Lumipas pa ang mga araw na puno ng saya para sa dalawa. Namasyal sila sa isla habang tinitikman ang iba't-ibang putahe na ma-iooffer ng isla. Sinulit din nila ang iba't-ibang beach doon, hindi lang sa may resort.
Nakapag-jet ski narin sila na kung saan ay tumilapon pa si Adrian sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Maia.
Sulit na sulit ang mga huling araw nila doon. Kahit na naging chaperone pa nila si Calaeno, na sa pagtataka ni Adrian, ay hindi na sinubukan pang pauwiin si Maia. Hanggang sa dumating na nga ang oras ng pag-aalis nila.
Nadoon lang sila sa airport habang hinihintay ang boarding signal para pabalik ng Manila. Nakayakap lang si Maia sa may braso ni Adrian na napansin niya namang, mahigipit.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Adrian.
Napatingin naman sa kanya si Maia at ngumiti, "Oo ayos lang ako. Hehehe."
"Ang higpit kasi ng yakap mo sa braso ko, di ko na maramdaman braso ko. Hehehe." pagbibiro ni Adrian. Napabitaw naman si Maia at natawa narin lang.
"Ikaw talaga," sambit nito tapos marahan na sinuntok si Adrian sa braso. Yumakap nalang muli ito at inilagay ang ulo sa balikat ni Adrian.
Ngumiti nalang naman si Adrian at hinalikan si Maia sa bunbunan nito at ni-rest ang kanyang cheeks sa ulo nito, habang nagbabasa ng libro nito.
Nakatingin lang naman si Calaeno sa cellphone niya ng tiningnan nito si Maia. Napansin niyang may kakaibang kinikilos ito, ngunit ayaw niyang sabihin. Tumingin din naman siya kay Adrian at alam niyang wala itong napapansin sa Girlfriend niya.
Napabuntong hininga nalang siya at tumingin ulit sa phone niya. Maya-maya pa ay tumayo bigla si Calaeno.
"Uuna na ako sa inyo." sambit nito.
"Ha? Hindi ka na ba sasabay sa amin pabalik ng Manila?" tanong ni Adrian.
"Hindi na. Di ko na nanaman kailangang sumakay ng eroplano para lang makauwi." sagot nito.
"Sabagay." ang nasabi nalang ni Adrian.
Tumingin naman si Calaeno sa kapatid niya at kita niya ang mukhang pinipinta nito.
"Uuna na ako, Ate." sabi nalang niya.
Ngumiti nalang si Maia sa kanya, "Ingat ka." sabi nito tapos niyakap nito si Calaeno.
"Oh? Hindi mo na pipiliting sumama si Maia sayo?" sabi ni Adrian.
"Hindi na." sagot ni Calaeno at tumingin saglit kay Maia.
"Buti naman at pababayaan niyo na kami. Aalagaan ko si Maia. Mamahalin ko siya." sambit nito habang hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Maia, "Pangako ko sa inyong magkakapatid ito. Sabihin mo narin sa Ate niyo yan." dagdag niya.
Napatingin naman si Maia kay Adrian habang natulala sa sinabi nito. Tila papa-iyak na siya pero halatang nagpipigil lamang ito.
"Mag-ingat ka ah. Kumusta mo ako sa mga kapatid niyo." sabi ni Adrian ng may ngiti. Pero hindi lang ito pinansin ni Calaeno at umalis na ito.
Habang naglalakad ito papalayo sa kanila ay tumingin si Adrian kay Maia na medyo na gulat sa biglang pag lingon nito sa kanya.
"Parang hindi ako gusto nitong si Calaeno ah? Tingin mo?" sambit ni Adrian.
"Ha? Ano kaba, ganyan lang yan. Hayaan mo na siya." sagot nalang pabalik ni Maia.
"Paano ba yan? Tayo nalang ulit ang nasa Manila?" sabi ni Adrian.
"Oo nga eh. Kaso may pasok ka naman." ang nasagot ni Maia.
"Uuwi ako ng maagap para masulit pa natin ang isa't-isa." sabi naman ni Adrian.
"Ano-ano naman ang mga gagawin natin?" tanong ni Maia.
Sandaling nag-isip si Adrian habang sinara niya ang libro at niyakap si Maia. "Hmmm, lalabas tayo. Mag-dadate. Yung totoong date. Tapos manunuod tayo ulit ng sine. Uhmm pagluluto kita ng pagkain."
"Marunong kang magluto?" tanong bigla ni Maia.
"Hehehe, oo naman. Marunong na marunong." sagot na may malaking ngiti sa mukha ni Adrian.
"Eh bakit hinayaan mo akong magluto?" pagtataka ni Maia.
"Eh kasi mukhang enjoy na enjoy ka na ginagawa yun eh. Gusto kitang hayaan na gawin ang mga bagay na alam kong makakapag-pasaya sayo. Tandaan mo yan, ha?" sambit ni Adrian.
"Talaga?" tanong naman ni Maia.
"Oo."
"Promise?" pagdududa niya ng kunwari habang pahigpit ng pahigpit ang kapit niya sa braso ni Adrian.
"Oo naman. Hahayaan kita. Promise." sagot ni Adrian sabay halik sa bunbunan ni Maia.
Mukhang nasatisfy na doon si Maia sa sagot ni Adrian kaya napangiti na lamang to. Napatingin siya sa boyfriend niya at hinawakan sa tigkabilang pisngi nito.
"I love you." sambit niya sabay halik sa labi nito.
Napangiti din naman pabalik si Adrian, "I love you too." tapos hinalikan niya ito pabalik.
Calling all passengers for flight 6057 bound for Manila, Philippines is now ready to board. Once again calling all passengers for flight 6057 bound for Manila, Philippines is now ready to board. Thank you.
Narinig nilang dalawa na inannounce.
"Tara na. Tayo na yun. Ako na bahala sa mga bag." sambit ni Adrian at sinimulan niyang dalhin ang mga bag at umuna. Habang si Maia ay tahimik na sumunod sa kanya, nakatungo at tila mahigpit ang hawak sa kanyang mga kamay, at nagpipigil na lumuha.
End of Chapter V
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Ficção AdolescenteImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...