Kinabukasan, kakatapos lang nilang kumain ng umagahan. Si Taygeta ay kumakain pa dahil na late siya ng gising habang si Maia naman ay nagliligpit ng pinag-kainan nila.
"Uuna nako. Baka ma late pako." sabi ni Adrian na may pagmamadaling pag-alis.
"Ah teka sandali!" pagtawag ni Maia at agad na sumunod kay Adrian.
"Teka ano ba-" nagulat nalang si Adrian ng bigla siyang hinalikan ni Maia sa may pisngi. Nakangiti lang naman si Maia sa kanya habang siya naman ay tila nakalimutan na nagmamadali siya.
"Nakita ko kasi ito doon sa pinanood ko nung isang araw. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na gawin. Aral ka mabuti!" sambit ni Maia. Nakangiti lang naman si Adrian kay Maia habang hawak niya ang pisngi na hinalikan ni Maia.
Si Taygeta naman ay tahimik lang na kumakain ng agahan niya at nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ang dalawa. "Kuya akala ko ba nagmamadali ka?" biglang sabi ni Taygeta.
"Ay oo nga pala! Sige ingat kayo! Hintayin niyo ako mamaya!" sabi ni Adrian habang tumakbo na siya papalayo.
Natatawa lang naman si Maia na kumakaway kay Adrian at maya-maya pa ay pumasok na ito at tinuloy ang pagliligpit niya. "Taygeta, ilagay mo nalang yung pinag-kainan mo dito sa sink ha. Ako na magliligpit." sabi ni Maia pagkatapos ay dumeretyo sa may sala at binuksan ang TV.
Pagbukas niya ng TV ay nandoon parin ito sa paboritong channel ni Adrian. "Grabe hinahanap talaga tayo ng mga tao oh." sabi ni Maia habang nakikinig sa balita.
Pero hindi lang ito pinansin ni Taygeta. "Ano kaya kung sabihin natin sa kanila na nadito lang tayo? Naku magkakagulo siguro ang mundong to. Noh, Taygeta?" dagdag ni Maia. Di tumagal ay natapos narin sa pagkain itong si Taygeta at tamang sunod niyang nilagay sa sink ang pinagkainan niya at dumeretyo sa may sofa.
"Ay tapos kana pala. Sige ligpitan ko lang." sabi ni Maia at agad siyang tumayo para linisin ang plato.
Pinagmasdan ni Taygeta ang remote control at may pinindot siya. "Huh! Nagbago yung nasa kahon!" tapos pinindot niya ito ulit at agad na naghanap ng magandang mapapanood niya.
"Galing talaga ng mga tao no? Akalain mo yun naisip nila gumawa ng ganyan. Hehehe." sabi ni Maia ng matapos na siyang magligpit at tumabi sa kapatid niya.
Ng may magustuhan na palabas itong si Taygeta ay agad siyang tumutok dito. "Wow halos katulad nung pinanood natin kagabe!" tuwang-tuwa na sinabi ni Taygeta. Nanood nalang ang dalawa at pinapanood din naman ni Maia ang nasa TV. Pero maya-maya pa ay biglang pumasok sa isip ni Taygeta ang naging usapan nila ni Adrian kagabi.
Napatingin siya sa ate niya na tahimik na nanonood. "Ate, hagang kailan ka magiging girlfriend ni Kuya Adrian?" biglang natanong nitong si Taygeta.
Si Maia, medyo hindi handa sa biglang tanong ng kapatid niya ay napatingin rito, "Bakit mo naman biglang natanong yan ha?"
"Basta sagutin mo nalang kasi ate." pakiusap ni Taygeta.
Sandaling nagisip itong si Maia at natawa, "Hangga't gusto niya akong maging Girlfriend niya. Ganun naman yun diba?" sagot nito.
"Eh ate, hindi mo ba naiisip na dalawa lang ang pwedeng ending ng hiling niya?" sambit naman ni Taygeta.
"Alam mo, hindi nga to pumasok sa isip ko eh. Nakita ko lang na mabuting tao naman siya. Kaya tinupad ko ang hiling niya." sagot naman ni Maia.
Napabuntong-hininga nalang si Taygeta, "Yun lang ba ang nakita mo sa kanya ate?" tanong nito.
Doon, napawi ang ngiti sa mukha ni Maia, "May iba din." mahinang sagot nito.
Tiningnan lang siya ni Taygeta at nakikita nito na nalungkot siya. Ano kaya ang nakita ng ate niya? Gusto niyang malaman. Para malaman narin niya ang dahilan kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, si Adrian ang napili nito. Pero sa naging reaksyon ng ate niya, mukhang malabo na malaman niya ito.
"Ate. Alam mo naman na hindi papayag sina Papa, Mama at maging si Ate sa ginagawa mo diba?" biglang nasabi ni Taygeta.
Nakuha nito ang atensyon ni Maia at tumingin at bumalik ang ngiti sa mukha niya, "Ako bahala sa kanila. Papayagan nila ako. Wag kang mag-alala sakin munting kapatid." sambit nito at bigla niyang niyakap si Taygeta.
"Eeeh ate naman eh, seryoso kasi ako!" pagpupumiglas ni Taygeta, "Paano kung matulad kadin kay Ate, anong gagawin mo?" dagdag ni Taygeta. "Paano kung si Ate na mismo ang bumaba dito para sunduin ka? Hinding-hindi papayag yoon na matulad ka sa kanya. Alam mo naman ang pinagbago ni Ate simula nung nangyari yun."
Sandaling natahimik doon si Maia, pero sinagot niya lang ito ng ngiti, "Una hindi gagawin ni Ate yun. Laki kaya tiwala noon saken. Tsaka pangalawa, nakita ko ang puso ni Adrian. Hinding-hindi niya gagawin yun. May tiwala ako sa kanya."
Napakunot naman ang noo ni Taygeta, "Ate, halos kaka-kilala niyo lang. Ganyan kana ba kasigurado sa taong napili mong pagbigyan ang hiling?" dagdag nito. Pero ganun parin ang naging sagot niya. Ngiti at mahigpit na yakap.
"Tsaka, hindi naman mawawala ang bagay na yun sa tao eh. Darating at darating din yun. Para kay Adrian, matagal pa yun." biglang sabi ni Maia.
"Ate." mahinang sagot nalang ni Taygeta. Sinubukan niyang tingnan ang ate niya, pero piniglan siya nito.
"Wag kang mag-alala sakin Taygeta, ha? Alam ko ginagawa ko. Tsaka mukhang mas-kilala ko pa si Adrian kesa sa kilala niya ang sarili niya." dagdag ulit ni Maia.
"Ano naman yung hindi niya alam tungkol sa sarili niya aber?" tanong agad ni Taygeta.
Natawa naman si Maia doon at sumagot, "Na malungkot siya. Na gusto niya ng kasama. Pero ayaw niyang aminin sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Novela JuvenilImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...