Ch. VI, Prt. VI: Tsurayuki

437 9 0
                                    

Di na nakapagsalita pa noon si Adrian habang lulan ng kotseng itim. Nakatingin lang sa kanya noon si Alice habang umiinom ng wine. Tila naghihintay ng kanyang isasagot. 

Sa mga oras na iyon ay maraming mga bagay ang dumadaan sa isip niya dahil narin sa sinabi ni 
Alice.

di niya alam kung ano mangyayari sa mga magulang niya. Sa mama niya or sa papa niya. Napalunok nalang siya noon habang mabilis naman ang tibok ng puso niya dahil sa kaba. Napatingin siyang muli kay Alice at doon niya nakikita ang mga ngiti may tinatago. Sa likod ng mga ngiti nito at ng pula niyang mata, ay isang bagay na tila hindi niya naramdaman sa kabila ng mga pag-papaalala at pagbababala sa kanya ng mga kapatid nilang dalawa.

Nung mga panahon na iyon ay hindi niya naisip na kayang gawin nito ni Alice. Siya ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang kanyang scholarship. At sigurado siyang siya rin ang may dahilan kung bakit tila nanganganib pa ang kanyang OJT sa planetarium. 

Lumalalim ang paghinga ni Adrian habang tila naguguluhan sa dapat niyang gawin. 

Papakawalan naba niya si Maia? Hahayaan niya bang masira ang buhay niya at ng mga magulang niya dahil lang dito? Kaya ba talagang gawin ni Alice ang tila pinaparating niyang mangyayari?

"Tama na ang pag-iisip, Adrian." sambit bigla ni Alice. "Nakikita mo naman ang kalangitan niyo ngayong hapon." tapos napatingin nalang siya sa labas, papasapit na ang dilim, pero dahil nga sa pagdating ni Maia dito sa mundo nila, ay naging pink na ang gabi.

"Tingin mo ba yan lang ang epekto ni Maia? Marami pa sila Adrian. Hindi lang ikaw ang naapektuhan dito, maging ang buong mundo." Sabi ni Alice sa kanya. 

Napaisip nalang siya noong mga oras na iyon, tila hindi parin makapagsalita, tapos maya-maya ay napatingin siya kay Alice. "Bakit mo sila pinagbawalan dito, Alice?"

Napakunot nalang naman ng noo si Alice, "Diba sinabi ko na?"

"Alam ko ang sinabi mo. Pero hindi mo sila pagbabawalan ng ganito kung wala kang malalim na rason," at doon napatigil si Alice sa pagkakaupo niya. Tila hindi niya inaasahan ang mga sinabi ni Adrian.

Napahinga nalang siya ng malalim noon at uminom muli ng wine, "Tama ka. Mukhang matalino ka nga katulad ng sabi nina Merope ng iba pa." tapos napatingin siya kay Adrian, "At hinding hindi basta-basta nagsasabi si Merope ng mga ganoong bagay sa isang hamak na mortal, katulad mo."

Medyo natigilan si Adrian sa biglang sinabi sa kanya ni Alice. Pero pagkatapos noon ay hindi na niya alam ang sasabihin niya.

"Ako yung naunang bumaba dito sa mundo, 76 years mula nung bumaba ako dito. Of course dahil hindi ko pa masyadong kilala ang mga nilalang dito. Nag-observe ako. Long story short, na inlove ako sa isang mortal katulad ng kapatid ko," tapos uminom muli si Alice ng wine niya. 

Tahimik nalang naman nakikinig noon si Adrian at napa-inom narin siya.

"It was the year of 1941 at doon nabanggit na niya sakin na gusto niya akong makasama habang buhay. Pero of course nga, hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoo kong pagkatao. Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niya," napatingin siya kay Adrian, "Natatakot ako na baka isipan niya isa akong freak of nature. Natatakot akong ipagpalit niya ako sa ibang babae na mortal. Kasi sino ba naman ang matutuwa na tumatanda na ang isang taong mahal mo, pero ikaw hindi parin."

