NAKAHAWAK ang magkabilang kamay ni Ren sa kanyang ulo habang nakatukod ang kanyang mga siko sa table niya. Habang nakatayo naman sa harap niya ang lalaking sekretarya na naghihintay sa desisyong sasabihin niya. Naiinis siya sa pang-iiwan niya sa asawa niya ng mag-isa pagkatapos ng honeymoon nila dahil sa kapabayaan ng mga empleyado niya kaya nagkaproblema ang kompanya.
“We’ll have a staff meeting tomorrow at nine in the morning. And inform the board of directors that we will have important matters to discuss the next next day at two in the afternoon.”
“Noted, Sir,” magalang na sagot nito at agad ng lumabas ng office niya.
Pagod na isinandal niya ang likod na kanyang ulo sa sandalan ng kanyang swivel chair. Pinikit niya ang mga mata at bigla niyang naisip ang imahe ni Sofia. Ang nakangiting mukha nito, ang malambing na pagyakap nito sa kanya at-
Bigla siyang napaayos ng upo. Kasabay ng pagtambol ng malakas ng puso niya dahil sa kaba.
“Damn it! Hindi ko nai-lock ang pinto!”
Dali-dali siyang tumayo, kinuha ang coat niya at lumabas ng opisina dala ang susi ng kotse niya. Kailangan niyang makauwi ng mabilis bago pa makita ni Sofia ang nasa loob ng kwartong iyon. Ayaw niyang malaman ng asawa niya ang totoo. Hindi pa sa ngayon. Hindi pa siya handa. Natatakot siya sa maaaring reaksyon nito.
“Sir, saan po kayo-”
“Raffy, ikaw na muna ang bahala dito,” putol niya sa sasabihin ng nakasalubong niyang sekretarya at nagpatuloy sa pag-alis.
Sinubukan niyang tawagan si Sofia habang sakay ng elevator papuntang parking lot. Ngunit unattended ang cellphone nito. Mas bumilos ang tibok ng puso niya. Nakadagdag pa ang mahinang panginginig ng mga kamay niya. Ngayon lang niya narasan kabahan at matakot ng ganito. Dahil lang kay Sofia.
Parang hindi na dumadapo sa kalsada ang kotse niya dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. Kailangan niyang makarating sa bahay bago pa maging huli ang lahat. Para sa kanya parang bombang sumasabog ang bawat segundong dumadaan.
Pumasok sa isip niya na baka nakita na ni Sofia. Na aalis na ito para iwan siya at hindi na babalikan pa hanggang kailan.
“No… No! I can’t handle it. Hindi pwede. Hindi maaari!”
Agad niyang ipinarada ang sasakyan sa labas ng gate. Hindi na siya naghintay pa na bumukas iyon. Kusa na siyang bumaba sa kotse at patakbong pumasok sa loob ng bahay.
“My love? Sofia?! Nasaan ka?” sigaw niya. Umi-echo pa ang boses niya sa kabuoan ng bahay dahil sa lakas ng pagtawag niya dito.
Wala ito sa sala kaya pumunta siya sa kusina. Pero hindi niya ito nakita doon. Mabilis siyang pumasok sa kanilang kwarto. Tiningnan niya ang cabinet nila at nakita niyang nandoon pa rin ang mga damit nito. Medyo naibsan ang kabang nararamdaman niya.
“Sofia…” Lumabas siya sa kwarto nila. Hindi siya tuloyang makakampante hangga’t hindi niya pa ito nakikita.
“Love! Where are you?!”
Naalala niya ang kwarto na dahilan ng pag-uwi niya. Mabilis na pumunta siya doon. Medyo nakaawang ang pinto. Kaya bumalik ulit ang walang katapusang pangamba sa dibdib niya.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. At nakita niyang…
Wala namang tao. Ngunit ng makita niya ang cellphone ng asawa niya na nahulog sa sahig, katabi ang isang lumang kwaderno, gumuho ang kanyang mundo.
Alam na ni Sofia. Nakita na niya ang laman ng kwartong ‘to- ang mga nakaguhit na lawaran nito noong bata pa siya. Kung sino ang gumawa ng mga ito at ang nagmamay-ari ng diary na nabasa nito.
“Sofia! Please…” Nanlambot ang mga tuhod niya kaya napaluhod siya. Kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng mga luha niya sa mata na hindi niya na napigilan sa pagbuhos.
Itinaas niya ang ulo at dumako ang nanlalabong mga mata niya, sa isang malaking family portrait na nakasabit sa dingding.
“Sofia, I’m sorry. Please… Don’t leave me… Please, come back to me.”
Tuloyan siyang napahagulhol. Bumigat ang kanyang paghinga. At hilam ng luha ang kanyang mga mata. Larawan siya ng isang lalaking labis na nasasaktan dahil sa babaeng tunay niyang minamahal.
Nagsisisi siya. Dahil niya pa naipapakita kay Sofia ang buong nararamdaman niya para dito. Kung gaano niya ito kamahal. Hindi niya naipaalam dito ang lahat ng pinagdaanan niya para mapatunayan niyang karapat-dapat rin naman siya sa posisyon niya… na maging asawa nito.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...