Kakatapos lang nina Adrian, Maia, at ng nakakabatang kapatid nito na si Electra na kumain ng tanghalian. Nasa salas lang si Electra at nonood habang naiwan naman itong dalawa sa kusina para magligpit ng pinag-kainan at para linisin narin ang kusina.
Tinitingnan lang ni Adrian mula sa malayo ang bago nilang bisita. Tila binabantayan dahil di narin niya masisisi ito pero, nung dumating pa ang iba pang kapatid ni Maia, kung ano-ano nalang gulo ang nangyayari.
"Maia, gaano ka katanda kay Electra ulit?" tanong bigla ni Adrian.
"Mga, eight million years, ata? Di ko maalala, nakakalito yung math niyo dito eh." sagot ni Maia habang hinuhugasan niya ang mga pinggan. Napakunot naman ang noo ni Adrian tila napaisip bigla.
"Teka nga," biglang harap nito kay Maia, "Sabihin mo nga kung paano talaga ang pagkakasunod-sunod niyo." sambit ni Adrian habang umupo siya.
Napaisip din itong si Maia hanggang sa na-gets na niya ang sinabi ni Adrian. Nagpunas muna siya ang kanyang mga kamay at umupo narin.
"So, ang panganay ay si Ate Alecyone, sumunod naman ako. Pagkatapos ang sumunod na sakin ay sina Calaeno, si Electra. Yung kambal na sina Asterope at Merope, ang pinaka-bunso na si Taygeta." sagot niya sabay ngiti.
Napabilang nalang sa daliri niya itong si Adrian. Naisip niya na tatlo na ang nakita.
"So nakaka-apat na pala ako kung sasama ko na si Electra." nasabi niya at napahinga nalang ng malalim si Maia at bumalik sa paglilinis niya.
"Wala eh. Ang titigas kasi ng ulo. Para tuloy hindi ako ate ng mga yan." sambit ni Maia tila pagdadabog ni Maia.
Tumingin sandali si Adrian kay Electra. Maya-maya pa ay tumingin siya pabalik kay Maia. Ilang beses niyang ginawa to hanggang sa napansin na siya ni Maia.
"Adrian, aanong ginagawa mo?" tanong ni Maia.
"Nagtataka na kasi lang talaga ako." sambit ni Adrian.
"Tungkol saan?" pagtataka ni Maia.
"Maliban kay Taygeta, bakit parang mas mukha pang matatanda yung mga nakaka-bata mong kapatid, kesa sayo?" natanong niya. Napaisip saglit itong si Maia bago niya tinuloy ang ginagawa niya.
"Bakit, mukha ba akong mas-bata kay Electra?" natanong nito at tumingin kay Adrian.
"Oo. Mas mukha pa nga siyang ate kesa sayo eh." sagot nito.
"Hmmm, grabe ka naman." ang nasabi nalang ni Maia. Natawa nalang si Adrian at lumapit kay Maia.
"Hehehe joke lang. Ito naman di na mabiro. Hehehe." sambit niya kay Maia. Napatigil nalang si Maia sa ginagawa niya at napansin din ni Adrian na tila di na siya gumagalaw. "Oh bakit? May problema ba?" ang nasabi nalang ni Adrian.
"Uhm, Adrian. Ano ginagawa mo?" sabi ni Maia na medyo na utal-utal pa.
"Uhm. Naglalambing, ginagawa to ng boyfriend." sagot ni Adrian.
Dahan-dahang tumingin sa baba si Maia at nakita niya ang mga kamay ni Adrian na nakayakap sa kanya, mula sa likod.
Napabitaw naman si Adrian at nagkatinginan naman silang dalawa. Tila bumilis ang tibok nila pareho.
"Sorry kung di kapa pala handa." na uutal na sinabi ni Adrian.
"Nako, ayos lang. Uhm, parang hindi mo pa naman ako nayayakap diba? Hahahaha!" ang nasabi nalang ni Maia ng biglang nalala niya yung mga time na nag-yakap na silang dalawa.
Kakaunti palang yung mga alaala na yun pero bigla siyang namula at tinakpan ang mukha.
"Hmm, Ate talaga oh. Parang hindi naman kayo nagkakayakap niyan sa gabi." biglang salita ni Electra na kinagulat ng dalawa.
