NASA sala si Sofia, nakahiga sa kanyang sofa. Kakatapos niya lang mag-review sa financial statements ng negosyo niya na ipinasa ng kanyang accountant. Napabuntong-hininga siya habang hawak-hawak ng dalawang kamay ang pendant ng kwentas niya. Sa kanyang pagpikit, nakita niya ang mga alaala ng kanyang nakaraan.
It's been fifteen years since the last time she saw him. Ang pinakaunang lalaking pinagtuonan niya ng pansin sa batang edad palang. Naging classmate niya ito mula grade one hanggang grade six. Ang totoo ay crush niya ang lalaking napakatahimik at napakasuplado. Wala na ngang gustong makipagkaibigan dito dahil sa ugali nito. Syempre, maliban kay Sofia.
Nasa ika-apat na baitang na sila nang napagdesisyonan niyang kausapin na ang batang lalaki. "Hoy! Bakit ka nandito?" Nakita niya itong nakaupo sa may bench na nasa lilim ng puno. Kahit nagdadalawang-isip noong una, nagawa niya pa rin itong lapitan sa huli.
"Pakialam mo?!" pabalang nitong sagot sa kanya sabay kuha ng PSP nito at naglaro. Habang abala ito sa paglalaro, natulala naman siya ng matitigan sa malapitan ang batang lalaki. Tumatak sa isipan niya ang makinis at maputi nitong mukha, nakakaakit na seryoso kung makatingin na mata, matangos na ilong at ang kulay strawberry na labi nito.
"Ang sungit mo talaga! Gusto ko lang naman makipag-kaibigan sayo eh," sabi niya dito pagkatapos matauhan mula sa pagka-starstruck sa gwapong katabi. Hindi siya sinagot nito at seryoso nang naglaro. Kaya para mapansin siya nito, dumikit si Sofia sa batang lalaki at tiningnan ang nilalaro nito.
"Anong tawag sa larong 'yan?" she asked him while looking seriously at the screen.
"Tekken," maiksing sagot nito.
"Ang galing mo naman! Pahiram naman, oh. Turuan mo na rin ako!" masiglang sabi niya dito. Sa totoo lang, wala naman talaga siyang interest sa nilalaro nito. Mas may interest siya sa naglalaro.
Bigla itong tumigil sa paglalaro at lumingon sa gawi niya. Noong una ay nag-alala siya. Baka kasi nairita na ito sa kakulitan at pagka-feeling close niya. Pero napangiti nalang siya ng wala namang emosyon sa mukha nito. Nakatitig lang ito sa kanya.
"Gusto mo talaga?" nagdududang tanong nito sa kanya.
"Oo naman! Sige na, pretty please." Nag-pout pa siya at hinihila-hila ang damit nito. Sa isip ay pinagdarasal niya na sana ay madala ito sa charms niya.
"Hindi ako maganda," nakasimangot nitong sagot kaya napangisi siya. Mukhang malapit niya nang makuha ang loob nito. Dapat pag-igihan niya ang pagdiskarte para makuha niya ang matamis nitong 'Oo'. Napahagikhik siya sa naisip at muling hinarap ang lalaki.
"Ay, gwapo ang ibig kong sabihin! Alam mo bang ang gwapo-gwapo mo? Nakuuuu, hindi mo alam? Ngayon, ipapaalam ko sayo na ang gwapo-gwapo mooooo!" Nag-beautiful eyes pa siya pagkatapos sabihin iyon pero walang kahit na anong emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Pinagpatuloy niya ang pagpapa-cute pero hindi pa rin epektibo.
"Bolera ka." Tinalikuran siya nito at naglaro ulit. Napakamot tuloy siya ng ulo. Ang hirap namang suyoin ng kaklasi niyang ito! Pero dahil nga sa kagustohan niyang kaibiganin ang batang lalaki ay hindi agad siya sumuko.
"Hindi! Totoo naman kasi 'yon! Crush nga kita, eh." Agad siyang napatakip ng bibig. Hindi alam ni Sofia kung saan niya ibabaling ang tingin dahil sa hiya. May panahon talagang 'di niya mapigilan ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Sa dinami-dami ng pwedeng sabihin, iyon pa ang nasabi niya dito. Nakakahiya! Ano nalang kaya ang sasabihin nito sa kanya? Baka layuan na siya ng tuloyan nito! Nakita niya pa namang may kaklasi silang babae na nagbigay ng chocolate dito pero tinapon lang nito sa basurahan. Hindi pwedeng mabasted siya agad, kailangan niyang lumaban!
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...