Mabilis ang paglipad ni Maia sa madilim na kalangitan ng Maynila. Nagniningning ang mga bituin sa kalangitan habang matindi ang sinag na dala ng syudad sa ilalim niya.
Pero hindi niya ito lahat pinansin, bagkus tuloy lang ang paglipad niya patungo sa tinitirhan ng ate niya dito, sa Maynila. Deretyo lang ang tingin niya habang tumatakbo na sa isip niya ang mga sasabihin niya sa kanyang nakaka-tandang kapatid na si Alice.
Buo na ang loob niya noon. Dito na siya sa mundong ito maninirahan at hinding-hindi niya hahayaan na may makahadlang pa doon, kahit na pamilya niya ang humaharang sa kanilang dalawa. Ang Ate niya na pumapagitna sa puso nilang dalawa.
Maya maya pa ay nakita na niya ang tinitirhan nito sa tuktok ng isang mataas na gusali sa gitna ng makati. Tiningnan niya ang tahanan ng Ate Alice niya at na-aninaw nito ang Ate niya na lumabas na may dalang wine glass at tiningnan siya na tila alam niya na paparating siya.
Dahan-dahan siyang bumaba at lumapag sa harap ng Ate niya habang ito naman ay umupo.
"Umupo ka," sambit ni Alice habang tinuro nito ang upuan na katapat niya.
"Di rin ako magtatagal," sambit niya pero tinitigan lang siya ng Ate Alice niya. Doon ay umupo nalang siya agad.
"Ano ang maipaglilingkod ko?" tanong ni Alice.
"Ate, di na ako magpapaligoy-ligoy pa." napalunok muna siya, "Buo na ang loob ko. Tigilan mo na kami ni Adrian. Siya na ang napili ko. Magtatagal nako dito. Dito ko na napagpasyahang manirahan kasama niya."
Tahimik lang naman na nakatitig sa kanya ang kanyang ate at tila walang kibo habang tuloy lang siya sa pag-inom niya ng wine.
"Okay," ang naging sambit lang ng Ate niya.
Di alam ni Maia kung papaano mag-rereact pero agad na siyang tumayo, tila iniisip na yun lamang talaga ang inaasahan niya mangyari. Ng akmang aalis na siya ay biglang nagsalita ang Ate niya.
"Ngayon palang sasabihin ko na na next month ay ma-kikick out na siya sa school niya." sambit bigla ni Alice na ikinalingon ni Maia. Tumayo ng dahan-dahan si Alice habang nakatingin sa kanya at dahan-dahang din naglakad papunta sa kanya, habang siya naman ay pa-atras, "At susunod pa na buwan naman pagkatapos noon, sisiguraduhin ko na ang kasunod na mangyayari ay ang pagkawala ng mga trabaho ng magulang niya." tapos bigla niyang crinoss ang kanyang mga braso, "Pag-nawalan ng trabaho ang mga magulang niya. Wala na siyang magagawa at tuloy tuloy na ang paghihirap ni Adrian. Bagkus, damay ka," dahan niyang tinuro si Maia.
Natawa nalang siya bigla pagkatapos huminga ng malalim, na may kasamang ngiti na hinding hindi niya malilimutan, "Kaya wag kang mag-alala Dear sister, magkasama naman kayo eh, pero tandaan mo nalang itong mga sinabi at sasabihin ko. Dahil sa kagustuhan mo na magsama kayo, maghihirap siya. At dadating din ang panahon na ikaw ang sisisihin niya."
Namumugto na ang mga mata noon ni Maia noon habang iniisip ang mga sinabi ng ate niya, "Kaya kung hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko. Tandaan mo, tinanggalan ko na siya ng scholarship at nadamay narin ang kanyang OJT." tapos ay lumakad na si Alice pabalik sa loob at pinapitik ang kanyang mga daliri.
Doon biglang kumulog at kumidlat. "Dear sister. Binibigyan kita ng hanggang hating gabi para mag-decide. Handa na ang kalangitan sa iyong pag-aalis, pero sa pagsapit ng hating gabi at hindi ka parin umaalis. Ay hinding hindi kana makakabalik, at matutupad na ang pangarap mo."
Agad ng lumipad si Maia papaalis at hinding-hindi na siya lumingon pa sa Ate niya. Pero ang totoo ay iniiwasan niyang makita siya ng ate niya na luhaan.
Di na niya alam ang gagawin sa mga oras na iyon dahil sa takot na nararamdaman niya. Hindi niya kang isipin na magkakahiwalay sila ni Adrian. Pero higit sa lahat hinding-hindi niya kayang masira ang buhay ni Adrian ng dahil sa kanya.
Hindi. Hindi niya kakayanin na matuloy pa ang nangyayari kay Adrian ngayon, at ngayong madadamay pa yata ang kanyang mga pamilya dahil sa ginagawa niya.
Tumingin siya sa kalangitan at tila naghihintay parin ito sa kanyang desisyon.
Dumating siya sa bahay nila, at papalapag sa rooftop habang tumutulo parin ang mga luha niya.
"Maia!" sigaw ni Adrian mula sa baba habang papalapag na siya sa rooftop nila. Humahagulgol na si Maia noon habang nakita niyang tumnakbo papasok ng bahay si Adrian.
Lumulutang nalang siya sa ibabaw ng sahig noon at tumingin sa kalangitan. Doon nakita niya naghahanda ito sa kanyang pagaalis.
Agad siyang pinaliguan ng ilaw mula sa langit. "Maia!" sigaw muli ni Adrian habang tumakbo ito patungo sa kanya. "Saan ka pupunta?" tanong nito habang pilit siya nitong inaabot.
Sandali siyang bumaba noon para abutin ang kamay niya pero hinila siya pababa ni Adrian, "Aalis kana ba? Wag mo akong iwan oh," doon nakita niya ang mga luha sa mga mata ni Adrian.
Hinaplos ni Maia ang mga luha nito at pinawi mula sa pisngi niya at nginitian, "I'm sorry Adrian, pero sa ikakabuti mo to," sambit niya at doon hinalikan niya si Adrian sa labi, "I'm sorry banggit niya."
At doon unti-unti na siyang lumutang papauntang langit, pabalik ng kalawakan kung saan siya nararapat. "I love you, tandaan mo yan Adrian. Babantayan kita. Pangako, gagawa ako ng paraan!" sambit niya at doon tuluyan na siyang nawala, at kasama niya ang matingkad na pink na gabi.
Napaluhod nalang si Adrian habang nakatingin lamang siya sa langit, tila hindi makapaniwala na wala na ang babaeng mahal niya, "I love you too, Maia." ang huling naging bulong ni Adrian, sa hangin.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...