Hapon na noon at naglalakad na pauwi si Adrian. Nakatingin lang siya sa pink na langit. Pero hindi ito ang laman ng isip niya, hindi yun. Kung hindi ang babae na nakilala niya kanina sa Cafeteria ng school nila, si Anastacia. Di niya malimutan ang mahabang medyo kulot na buhok nito. Ang bonnet niya na talagang bagay na bagay sa itsura niya. Ang pink niyang labi at ang magagandang mata niya na tila parang minina pa sa pinaka-isolated na bundok sa mundo sa sobrang ganda nito.
Napahinga nalang siya ng malalim na may ngiti at tila nabuo ng sobra ang araw niya. Lalo pa siyang masaya nung araw na yun, ng makuha niya ang no. nitong si Anastacia. Nakarating na siya ng bahay at ang una agad na sumalubong sa kanya ay si Maia.
"Adrian!" masayang pagbati nito ng niyakap siya nito ng mahigpit.
"Oh Maia. Kumusta ang araw mo?" tanong nito. Ng maalala niya. May girlfriend nga pala siya.
"Eto ayos naman. Nag-practice ako ulit magluto sana magustuhan mo na to!" sambit nito at dumeretyo na siya sa loob para ipaghanda ng pagkain itong si Adrian. Nakita naman niya itong si Taygeta na busy panonood ng movie sa TV.
"Ah, maganda yan. Magugustuhan mo yan." sambit nito.
"Ang tagal nga ng bakbakan eh. Tanong ko lang, bakit parang brief lang ang suot nila, at bat sila hubad?" tanong nito.
"Ah, galing kasi yan sa isang kwento. Greek story, title ano, 300. Base kasi yan doon. Panoorin mo yan. Maganda yan." sagot naman ni Adrian.
"Hmmm, naiinip na nga ako eh. Tagal ng labanan." sagot nitong si Taygeta.
"Ganun talaga, kakasimula lang naman kasi. Sige kain muna ako, samahan kitang manood." sabi nito at dumeretyo na siya ng dining room.
Pagdating niya doon ay naamoy niya agad ang niluto ni Maia. Nagulat siya, di niya inexpect na makakapagluto nga to. Kaso may kaunting problema lang.
"Tada!" saabi ni Maia habang nilapag niya ang Omelette na may kaunting karne na hindi niya mawari, "Sana magustuhan mo siya." sambit nito at agad na umupo at inantay na kainin ni Adrian ang niluto niya.
"Hehehe, Maia saan mo nakita to?" tanong ni Adrian. "Teka, kumain narin naba kayo?" dagdag niya.
"Sa TV. Kaninang umaga. Nakita kong gawin nila kaya ginaya ko. At oo kumain na kami kanina." sagot nito.
"Ano yung mga karne dito?" dagdag ni Adrian. tapos nag-handang sumubo ng pagkain.
"Uhm, yung hotdog na nasa ref. Sabi kasi nung nasa TV ayos lang daw naman na kahit anong karne ang gamitin. Mukha naman karne yung hotdog. Kaya yun nalang ginamit ko." pagsagot nito.
Natuwa naman si Adrian. "Ah, sige Maia, bukas ng umaga ipagluto mo ako ulit nito ha? Kasi pang breakfast to. Hehehe." tapos kinain niya. Nagulat naman siya kasi masarap ang pagkakagawa niya. Ng nakita naman niya si Maia ay medyo nalungkot ito.
"Oh bakit, nakapangalumbaba ka diyan?" tanong nito.
"Eh kasi, akala ko tama na ginawa ko." sabi ni Maia.
"Ha? Tama to! Masarap siya!" tapos sumubo ulit siya at pinapakita niya na masarap ang luto nito.
"Eh sabi mo pang breakfast lang yan eh." sabi naman ni Maia.
"Ah, hehehe. Joke lang yun. Ano kaba. Ang sarap-sarap kaya!" tapos binilisan niya ng kaunti ang pagkain at nakita niya na natutuwa na at natawa ng kaunti si Maia.
"Uie ano kaba baka mabulunan ka niyan. Hahaha!" pag-saway ni Maia at ngumiti. Ng nakita niya ito ay medyo tumalon ang tibok ng puso ni Adrian.
"Himdi, oke lamg ako--" at ayun nga, nabulunan na si Adrian. Nag-panic naman itong si Maia at agad na i-kinuha ng tubig.
"Akala ko katapusan ko na." sabi ni Adrian matapos maka-recover.
Natawa naman si Maia habang nililigpitan ang kinainan ni Adrian, "Hehehe, di ko naman ata hahayaan na mawala boyfriend ko. Hehehe." sambit nito.
Napangiti nalang si Adrian habang tinitingnan si Maia. Naisip nalang niya na bigla ang swerte niya. Hindi dahil sa nandiyan siya nung nabulunan siya, kundi dahil nararanasan niya ang isang bagay na akala niya ay hindi niya mararanasan.
Tumayo na is Adrian at lumapit kay Maia, "Maia. Masaya kaba?" biglang tanong nito.
"Ha? Bakit mo naman biglang natanong?" sambit nito.
"Wala lang. Sagutin mo nalang kasi." sabi nitong si Adrian.
"Oo naman." sabi nito ng matapos na siyang magligpit. "Masaya ako kasi meron akong boyfriend na katulad mo." sabi nito tapos hinawakan niya si Adrian sa pisngi niya, "bakit mo natanong, may problema ba?" dagdag nito.
Nakangiti lang noon si Adrian habang tinitingnan niya si Maia. Kitang-kita nito na medyo nag-alala ito dahil sa tanong niya. Hinawakan niya ang kamay nito, "Wala, natanong ko lang. Curious lang ako." sabi nito at umalis na papuntang sala para samahan si Taygeta na manood.
Pagupo niya ay hindi siya naka-focus sa pinapanood niya. Di niya matanong kay Maia yung gusto niyang itanong, dala narin ng takot ito siguro. Napahinga nalang siya ng malalim at tinuloy ang panonood niya.
Lumipas pa ang gabi at patulog na silang lahat. Tumuloy na si Adrian sa kanyang tinutulugang kwarto at humiga. sinubukan niyang matulog, pero hindi niya magawa ito. Di parin maalis sa isip niya itong si Maia. Gusto na kasi niyang malaman kung narito lang ba talaga si Maia dahil sa hiling niya, oh dahil sa gusto narin niya na kasama siya.
Napahinga nalang siya ng malalim ng biglang mag-ring ang phone niya. Inabot niya at kinuha malapit sa may lamp. Tiningnan niya ang kung sino ito, at napangiti nalang muli siya. Si Anastacia ang nag-text.
Goodnight, see again tomorrow. :)
Text nito. Hindi alam ni Adrian ang gagawin niya, dahil meron na siyang Maia.
End of Chapter 2
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...