Tahimik na naglalakad noon sa sakayan si Adrian. Tila iniisip parin kung ano ba talaga ang gagawin niya sa relasyon nila ni Maia. Lalo na sa mga oras na to kung saan, may nagawa siyang kasalanan sa kanya.
Nakiki-ayon ang panahon sa kanyang nararamdaman habang pinagmamasdan niya ang paghalik ng gabi sa syudad at ang pag-mulat ng mga ilaw sa lansangan. Ano nga ba ang gagawin niya sa nagbabadyang dilim sa relasyon nila na halos kakasimula pa lamang?
Hindi niya alam kung ano ang gagawin, ngayon pa lang naman siya nagka-girlfriend. At hindi rin nakakatulong na halos wala siyang kaibigan na pwedeng pagtanungan.
Pipila na siya sa bilihan ng ticket sa MRT para umuwe ng agawin ng TV sa malaking tindahan ang kanyang atensyon. Tumigil siya sa harap noon at pinanood ang palabas na may subtitles.
I'm sorry. I didn't mean to say those things. I was a complete idiot. I regret every word that came out of my mouth. I wasn't thinking.
Sabi ng lalake sa movie habang hawak niya ang mga bulaklak sa labas ng apartment ng babae, habang bumubuhos ang malakas na ulan.
Please forgive me. I still love you.
Dagdag nito. Pinunasan lang naman ng babae ang mga luha niya habang tinitingnan nito ang lalake.
You dummy. I'm sorry too. I shouldn't have stalked you like you were seeing someone else or somethin'. It was my fault.
Sambit naman ng babae.
Promise me you'll never keep secrets from me again?
Dagdag ng babae.
Yes! Now can I please come in?
Of course dummy! Come here!
Sabi ng dalawa sa isa't-isa.
Napangiti nalang doon si Adrian. Ganun lang kadali ang ginawa ng lalake. Well, nagdala pa siya ng bulaklak at nagpaulan na tila akala mo hindi magkakasakit. Natawa nalang doon si Adrian habang naghihintay ng tren papauwi. At sa pagsakay niyang yon ay nasa pwesto nanaman siya kung saan niya nakita ang shooting star na si Maia.
Napangiti nalang siya noong naalala niya yon. Napangiti ng magkakilala sila sa kwarto nila. Natawa nalang siya dahil sa sobrang kakaiba ng first meet up nila. Di niya mapigilan ang sarili niya habang naaalala at sa hindi inaasahang pagkakataon. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya. Doon napatigil nalang siya.
Napahawak siya sa dibdib niya at naisip muli ang mukha ni Maia nung gabing una silang nagkita. At sa pag-pasok na pagpasok ng imahe na yon, tumibok muli ng malakas ang puso niya. Sa kaunting alaala nila ni Maia sa maikling panahon na yun. Kasama niya si Maia sa tabi niya.
Napangiti nalang siya. Wala na siyang nagawa kundi i-sandal aang ulo niya sa pinto at natawa lalo sa sarili niya.
"Ang tanga mo, Adrian." sambit niya sa sarili niya habang natawa nalang ng tuluyan sa sarili. Sa mga oras din na yon, pinagtitingnan na siya ng ibang tao at yung iba ay medyo lumalayo na sa kanya.
~~~~~~~~~~
Nagkatinginan lang ang tatlong magkakapatid habang naghihintay ng reaksyon galing kay Maia. Maya-maya pa ay humarap na ito sa kanila ng nakatungo.
"Ate?" tanong ni Taygeta ng may pagaalala. Nakikita niya sa mukha niya ang lungkot.
"Ate ayos ka lang ba?" tanong naman in Merope.
"Ate, ano? Ano gagawin mo? Uuwi na ba tayo?" sambit nitong si Asterope.
Maya-maya pa ay tumingin nalang ito kay Asterope at tumungo ng oo. Napangiti nalang si Asterope doon at tila tuwang-tuwa sa naging sagot ni Maia. Nagulat din itong si Merope ng biglang hawakan ni Asterope ang kamay niya.
"Nakita mo ba yon, Merope? Sabi niya oo diba? Sabihin mo sakin na iyon ang isinagot niya!" sambit ng nagtatatalon na si Asterope.
"Oo, nakita ko. Bitawan mo na ang kamay ko." naging sagot nalang din ni Merope.
"Oh hala sige, maghanda kana sa roof top. Aalis na tayo mamaya pag handa kana." sambit ni Asterope habang tinutulak niya itong kakambal niya.
"Teka sabi ko na nga ba hindi kapa marunong bumalik satin eh. Eto na aakyat nako. Pag lumiwanag nalang sa taas. Sunod nadin lang kayo." sambit nitong si Merope pero pinagtutulakan parin siya ni Asterope.
"Oo na! Bilisan mo, baka bumalik pa yung taga lupa! Bilis, Bilis!" ang sambit lang ni Asterope.
Tahimik lang si Taygeta noon at tumabi sa kanyang ate. Hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang sagot ng ate niya.
"Ate ayos ka lang ba talaga?" tanong nitong muli.
Doon napaiyak nalang si Maia. "Ayokong umalis." iniyak nito.
Niyakap nalang ni Taygeta ang Ate niya para patahanin, "Eh di wag ka ng umalis Ate. Kami nalang tatlo ang babalik doon satin." sambit ni Taygeta.
"Eh kasi tama din si Asterope. Baka mas-makakabuti nalang na umalis ako para makahanap na ng taong-kasintahan si Adrian." sambit niya habang umiiyak parin siya.
"Yun ba talaga ang gusto mo?" tanong naman ng kapatid niya.
Sa tanong na iyon, lalong lumakas ang pag-iyak ni Maia, "Ayoko!" tapos napayakap nalang siya kay Maia.
"Eh di mag-stay ka na nga lang dito!" sambit muli ni Taygeta.
"Eh kasi..." tapos hindi na nakapagsalita itong si Maia.
"Oo na Ate. Naiintindihan ko na. Sige na tahan ka nalang diyan. Baka maabutan kapa ni Ate Asterope dito, lalong magalit yon." sambit nalang ni Taygeta.
Hindi na naman talaga kailangang magpaliwanag ng Ate niya eh. Alam na naman nito ang nararamdaman nito. Nahulog ang loob ni Maia sa isang taga lupa. At alam niyang mahirap ito.
Sa labas ng kwarto ay tahimik lang na nakinig si Asterope sa naging usapan nila. Sa mga oras na yun hindi niya alam, kung tama ba talaga ang gagawin nila. Kung makakabuti nga ba talaga ito sa Ate Maia niya, oh hindi.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...