At doon unti-unti na niyang narerealize ang dahilan ni Alice. "Pero dahil mahal ko nga ang mortal, sinabi ko ang lahat ng ito. Pero ginawa niya ang ginawa mo. Tinanggap niya ako at sabi niya ako yung napili niyang pakasalan. Natuwa ako noon. Tahimik kaming ikinasal dahil hindi tanggap ng mga taga roon ang mga taga-labas. Foregin kumabaga. Sa isang tagong lugar lang kami sa gubat nakatira. Until nangyari ang gyera at kinailangan niyang umalis para lumaban." 

Nagulat doon si Adrian. 76 years? napaisip siya noon at doon nagulat siya, "1941." 

Napangisi at natawa nalang si Alice, "Tama. World War 2. Kasama ang asawa ko sa mga ipanadala noon sa Asya. Ang pangalan niya ay Shirahata Tsurayuki. Ang asawa kong Imperial Soldier. At ako? Si Alice Tsurayuki."

Napanganga nalang si Adrian sa mga narinig niya. Hindi niya akalain na isang hapon ang naging asawa ni Alice. "Naghintay akong bumalik siya. Naroroon lang ako sa gubat. Naghihintay sa pagbabalik ni Shira," napangiti nalang si Alice sa tila naaalala niya. Sandali siyang napakagat sa kanyang maliit na daliri na may ngiti, hanggang sa unti unti itong napawi.

"Sa gubat kami malapit sa Hiroshima noon nakatira. AT matyaga paprin akong naghihintay sa kanyang pagbabalik. Wala pa rin akong balita tungkol sa kanya. Hanggang sa narinig ko na ang mga eroplano ng mga amerikano at nagbagsak sila ng isang malaking bomba." Natawa nalang ulit noon si Alice pero naiiyak narin siya habang iniinom parin niya ang kanyang wine. 

"I'm sorry," ang tanging nasabi nalang ni Adrian noon. At doon, nawala ang pagtawa ni Alice at tuluyan na siyang umiyak. 

"Hindi na siya nakabalik. Naka-quarantine ang buong Hiroshima noon at ang gubat sa paligid. Sabi ko nalang, aalis ako at hahanapin ko ang aking asawa pero natatakot ako na baka bumalik siya para sa kanya. Kaya naghintay ako, at naghintay ng naghintay hanggang sa hindi na siya dumating, after 10 years."

Hindi na alam ni Adrian kung ano pa ang sasabihin sa puntong iyon. Naaawa siya kay Alice noong mga oras na iyon. Maya-maya ay tumgil na sa harap ng subdivision nila ang sasakyan.

"Ngayon alam mo na? Ayokong maranasan ng mga kapatid ko ang naranasan ko. Ang hindi balikan ng asawa nila. Kaya kayo habang mag-nobyo at nobya palang, mabuti pang tapusin niyo na to. Dahil sooner or later, mawawala karin, katulad ni Shirahata." ang sabi ni Alice sa kanya habang pinupunasan niya ang mga luha niya.

Bumukas ang pinto, at tila naghihintay nalang sila na bumaba si Adrian, "Iba noon, iba ngayon. At iba ako kesa sa asawa mo." nagulat si Alice sa sinabi ni Adrian, "Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Shirahata, pero ang maipapangako ko sayo, ay hinding hindi ko gagawin ang ginawa niya," tapos lumabas na si Adrian ng kotse dala ang mga pinamili niya.

"Don't say I didn't warn you," sambit ni Alice mula sa kotse at doon sumara na ang pinto at agad na umalis ang sasakyan.

Tiningnan lang niya ang sasakyan habang papalayo na ito sa kanya. Napahinga nalang rin siya ng malalim at doon tumuloy na siya sa bahay nila, kung saan naghihintay sa kanya si Alice.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon