa may sofa.

Napangiti nalang si Maia doon dahil nakita niya nakatulog na pala si Taygeta habang nanonood ito. Agad nalang itong umakyat at ikinuha ng ito ng kumot, kinumutan ang kapatid niya at pagkatapos ay bumalik na siya sa paghahanda ng table. Maya-maya ay ng matapos siya ay pumunta siya sa may sala at umupo sa tabi ni Taygeta pagktapos ay tahimik na siyang nanood.

lumipas pa din ang ilang minuto at maya't-maya ang tingin ni Maia sa orasan at sa TV. Natatagalan na kasi siya kay Adrian. Karaniwan kasi dumadating siya ng 7:00 PM, pero mukhang hindi ngayon. Tumayo siya at sandali niyang ininit ang pagkain na niluto niya. Para pagdating ni Adrian ay handa na ito. Pagkatapos ay bumalik siya sa sala na may dalang tubig at muling naghintay.

Pero lumipas na ang isang oras at hindi pari dumadatingi si Adrian. Tumayo ito at lumabas para tingnan kung paparating na siya. Inaaninag niya ito mula sa malayo pagkatapos ay bumalik na muli sa loob. Pagkapasok niya ay nagising na pala si Taygeta.

"Ate, gutom nako. Gusto ko kumain bago matulog ulit." sambit nito habang kinukusot niya ang mga mata niya.

"Ah, halika dali. Kain kana at ng matikman mo narin ang niluto ko." sagot naman ni Maia. Agad siyang dumeretyo ng kusina, habang si Taygeta naman ay umupo na.

Nagtaka siya bigla kung bakit isang plato lang ang nilagyan niya ng kanin, "Ate, ikaw hindi kapa ba kakain?" tanong nito.

"Ah, sige mauna kana. Sasabayan ko pa ang kuya Adrian mo. Kain ka lang diyan ha." tapos agad siyang tumuloy sa labas para tingnan ulit si Adrian. Ng wala parin ito ay agad siyang bumalik sa loob, tila nag-aalala na kung bakit natatagalan siya. Umupo nalang siya sa sofa at nanood ng TV para malibang habang nanonood.

As of now, we are still trying to figure out the disappearance of the Maia, Taygeta and the most recent disappearance of the Merope and Asterope are just making it harder because again, no evidence of the stars going supernova were found. We are now looking into a possible scenario that these stars in the Pleiades Constellation had been suck into a black hole. Though, we are still not sure

Maya-maya pa ay nakarinig si Maia ng kaluskos sa labas at agad na napangiti at napatayo. Nasa isip niya na kakadating lang ni Adrian. Agad niyang binuksan ang pinto at agad ring napawi ang ngiti nito. Gawa lang pala ng hangin. Malakas na hangin lang pala yon. Sa mga sandaling iyon ang ngiti ni Maia, ay naglaho. Sinara nalang niya ang pinto at muling nag-hintay para kay Adrian.

"Ate tutulog nako sa taas. Wala pa ba si Kuya?" biglang sabi ng kapatid niya.

"Ah, oo eh. Busy ata lang talaga siya ngayon dun sa OJT niya. Antayin ko nalang siya para mapaghanda ko siya ng pagkain. Ligpitan ko narin yung kinainan mo." sagot ni Maia.

"Wag na ate, naligpitan ko na," sambit ni Taygeta habang papa-akyat siya, "Sigurado ka Ate aantayin mo si Kuya? Ang lalim na ng gabi oh." sabay turo nito sa orasan. Tumingin nalang si Maia sa orasan pero ipinag-walang bahala niya ito.

"Ayos lang ako. Ano kaba. Hehehe." sagot ni Maia.

"Hmmm, kumain kana rin kaya Ate. Baka malipasan ka niyan ng gutom eh." pakiusap ni Taygeta pero hindi nalang ulit ang naging sagot ni Maia.

"Ayos nga lang lang ako. Tsaka isa pa, papatikim ko rin yung Nilaga na niluto ko. Syanga pala, masarap ba?" tanong ni Maia.

"Oo ate sobra! Ang galing mo pala magluto dito sa mundo ng mga tao. Di ko inexpect na makakaranas ako ng ganung galak sa pagkain lang. Bukas Ate iyon ulit ha? Hehehe." sambit ni Taygeta.

Natawa nalang si Maia sa sinabi ng kapatid niya, "Oo na, ikaw talaga. Sige na matulog kana. Goodnight na Taygeta." sabi ng Ate niya. Tiningnan lang naman niya si Maia ng ilang sandali bago ito tumuloy sa taas para matulog.

Ng maka-akyat na si Taygeta ay tinuloy nalang ni Maia ang panonood niya. Napahinga nalang siya ng malalim, tila iniisip kung bakit ang tagal ngayon ni Adrian.

Hindi mapakali sa kakahintay si Maia. Lagi niyang nililingon ang pintuan. Maya't-maya rin ang tingin niya sa labas ng bintana. Lahat ito paulit-ulit niyang ginagawa hanggang sa lumipas na ang ilang oras at hating-gabi na.

Naitabi na ni Maia ang ulam at kanin. Bumalik nalang siya sa sala at pinatay ang ilaw. Pinalipat-lipat niya ang channel ng TV bigla niyang marinig na parang may nagbukas ng gate. Napalingon agad doon si Maia at dali-dali siyang tumayo para buksan ang ilaw at ganun din ang pinto.

Pagbukas niya nito ay sawakas, dumnating narin si Adrian. Niyakap niya ito ng mahigpit habang si Adrian naman ay parang hindi makapaniwala na gising pa si Maia.

"Hinintay mo pa ba ako?" tanong ni Adrian kay Maia habang pumasok na ito.

"Oo, sabay sana kasi tayong kakain nung niluto ko. Pero wag ka mag-alala, ano iinit ko na. Sandali lang ah-"

"Wag na Maia," sambit ni Adrian habang papaakyat na ito, "Kumain na kasi ako sa labas. Pagod narin ako. Tutulog narin ako agad kasi may pasok pa ako bukas." dagdag nito.

"Ay ganun ba. Kasi papatikim ko sana sayo yung niluto ko-"

"Matutulog nako Maia. Tsaka busog parin ako sa kinain ko kanina. Tulog kana rin ha? Goodnight na Maia." sabi ni Adrian habang tumuloy na ito papa-akyat.

"Ah, eh, sige. Goodnight, Adrian." pero bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay nakaakyat na itong si Adrian at si Maia nalang ang naiwan sa baba.

Hindi na lamang nakapag-salita noon si Maia. Excited pa naman siyang ipatikim sa kanya ang Nilagang niluto niya. Nalungkot nalang siya ng sabihin iyon ni Adrian. Napatingin nalang siya sa paligid, napa-hinga ng malalim. Pagkatapos ay pinatay niya ang ilaw. At sumunod narin sa taas para matulog. 

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon