Ch. V, Prt. I: Window to Paradise

586 19 0
                                    

"Wow ang ganda naman! Nakakatuwa!" sabi ni Maia habang nakasakay sa eroplano, habang tinitinang ang kaulapan  mula sa bintana. Papunta ng Coron. 

"Hehehe, pang sixteen mo ng beses na sinabi yan, Maia ah." sabi ni Adrian habang nagbabasa ng libro.

"Tingnan mo Adrian oh! Sobrang blue naman at green nung mga isla!" sambit ni Maia habang niyuyugyog niya ang balikat ni Adrian. 

Natatawa nalang si Adrian habang pinipilit basahin ang libro niya. Pero wala siyang magawa, natatawa nalang siya.

"Ano kaba, nagbabasa ako." tapos napatingin nalang siya sa tabi niya at doon nakita niya ang isang matandang mag-asawa na halatang-halata na natutuwa kay Maia. "Ssshh, eto  na titingin na." tapos nag-lean siya papaharap para tingnan ang labas ng bintana. Napangiti narin lang siya sa kagandahan ng kalangitan at dagat.

"Ang ganda diba?" biglang sabi ni Maia tapos tumingin siya kay Adrian at nagsalubong ang tingin nila.

Hindi napigilan ni Adriana ang sarili at hinalikan niya si Maia sa pisngi, "Enjoy mo lang ang view, Maia ha?" sambit nito at umupo para ituloy ang pagbabasa niya ulit.

Natahimik nalang si Maia sa pagkakaupo niya at namumula. Hindi pa kasi siya sanay na masyadong malambing si Adrian sa kanya.

"Uhm, punta ako sa cr." sambit ni Maia.

"Ah sige, punta ko dun sa likod, naroon yung CR. Katok ka muna ah tapos antay ka kung may sasagot, pag wala pasok ka." sabi ni Adrian.

Ayaw niyang ipakita ang mukha niya kay Adrian. Napatingin siya sa dalawang matanda na kinawayan siya at halatang-halata sa tingin nila ay nakita nila ang ginawa ni Adrian. Namula nanaman si Maia at napangiti. Napatungo nalang siya at sa pagkakatungo niya ay nakabunggo siya ng babae na nakasuot ng sunhat at punting damit.

"Sorry po," sabi ni Maia.

"It's okay." sambit ng babae tapos umalis na. 

Si Maia naman ay tumuloy na sa banyo at pumasok, at umupo lang sa loob. Hinawakan niya ang dibdib niya at mabilis ang tibok ng puso niya.

"Ano ba naman, Maia. Kayo nalang dalawa ang magkasama. Dapat masanay kana, boyfriend mo siya." sabi niya habang pilit pinapakalma ang sarili niya. 

Naalala niya tuloy ang sabi sa kanya ng kapatid niyang si Taygeta noong naroroon pa siya.

Ate, naisilip mo naba si Adrian? Kumusta naman? Mabuti nang alamin mo yun kasi alam no na. Para at least may panlaban tayo kay Ate.

Naisip niyang muli ang sinabi ng kapatid niya. Ayaw na ayaw niyang gawin yun kay Adrian. Ayaw parin niya kasing sabihin kay Adrian kung ano pa ang kaya niyang gawin.

Sigurado ka na ba diyan? Kasi hindi ka namin pipigilan ni Asterope.

Naalala niyang sinabi ni Merope bago sila umalis ng kakambal niya. Napangiti siya noong naalala niya yon, dahil nakita niya noon na gusto ni Asterope na pauwin siya, pero alam rin niya na masaya siya roon. 

Pinalo niya ng hindi gaanong kalakasan ang pisngi niya at napahinga ulit ng malalim ng maalala niya ang sinabi ni Electra.

Maia, ang mga lalake. Madali lang pasayahin yan. Gagawin mo lang ang mga sasabihin ko. tapos may binulong sa kanya na biglang namumula itong si Maia.

Niyugyog nalang niya ang ulo niya, pilit kinakalimutan ang sinabi ng kapatid niya sa kanya. "Electra naman kasi! Kung ano-ano sinasabi mo sakin eh!" 

May  kumatok sa pinto, "Ma'am, ayos ka lang po ba diyan?" tanong ng isang stewardess sa labas.

"Ah, eh -- ano, ayos lang po ako. May kausap lang po ako sa phone ko." sagot ni Maia.

"Ah okay po." tapos umalis na ang stewardess.

Tumayo bigla si Maia at pinalakas ang loob niya at tila nag chant. "Adja! Adja!" sabi niya habang naalala niya ang sinabi ng bidang babae sa tv show na napanood niya at ni Taygeta nung nandito pa siya. 

Pinindot niya ang flush para isipin ng mga tao na ginamit niya nga ang banyo. Naghugas ng kamay at inayos ang kanyang buhok at agad niyang binuksan ang pinto at doon tumbad ang ilang tao na nakapila at naghihintay sa kanya.

"Sorry po." sabi niya at agad siyang bumalik sa inuupuan niya. 

Huminga ulit siya ng malalim at doon ay niyakap niyang bigla ang braso ni Adrian. Medyo nagulat naman si Adrian doon at nagkatinginan lang naman ang dalawa. Nginitian lang siya ni Maia at tumingin sila ulit sa labas ng bintana. 

"Tuwang-tuwa ka talaga no? diba lagi mo naman nakikita yang mga yan nung nasa taas kapa?" sambit ni Adrian.

"Oo, pero mas-nakaka-enjoy pag ganito eh." sagot niya tapos tumingin siya ulit sa labas.

"Hmm, bakit naman?" tanong ni Adrian.

"Kasi kasama kita eh." tapos tumingin siya kay Adrian. 

Napangiti naman doon si Adrian at sandaling natahimik. nilapag niya saglit ang libro at sinilip ang seatbelt sign. Hindi naman ito naka-ilaw. Tumayo siya at lumapit ng kaunti kay Maia sinabayan niya itong pagmasdan at enjoyin ang karagatan. 

Maya-maya pa ay may nakita si Maia na malaking isla at napangiti, "Adrian, Adrian!" ilang ulit niyang pagtawag at halatang natutuwa sa kanya si Adrian, "yun naba yung Coron, Adrian?" 

"Hinde, pero diyan tayo baba para makapuntang Coron." sagot ni Adrian.

"Eh ano pangalan ng isla na yan?" tanong ni Maia.

"Busuanga Island." sambit nito.

"Busububa?" nalitong sabi ni Maia at natawa nalang si Adrian doon at ganun din naman si Maia.

Tiningnan lang nila ang isla habang naguusap at naglalambingan. At sa likod nila ang babaeng naka sunhat, ay tumingin sa kanila, at ngumiti.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon