Nakarating na ng kanilang bahay itong sina Adrian, Taygeta at Maia. Pababa na si Taygeta ng taxi ng mapansin niyang nakatulog na pala ang ate niya.
"Ate. Gising, nandito na tayo sa bahay." sambit ni Taygeta, "Ate ano ba. Gising na!" dagdag nito pero hindi talaga nagigising itong si Maia.
Tiningnan nalang ni Adrian si Maia at nakita nga nito na mahimbing na ang tulog nito. Napangiti at sinabi, "Ako na bahala sa kanya Taygeta. I-handa mo nalang yung kama doon sa taas."
"Anong gagawin mo?" tanong ni Taygeta.
Nakalabas na si Adrian ng taxi at binuksan ang pinto sa side ni Maia, "Bubuhatin ko ang ate mo. Sige na umuna kana, kasunod mo lang kami." sambit nito pagkatapos ay kinarga na ni Adrian itong si Maia.
Dumeretyo na sila sa may pinto at tinitingnan lang ni Taygeta itong si Adrian. Nakikita niya na talagang iniingatan niyang hindi-magising si Maia. Kita niya rin sa mata nito na, wala namang bahid ng ibang itensyon si Adrian.
"Kuya. Bakit mo hiniling na magkaroon ka ng Girlfriend?" tanong nito bigla habang pumasok na ito at papa-akyat na sila ng hagdan.
Natawa nalang ng kaunti doon si Adrian, "Alam mo Taygeta. Hindi ko rin alam."
"Nye, paanong hindi mo alam Kuya? Imposible naman ata?" sambit ni Taygeta.
"Ako kasi yung taong tinatawag nila na Skeptic." sagot naman ni Adrian.
"Skeptic?" pagtataka naman ni Taygeta habang inaayos nito ang kama ng kapatid niya.
"Ako yung tao na hinding-hindi basta-basta naniniwala sa isang bagay kung walang physical or recorded proof." dagdag nitong si Adrian.
"Parang gets ko na kuya." sagot naman nitong si Taygeta at natapos na siya sa pag-aayos ng kama, "Ayan kuya. I-higa mo na si Ate. Ako nalang bahala sa kanya pagkatapos." dagdag niya.
Pinanood lang niya itong si Adrian habang dahan-dahan nitong inilagay ang ate niya sa kama. Kinumutan narin nito si Maia ng biglang niyakap ni Maia ang braso ni Adrian. Medyo nagulat naman doon si Adrian at nakita niyang medyo nakangiti si Maia habang tulog. Kumuha siya ng isa pang unan at dahan-dahan niyang ipinalit ito sa kamay niya para bitawan ni Maia ang braso niya.
"Oh ayan ayos na. Teka buksan ko lang yung aircon." sabi ni Adrian at tumuloy na nga sa may aircon, "Taygeta matulog kana rin. Bukas ang Ate mo nalang ang bahala sayo at may pasok ako bukas."
Tahimik lang na nakinig itong si Taygeta at tumabi narin sa ate niya.
"Goodnight na Taygeta. Bukas mag-handa nalang ako ng umagahan niyo. Ate mo narin ang bahala sayo para kahit papano may alam kang gawin dito." sambit ni Adrian habang papalabas na to.
"Kung hindi ka pala naniniwala sa isang bagay na walang proof. Bakit humiling ka parin?" biglang tanong ni Taygeta.
Napatigil nalang doon si Adrian at natawa narin lang. "Sa totoo lang Taygeta, hindi ko rin alam. Naisip ko lang noon na, bakit kaya hindi ko subukan. Ng maiba naman?" sagot nito.
"Maiba?" pagtataka ni Taygeta.
"Sabihin nalang natin na kahit skeptic ako, tao parin ako. Kahit sabihin ko ang isang bagay sa oras na to, pwede parin mag-iba ang tingin ko depende sa sitwasyon." sabi nalang ni Adrian.
"So malungkot ka kuya. Iyon ba?" natigilan si Adrian sa sinabi ni Taygeta. Hindi niya alam kung tama ba ito oh mali. Dahil sa sarili niya, hindi rin talaga niya alam kung bakit naisipan niyang sabihin ang mga salitang iyon.
Tiningnan lang ni Taygeta si Adrian habang parang nakatingin nalang ito sa sahig, "Alam mo kuya. Mabait ka naman. Mabuti ka naman sigurong tao dahil hindi ka naman pagbibigyan ni Ate sa hiling mo kung hinde." sabi nito.
Nakangiti nalang si Adrian, "Paano mo naman nasabi yan?"
"Kaya kasing makita ni Ate ang totoong nilalaman ng puso ng bawat tao sa mundo niyo. At sa dinami-rami niyo ba naman sa batong-lumulutang na ito sa kalawakan. Ikaw pa talaga ang pinagbigyan niya. Dahil narin sa nakita niya sa puso mo." hindi nalang nakapagsalita si Adrian sa sagot ni Taygeta.
"Kuya, sana pagnatapos oh matatapos na ang lahat ng ito. Sa huli hindi mo saktan ang ate ko. Mahal ko siya. Nandito lang ako para protektahan siya. Sana hindi mo gawin yoon sa ate ko." pagkatapos ay humiga nalang si Taygeta at humarap sa natutulog niyang ate.
"Goodnight na Taygeta." tapos umalis na siya at sinara ang pinto.
Si Adrian naman, naka-sandal lang sa pinto. Napahinga nalang ng malalim habang nagpaulit-ulit ang sinabi ni Taygeta sa isip niya. Di niya maintindihan ang sarili niya bakit napatigil siya nung tinanong siya noon. Malungkot nga ba siya? Kahit si Adrian, hindi sigurado. Pinalaki siyang independent ng mga magulang nito. At simula nung naghiwalay ang mga magulang niya, tila mas lalo niyang nakaya ang mag-isa.
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Maia
Novela JuvenilImagine this: Nasa roof top ka ng apartment mo. Nandoon din ang iyong telescope at ine-enjoy mo ang blanket ng gabi sa kalangitan. Ngayon may nakita kang Shooting Star. Syempre, nag-wish. Dahil aminin na natin, lahat tayo ginawa na yon. Pero hindi...