HINDI pa natapos ang pag-uusap nilang magkaibigan dahil kinabukasan ay naging topic na naman nila si James. "Alam mo friend, wala namang masamang mag-try. Baka nga doon mo na ma-realize ang halaga niya kapag kayo na," wika ni Gwen sa kabilang linya. Papunta na daw sila sa airport pero sobrang traffic kaya naisipan siyang tawagan.
"Parang di ko pa kasi feel mag-boyfriend. Ayaw ko pa ng commitment. Marami pa akong trabahong aatupagin," sagot niya. Ang totoo ay hindi siya sigurado sa sariling sagot. Kung ang kababata niya kasi ang pag-uusapan, malamang pakasal na agad, wala ng ligaw-ligaw. Ganoon na katindi ang tama niya sa first love niya na hanggang ngayon ay umaasa pa rin siyang magkikita ulit sila.
"At kailan mo naman mafi-feel magkaroon ng relationship?! Kapag lagpas na sa kalendaryo ang edad mo?!"
"Hindi naman sa ganun."
"Alam ko namang maganda ka at siguradong hindi ka mauubosan ng manliligaw. Ang sa akin lang naman, ideal man na si James. Kaya e-grab mo na bago pa makuha ng iba! Mahirap ng hanapin ang mga lalaking gaya niya ngayon. Maswerte ka nga at nasungkit mo pa ang isa."
"Alam ko naman yan, eh."
"Oh alam mo naman pala! Ano ba kasing problema? Wala ka ba talagang kahit katiting na feelings kay James? Tatlong taon ka rin niyang nililigawan. It's impossible kung wala talaga."
Napabuntong-hininga siya at napaisip. "I actually like him," amin niya sa kaibigan.
"Ayan naman pala! Eh ano naman pala ang inaarte-arte mo?!"
"Pero like lang naman. It's not love," malungkot na sagot niya.
"Ay sus! Sa panahon ngayon, dapat magpaka-practical ka na lang. At least gusto mo siya ngayon tapos mapapamahal ka na rin sa kanya sa pagdating ng panahon. Isa pa, magkasundo naman kayo sa lahat ng bagay. Tapos ang usapan! Ano pang hahanapin mo, ensured na ang future mo sa kanya."
"Ang pangit kaya ng walang feelings sa simula! Hindi nalang ako magti-take risk kung mauuwi rin lang naman sa hiwalayan kung hindi ko talaga siya magagawang mahalin. Ang gusto ko ay 'yong pang-forever na, hindi 'yong for the meantime lang!"
"Ikaw lang naman 'tong gaga eh! Ang dami na ngang naghahabol diyan kay James at sa hinaba ng hair mo dahil ikaw naman ang gusto niya, di ko pa rin ma-gets kung bakit 'di mo ma-appreciate ang efforts ng tao. At napaka-obvious namang true love na 'yong feelings niya sayo! Ikaw na nga lang ang problema. Learn to love him back! 'Yan lang naman ang dapat mong gawin."
"I know that. Pero-"
"Ay ewan ko sayo, Sofia! Ikaw na ang gaga sa lahat ng gaga! Ang mais na nga ang lumapit, ayaw mo pang tukain! Sana nga ay sabihin mo na talaga ang tunay na pumipigil sayo para maintindihan ka namin."
Napahinga nalang siya ng malalim nang tinapos na nito ang tawag. Alam niyang concern lang ang mga kaibigan niya sa kanya. They just want her to be happy and have a companion. Minsan nalang kasi sila nagkakasama dahil busy rin ang mga ito sa trabaho at hindi naman pwedeng mas unahin siya ng mga ito keysa boyfriend at asawa nila. Ang problema nga kasi...
Naghihintay pa rin ang puso niya na dumating ang lalaking walang kasiguradohan na makikita niya pa ulit. Kung hindi lang sana sila nangako sa isa't isa, hindi na rin siya maghihintay ng ganito katagal.
Napapitlag siya ng may nag-message sa cellphone niya. Sinabi ni Gwen sa text message na kung ito daw ang nasa kalagayan niya, hindi nito sasayangin ang pagkakataon. Hanggang pwede pa at hindi pa huli ang lahat.
Napaisip naman siya. Pilit iniintindi ang sitwasyon. Ngunit hindi talaga nagkakasundo ang isip at puso niya. Ang sabi ng isip niya, sundin nalang ang payo ng kanyang mga kaibigan. Ang gusto naman ng puso niya, matuto daw siyang maghintay at tumupad sa pangako.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...