Kasalukuyang nag-hahanda si Adrian para muling lumabas kasama si Anastacia. Nag-mamadali siya habang nagbibihis. Bakas sa mukha niya ang saya at ng matapos na siya ay agad na siyang dumeretyo sa baba.
"Maia, Taygeta, kayo na muna ang bahala dito sa bahay ah. May lakad lang ako ngayon." sambit niya habang naglalakad papalabas ng bahay.
"Ah, sige Adrian. Ingat ka sa lakad mo." sagot lang ni Maia pero hindi na siya nito narinig at ang tanging narinig nalang ni Maia ay ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Agad namang sumilip mula sa taas itong si Taygeta. Nakita niya ang kuya niya na sumakay ng taxi. Pagkaalis nito ay agad siyang bumaba at sinabihan ang ate niya.
"Ate ate!" pagtawag ni Taygeta na kinagulat naman ni Maia. "Ay sorry ate. Ready kana?"
Pero sa mukha palang ni Maia, tila parang hindi parin siya sigurado. Napabuntong-hininga nalang naman itong si Taygeta at agad na lumapit sa Ate niya.
"Ate naman eh. Handa na tayo oh!" pagturo ni Taygeta sa damit nilang dalawa, "Ni hindi nga niya napansin na nakabihis pan-labas tayo eh. Tara na kase!" tapos hinila niya nalang bigla ang ate niya palabas.
"Ah teka lang!" ang nasabi nalang ni Maia pero wala na siyang nagawa.
Paglabas nila ay may agad na pumarang taxi at sumakay agad silang dalawa dito.
"Manong! Sundan mo yung kaka-aalis lang na taxi bilis!" sigaw ni Taygeta.
"Yes ma'am!" sagot lang ni Manong at agad namang sinundan nito ang taxi na sinasakyan ni Adrian.
"Uhmm ano, Taygeta. Pano ka tumawag ng taxi? Tsaka may pambayad kaba?" pag-aalala nito.
"Ginamit ko yung phone ni Kuya nung tulog siya. Tsaka kinuha ko tong mga papel na makulay." tapos pinakita niya sa ate niya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Maia dahil kumuha pala itong kapatid niya sa wallet ni Adrian.
"Naku naman Taygeta, bat mo ginawa yun?" tanong naman ni Maia habang lalo na siyang kinabahan at natakot dahil ayaw niyang magalit itong si Adrian.
"Ate para sayo tong ginawa ko. Yung Boyfriend mo kasi, hindi nagsasabi at di ka pinapansin. Kaya mabuti pang alamin na natin ang pinag-kakaabalahan niya." sabi nalang ni Taygeta sa kapatid niya.
Di nalang nakasagot itong si Maia at napa-tungo nalang siya at hawak sa dibdib niya dahil sa kaba. At dahil narin sa tila pag-wawala ng puso niya dahil sa gagawin nila.
Matagal-tagal din nilang sinundan ang taxi hanggang nakarating na sila sa isang na hindi sila pamilyar.
"Manong, san po itong lugar na to?" tanong ni Taygeta.
"Ahh, Mall of Asia po ma'am. Dito dumeretyo yung sinundan nyo." sagot ng driver at tumuloy na sila sa pagsunod.
Tumigil na ang taxi na sinasakyan ni Adrian, at tumigil narin sila sa hindi kalayuan. Nakita nilang bumaba si Adrian at agad naman silang sumunod.
"Teka ma'am bayad nyo ho!" sigaw ng driver. Tumingin lang si Taygeta sa driver habang papalapit ito, "400 ma'am."
Pero inabutan niya ito ng kulay purple na siya namang kinagulat ng driver na hindi na nakapag-sukli dahil tumakbo na sila habang si Maia ay nag-sosorry sa driver habang lumalayo.
Tumakbo sila papunta sa direksyon kung saan pumunta si Adrian. Sinusundan nila mula sa malayo si Adrian na tila may hinahanap.
Panay ang pagtatago nilang dalawa habang sinusundan lang nila si Adrian. Hindi rin nagtagal at may babae na lumapit kay Adrian. Sumikip pa ang dibdib ni Maia ng bigla hinalikan sa pisnge si Adrian ng babae.
Di nalang nakapag-salita si Taygeta. Napatingin nalang siya sa Ate niya at doon nakita niya na nasaktan ito sa nakita. Namumugto na rin ang mga mata niya habang pinipigil nito ang pagtulo ng luha niya.
Sinundan muli nila ang dalawa pero ngayon, ang nangunguna na sa pag-sunod sa dalawa ay si Maia. Makikita mo sa mukha niya na bakas ang lungkot at tila pag-seselos. Nakikita niya ang dalawa na masaya. Nagtatawanan. Ang mga simpleng tapik ng babae sa braso nito, at ang mahigpit din na hawak nito sa braso niya. Habang si Adrian naman ay aakbayan itong babae.
Hindi alam ni Maia kung normal ba ito sa magkakaibigan sa mundo ng mga tao. Pero isa lang ang alam niya at nakakasigurado siya. Na hindi ganoon ka lapit sa kanya itong si Adrian. At dahil doon ay nasasaktan si Maia.
Habang sinusundan nilang dalawa. May kakaibang naramdaman itong si Taygeta. Siya lang ang nakaramdam noon. Nagpalingon-lingon siya sa paligid na tila hinahanap ang bagay na nagbigay sa kanya ng kakaibaang feeling. Makalipas ang ilang minuto ng palingon-lingon ay tumakbo nalang muli itong si Taygeta para sundan ang kapatid niya dahil nakalayo na sila.
Nagtatago na si Maia sa likod ng isang poste habang tinitingnan ang dalawa na nakaupo sa may fountain. Doon, kitang-kita niya ang pagiging masaya ng dalawa. Napahinga nalang ng malalim si Maia habang pinagmamasdan lang ang dalawa. Pilit din niyang inaaninaw ang mukha ng babae, pero hindi siya makakuha ng magandang anggulo.
Nasa likod lang naman ang kapatid niya ng maramdaman nanaman niya ang kakaibang presenya. Pamilyar na ito sa kanya, di katulad kanina. Napatingin siya sa sandali sa kapatid niya at napagdesisyunan na hanapin ang pinanggagalingan ng mistulang presensya.
Naglakad-lakad siya at nararamdaman niyang lumalakas pa lalo ang mistulang presensya. Napatigil siya dahil alam na niya kung ano ito. Nagpalingon-lingon muli muli siya at tumigil ang mga mata niya sa isang babae na maiksi ang buhok.
Sumama ang tingin niya at agad niyang nilapitan ng babae. Ng makalapit na siya, ay agad niyang hinawakan ito sa balikat at pilit na hinarap sa kanya. Doon, nagulat nalang siya sa nakita niya.
~~~~~~~~~~
Di na kaya ni Maia ang nakikita niya. Gusto na niyang umuwe. At gusto niya na kasama niya si Adrian. Pinag-iisipan niya kung lalapitan niya si Adrian oh hinde. Mistulang tumigil ang oras ng makita niyang hinawakan na si Adrian sa pisngi ng babae, at unti-unting lumalapit ang mukha nito sa mukha ni Adrian.
Hahalikan niya ito.
Yun lang ang pumasok sa isip ni Maia. Di na niya napigilan ang sarili niya at agad siyang tumakbo para pigilan ang mangyayari. Binilisan niya lalo hanggang sa mapasigaw nalang siya, "Huwag!" sigaw nitong malakas ni Maia na siya namang kinagulat ni Adrian at ng babae.
Nakaiwas naman ang dalawa at naghiwalay sa pagkakaupo nila, habang si Maia at dire-diretyo sa fountain.
Dali-daling inalalayan ni Adrian si Maia para makatayo at doon nakita niya ang mukha ng babae, "Asterope?"
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Подростковая литератураImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...