MARAHANG inilapag ni Ren ang hawak na pagkain at napaayos ng upo habang hindi inaalis ang tingin kay Sofia. He saw expectations in her eyes when she stared back at him. Pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon niya kung hindi ang napakagandang mukha nito at nang dumako naman ang tingin niya sa makinis at maputing leeg nito ay natigilan siya.
"Are you looking at my cleavage?!" dali-dali tinakpan ni Sofia ang bandang dibdib nito na hindi makapaniwalang tiningnan siya. Nawala na tuloy sa isipan niya ang ipaintindi dito ang tunay niyang nararamdaman.
Ngayon ay napokus ang atensyon niya sa bentang ni Sofia. Seeing her expression made him laugh.
"Silly. I'm looking at your necklace."
Kung matapang nitong sinalubong ang tingin niya kanina, ngayon naman ay hindi na ito mapakali at pabaling-baling na ang tingin sa iba't-ibang parte ng kainan.
"Good to see you still wearing it until now," napapangiting pinagpatuloy ni Ren ang pagkain.
"I've been wearing this all this time," pairap na sabi nito. "Kahit kailan ay hindi ko ito hinubad."
"Really? Bakit ngayon ko lang napansin? Kung nakita ko lang sana noon… siguradong nakikilala kita agad," nasasayangang sambit niya. Hindi na sana humantong sa aksidente ang lahat na muntik pang ikinamatay ni Sofia.
Thinking about it gave him goosebumps and made him upset at himself. If she really died, he will surely never ever forgive and continue to punish himself at the rest of his life. Kaya ngayon nabigyan siya ng pagkakataon, dapat makabawi siya sa dalaga.
"Forget it. You're to busy ignoring me," pagdadabog ng dalaga.
Nanlambot naman siya at may pagsusuyong hinuli ang tingin ng kaharap. "Because I always thought that you're James' girlfriend. And I admit that it's my fault for not listening to you. But you can't just blame me. May date ka noong una kitang makita." Hindi niya naman napigilang magtampo dahil sa huling nasabi.
Nakita niya naman kung paano napatigil si Sofia at biglang napasubo ng pagkain. Knowing the fact how many times she went a date with James makes his head ache. Thinking how lovely he touches her in those times is driving him like crazy. Sana pala hindi niya nalang pinaalala. Parang mas hindi maganda ang epekto ng sinabi niya sa kanya kaysa dito.
"I also saw you with a woman pagkatapos mo akong e-reject. Huwag kang magmalinis," she suddenly counteract.
"And when was that?"
Kasamang babae? Baka isa sa mga babaeng clients niya. But he usually meet them in his office or in their company or in project sites. Maybe she saw him with his Mom? Wala na siyang ibang maisip na babaeng nakasama niya. So, he didn't wavered. Because he knows he didn't have any flings. She don't know how loyal he is and how he suffered a lot.
"Noong kumain kami ni James sa eat all you can, may kasama kang magandang babae 'non. Kung makaalalay ka nga parang babasaging bagay siya eh. You handled her with care," siguradong sagot nito, inaakalang na corner na siya. Pero wala na naman sa bangayan nila ang atensyon niya. Mas natutuwa siyang malaman ang pagseselos nito.
"Yeah. You had a date that day again," he glared at her, trying to dominate this woman. Gusto niyang makitang natatalo ang palaban na Sofia. Pero kahit naiinis na naman siya dahil sa date, binaliwala niya nalang. Ang importante ay siya na ang kasama nito ngayon at sa susunod pa na araw at sisiguradohin niyang... habang-buhay na.
"It's just a friendly date," parang tutang depensa naman nito. Ang sarap lang kurutin ng magkabilang pisngi nito pero pinanindigan niya ang paggalit-galitan.
"Not for James, Sofia."
Speaking of James, he will be forever thankful to the most righteous man he ever met. Kung ibang lalaki ang nasa posisyon nito, nunkang papakawalan niya pa si Sofia. Hawak na nito ang gantimpalang matagal na nitong pinaghirapang suyoin. Pero hindi ito naging selfish. Hindi ito nagdalawang-isip na magparaya kahit mahirap, kahit gaano man kasakit. Saludong-saludo siya katangiang pinakita ng lalaki.
Hindi man niya pinaalam dito kung gaano siya nagpapasalamat sa pag-aalaga at pagmamahal na ibinigay nito kay Sofia, lihim niyang pinapangako na sa abot ng kanyang makakaya, susuklian niya ang kabutihang ginawa ng binata.
"Hindi mo pa sinasabi kung sino ang babaeng kasama mo 'non," hindi sumusukong paalala ng dalaga kay Ren.
"You don't need to know," tila walang pakialam na sagot naman niya, leaving her with underlying curiosity.
The woman she was talking about was actually his younger cousin, Alicia. Pero hindi niya iyon aaminin kay Sofia. Seeing her jealous face and how she tried to change the topic about her and James is a bit fun. And he just want to make a little revenge to his lovely Sofia. He needs to tame this little kitten who's acting like a jaguar.
"Did you even realize that we look odd wearing formal attires while eating Samgyeopsal here?" pag-iiba nito ng usapan.
How witty. Akala niya magagalit ito, mag-aasume at pilit siyang paaaminin. Pero nagawan nito ng paraan para mawala ang atensyon nila sa topic na 'yon. Very cunning. Now he's liking her more than before.
"I was planning to bring you at a fine dining restaurant. Pero naisip ko na mas magiging close tayo kung dito tayo kakain. After confirming that you like this type of food, I concluded na mag-eenjoy ka at siguradong mas marami tayong mapag-uusapan."
Natahimik silang dalawa at nagkatitigan. Inaalam ang kasalukuyang nararamdaman sa pamamagitan ng mga mata. Pagkalipas ng ilang sandali ay naamoy nila ang amoy sunog na karne ng baboy kaya mabilis silang natauhan at sabay na napatawa. Ito ang unang paglabas nila at nakakamanghang magkasundo na agad sila. Pabirong nagkasumbatan man pero mas nakabuti naman sa sitwasyon nila dahil naayos ang mga misunderstandings nila sa isa't isa. Mas na-express din nila ang mga natatagong katanongan at saluobin kaya ang gaan ng kanilang pakiramdam.
"I want us to keep this atmosphere and honesty," he sincerely told her.
Ngumiti naman si Sofia bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...