Kakatapos lang kumain ng kanilang hapunan sina Adrian at Maia.
Nakahiga lang naman si Adrian sa may sofa habang ang kanyang ulo ay naka-unan sa lap ni Maia habang tahimik silang nanonood ng isang movie.
Tahamik lang sila noon habang tuloy ang paghimas ni Maia sa ulunan ni Adrian, na tila hinehele siya nito, na tila nilalaro nito ang mahabang buhok ni Adrian.
Sa mga oras din na iyon ay naglalaro parin sa isip ni Adrian ang naging usapan nila ni Alice noong hapon na iyon. Napabuntong hininga nalang siya at tumingin kay Maia.
Tahimik lang niyang pinag-masdan ang mukha niya habang na-iilawan ng tila mahinang liwanag ng TV.
Napansin naman siya ni Maia at tumingin siya sa kanya at sinalubong niya agad ito ng ngiti. Napabangon naman si Adrian noon at hinawakan niya si Maia sa kanyang mukha.
"Adrian?" pagtataka ni Maia.
Pero hindi siya sumagot.
Tila iniisip parin niya ang gagawin niya. Dahil seryoso na ang nakakatandang kapatid ni Maia.
"Maia, alam mo naman siguro kung gaano ka ka-importante sa akin diba?" biglang sambit ni Adrian na kinagulat ni Maia.
"Oo naman, Adrian." tapos napangiti nalang naman siya at napahawak narin sa pisngi ni Adrian, "Ako yung tutupad ng wish mo. Tanda mo pa naman diba?"
Napangiti nalang naman si Adrian noon, "Oo naman,"
"Good." tapos bigla siyang niyakap ni Maia.
"Buti nalang hindi pa dumadating yung isa mong Ate no?" biglang nasabi ni Adrian na medyo kinagulat ni Maia.
"Oo nga eh," ang naging sagot niya at tila umiwas na ng tingin.
"Bakit nga pala panay ang pag-bababala ng mga kapatid mo sakin tungkol sa Ate mo?" tanong ni Adrian.
Napatingin naman si Maia kay Adrian, "Ginagawa nila yon?"
"Oo,"
Tapos napabuntong hininga nalang si Maia at tumingin si Maia sa TV.
"May naging masama kasing karanasan si Ate sa mga tao eh. Dala-dala na niya yun simula noon pa." sambit ni Maia.
"Nabanggit ba ng Ate niyo yun sa inyo?"
"Oo. Pero parang hindi naman kasi totoo yung sinasabi niya eh," sagot ni Maia tapos tingin ulit sa kanya.
"Paano mo naman nasabi? Ano ba kasi yung sinabi niya tungkol sa aming mga tao?" tanong ni Adrian. Tila sinusubukan niyang madulas si Maia.
Matagal na natahimik si Maia noon bago siya nakasagot, "Wala yun Adrian wag mo ng pansinin yun. Tulad nalang ng sinabi ko, mali siya. Tapos," tapos tila pinilit ni Maia na mapangiti.
"Eh paano mo nga nasabi na Mali siya sa kung ano man yun Maia?" pangunuglit ni Adrian.
"Kasi nakilala kita," biglang sagot ni Maia na siya namang kinagulat niya. "Kasi sinasabi niya iniwan siya noon. Na mga manloloko lang ang mga tao at hanggang salita lang sila. Pero ikaw ang nakapagpabago ng isip ko. Lalo na't nasisilip ko yang puso mo. Na totoo at wagas ang hiling mo sakin." trapos napangiti siya ulit noon.
"Kaya mo ba ako pinagbigyan sa hiling ko? Kaya mo ba tinupad yoon?" pagtataka ni Adrian.
"Oo!" ang naging sagot ni Maia.
Bigla niyang naalala kung papano siya napasok sa kalagayang iyon nung una pa lang. Dahil sa pagiging cynical niya at pagkaka-by the book niya, nangyari ang hindi niya inaasahan.
Ang pagbagsak ng isang bituin mula sa kalangitan para tuparin ang kanyang walang ka kwenta-kwentang hiling. Ang hiling na tila nagbago ng buhay niya at ng pananaw niya sa mundo.
Napangiti nalang si Adrian sa naisip niya habang bigla niyang naalala ang mga bagay na nangyari simula noon hanggang sa mga oras na ito.
Lahat ng naging mga reaksyon niya at naging mga desisyon, lahat nagresulta sa isang bagay na matagal na pala niyang hinahanap. Na nagresulta sa isang bagay na nasa harap niya ngayon.
Si Maia.
"Wag mo akong iiwan ha?" biglang nasabi ni Adrian ng hinawakan niya muli si Maia sa may balikat.
"Oo naman Adrian," sagot ni Maia ng may ngiti.
Nagisisnungaling siya ang tumakbo sa isip niya.
"Alam ko narin na Ate mo ang may gawa ng pagkawala ng scholarship ko," bigla niyang sinabi na siya namang kinapawi ng ngiti ni Maia.
"Pero wag kang magalala. Kahit ano pang mangyari, ikaw parin ang pipiliin ko." dagdag ni Adrian habang nakita nalang niya na dumaloy ang mga luha ni Maia.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...