"Kelan kapa nandiyan?" tanong ni Maia.
"Kanina pa nung narinig ko pangalan ko. Kaya lumapit ako. Di ko naman alam na nagkaka-moment pala kayong dalawa. Hehehe." sabi nalang ni Electra.
Di alam ni Adrian kung papano mag-react kaya dumeretyo nalang siya sa sala.
Nakangiti lang naman si Electra sa Ate niya na siya naman kita niya na medyo, mapula parin.
"Hay nako Ate, sa ating lahat, parang ikaw pa mas-bunso." sambit nalang ni Electra.
Di nalang ito pinansin ni Maia, "May kailangan kaba? Pampalit? May damit ako diyan."
Dahan-dahang umupo si Electra at nagpangalumbaba.
"Parang gusto kong maligo, Ate." sambit niya.
"Ah, eh sige. Halika sa taas, paghanda ko narin pampaligo mo, tsaka mga susuotin mo." sabi ni Maia at hinila na niya ito papa-akyat.
"Adrian, liligo lang sa taas si Electra ah!" sabi niya habang hila-hila niya papa-akyat itong si Electra na wala na namang nagawa kundi ang matawa sa ate niya habang umaakyat.
"Ah, ok." ang naging sagot nalang ni Adrian at nagpatuloy nalang sa ginagawa niya.
Lumipas ang ilang minuto at narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo mula sa taas. Napatingin siya sa rilo na suot niya, "Grabe ang tagal niyang maligo ah." Tumayo siya para kumuha ng tubig at laking gulat niya ng tumumbad sa harap niya ang bagong ligo, at naka-tuwalya pa na si Electra.
"Ah, Electra, anong ginagawa mo dito? Nasa taas si Maia. Magbihis ka muna doon." na-uutal na sinabi ni Adrian habang umaatras siya habang lumalapit naman si Electra na may ngiti sa mukha niya.
Napaupo siya ng wala sa oras dahil sa pag-atras niya at di na niya alam kung papano tatayo dahil hinawakan na siya ni Electra sa may mga kamay. Nakangiti parin ito sa kanya. "Electra..." sambit nalang ni Adrian ng biglang kumandong sa kanya si Electra na siya namang kinagulat niya.
"Adrian. Tayong dalawa lang naman eh. Sabihin mo na sakin. Papano mo napahulog sayo si, Ate? Hindi ako maniniwala na dahil lang sa hiling yun." bulong nito.
Bumibilis ang tibok ng puso ni Adrian ng biglang bumukas ang harapang pintuan. Napatingin naman ang dalawa at doon, nakita ni Adrian, na dumating na pala ang tatay niya.
At gulat na gulat din siya. "Adrian? Uhm, I'm home?" ang nasabi nalang ng tatay niya.
Natawa nalang si Adrian at hindi alam kung papano ipapaliwanag sa tatay niya ang sitwasyon niya sa mga oras na yun.
"Adrian, nakita mo ba si Electra-" napatigil si Maia at nakita na niya kung nasan ang kapatid niya. Napa-tili nalang siya ng malakas dahil sa sobrang gulat sa dalawa at agad na tumakbo sa para hilahin si Electra sa ibabaw ni Adrian.
"Electra eto na nga ba sinasabi ko eh! Para kang si Calaeno! Wag mo ng gagawin kay Adrian yon!" pagawawala ni Maia habang niyuyug-yog niya ito.
Sa sobrang lakas ng pagyugyog niya ay nahubad ang tuwalya na lalo namang kinagulat ng tatlo.
Nanlaki ang mga mata ni Adrian, at ng tatay nito kay Electra na may ngiti naman sa mukha niya, tila walang pakialam. "Hi! Ako nga pala ang nakakatandang kapatid ng batang ito na si Maia." pagpapakilala niya sa sarili niya sa tatay ni Adrian na hindi alam ang gagawin.
"Ako si Ronald. Ta-tatay ni Adrian." sagot ng tatay.
"Kinagagalak ko ang makilala ka." sagot ni Electra.
"A-ako rin." ang nasambit nalang ni Ronald at doon, napa-tili nanaman si Maia ng wala sa oras.

BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Teen FictionImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...