Ch. V, Prt VII: Alice

539 13 1
                                    

Tahamik lang na nakatayo si Calaeno sa madilim na kwarto niya. Di niya alam ang gagawin niya. Nanginginig siya sa takot. Pinagpapawisan habang hinihintay niya na may mangyari. Nasa tabi lang niya ang dalawang tao na kasama ng Ate niya. Napalunok lang si Calaeno.

Hinihintay niya lang ang Ate niya na mag-salita. Umiinom lamang siya ng wine sa habang nakaupo at nakaharap sa may balcony.

"Good choice of wine, my dear sister." sambit nito.

"Salamat, Ate." Sagot ni Calaeno. Tinuloy nalang ng ate niya ang pag-inom ng wine. "Ate Alcyone, Kumusta ka?" nangangatog niyang pagtatanong.

"Ayos naman." tapos uminom siya uli ng wine. "At tsaka tawagin mo akong Alice dito sa mundong to. Tutal, matagal narin naman ako dito." dagdag niya.

"Alam namin, Ate." sagot ni Calaeno ng biglang bumukas ang ilaw at kasabay nito ang pagtayo ni Alice sa pagkakaupo niya.

"so bakit nandito parin si Maia?" tanong nito.

"Eh kasi, gusto na niya yung tao, Ate eh." sagot ni Calaeno.

"Alam niyo naman yung bilin ko diba?" tanong ni Alice.

"Opo."

"So bakit ba nangyari to in the first place?" tanong niya ulit.

Napalunok nalang si Calaeno sa tanong ng Ate niya. "Eh kasi akala ko naman di siya magtatagal."

"Pero heto na nga tayo." banat ni Alice. Napahinga nalang si Alice ng malalim.

"So uulitin ko. bakit sa tinagal-tagal ng binigay kong oras sa inyong lahat, hindi niyo parin napauwi si Maia?" sabi ni Alice habang nakatingin ng masama kay Calaeno.

Nakapinta ang takot sa mukha ni Calaeno habang malapit ang mukha ng ate niya sa kanya. Di nalang siya nakaimik sa Ate niya. Kitang kita ni Calaeno ang stress sa mukha ni Alice. Napakatagal na na panahon nung huling niyang makita na ganito siya ka stress.

"Bibigyan pa kita ng pagkakataon na pauwin siya. Pero kung umalis sila dito sa lugar na to ng magkasama. So help me di ko alam ang magagawa ko sa lalaking yon." sambit ni Alice at lalabas na sana siya ng kwarto.

"Anong gagawin mo sa kanya?" tanong nito ng bigla ni Calaeno.

Tumingin lang si Alice sa kapatid niya, "I will make him suffer." sagot niya.

"He's a good man. Ang dami na niyang chance para i-prove akong mali. He's a really good man." pagtatanggol ni Calaeno kay Adrian. Di niya rin alam kung bakit niya ginawa yon. Pero ramdam niya na iba si Adrian.

"Tanggalin mo na yung ginawa mo kay Maia. Wag mo na uling gagawin yon sa kanya. Alam mo na nga mahina siya sa mga ganon." pag-uutos ni Alice pagkatapos ay umalis na siya ng kwarto, kasama ang dalawang lalaki.

Napahagulgol si Calaeno at napaupo sa kama niya habang nanginginig ang kanyang mga kamay sa takot. Pinapakalma nalang niya ang sarili niya. Di niya lubos akalain na naroroon na ang Ate niya.

~~~~~~~~~~

Akay-akay ni Adrian si Maia na nalasing papunta sa kanilang kwarto. Half-asleep narin siya at kung ano-ano pinagsasabi nito. Kumpasok nila sa kwarto nila at agad na inihiga sa kama si Maia. Huminga muna si Adrian ng malalim at tinanggal ang sapatos niya. Tiningnan niya si Maia at nakita niyang nagbago na ang pwesto nito. Natawa nalang siya, kala mo nasa bahay pa, naghahanap pa ng pizza habang tulog.

Tiningnan niyang mabuti si Maia at sinimulan na niyang tanggalin ang suot niyang sandalyas, ganun narin ang damit niya. Of course, dahil nga alam ni Adrian na wala sa sarili ang Girlfriend niya, eh hindi siya tumingin habang inaayusan si Maia. Inihiga niya siya ng maayos pagkatapos ay kinumutan. Umupo lang ito sa tabi ni Maia habang tinitingnan.

Medyo mapula ang kanyang mga pisngi dahil sa kalasingan. Napangiti nalang si Adrian habang hinahaplos niya ang pisngi ng Girlfriend niya ng bigla itong humiga ng pa-side pagkatapos ay hinanap ang kamay ni Adrian. Hinawakan niya ang kaliwang kamay nito. ito at pagkatapos ay inilagay sa pisngi niya at tila ginawang unan habang yakap yakap ito.

"Well pano nako makakapag-palit ng pantulog nito, Maia?" nasabi nalang niya habang natawa nalang siya. Humiga na siya sa kabilang side ng kama ng hindi niya hinuhugot ang kanyang kamay at nag-ingat para hindi magising si Maia. Ng makahiga na ito ay bigla uling gumalaw si Maia at tila parang babangon.

Nag-mulat ang mga mata niya at tiningnan si ni Maia sa Adrian. Nagtinginan lang naman ang dalawa at hinaplos din ni Maia ang pisngi ni Adrian. Napansin ni Adrian na nawala na ang kakaibang kulay sa mata ni Maia at ngumiti muli ito sa kanya. "I love you." sambit nito, pagkatapos ay hinalikan niya si Adrian at humiga sa may dibdib nito.

Napatulala nalang si Adrian sa may ceiling. Hindi niya alam kung dahil ba yun sa ginawa ni Calaeno, oh sa kalasingan. Pero pinili nalang niyang paniwalaan na si Maia mismo ang nagsabi noon, dahil sa kagustuhan niya ito. Hinawakan ni Adrian si Maia sa may ulo, at sinimulan niyang haplos ng dahan-dahan ang kanyang buhok, at doon nagsimula siyang i-hele ito na tila parang bata.

Wish Upon a MaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon