MABIGAT ang katawan na humiga si Sofia sa kanyang kama. Hindi pagod ang katawan niya. Mas tamang sabihin na pagod siya emotionally. Na-drained yata lahat ng emotion niya kanina.
"Akala ko talaga ibabalita mo na sa akin na kayo na. Siguradong magpa-party kami ni Gwen kapag nangyari iyon," wika ni Jenny na katabi niyang nakahiga na nasa kaliwang side ng kama. Nilingon niya ito at pilit na ngumiti. Gusto niya mang itago ang emosyon sa kaibigan, alam niya mababasa pa rin siya nito.
"Ano ba kasing nangyari kanina at mukhang hindi ka masaya? Nagkaproblema ba kayo ni James?"
"Okay lang kami. Hindi lang ako masyadong nag-enjoy kasi may ka-meeting siya."
"What?! So, hindi kayo nagkaroon ng alone time?" Dismayado ang boses nito. Tama nga siya kanina na gusto lang nitong makibalita. Pero totoo nga na nagkatampuhan sila ng asawa nito. Ang totoong rason ay hindi dahil nag-away ang mga ito kaya dito matutulog ang babae, rather, nag-away dahil hindi gusto ng asawa nitong dito sa bahay matutulog ang kaibigan niya.
"Yup. Kasama naming kumain 'yong lalaki."
"Kaya pala ang tahimik niyo pagdating niyong dalawa. Ang inaasahan ko pa naman ay magkaka-diabetes na kayo sa sobrang sweetness." Napa-chuckle lang siya bilang tugon sa sinabi ng kaibigan. Pareho silang natahimik at tunog ng aircon lang ang naririnig nila.
"Gwapo ba yong lalaki?" curious na tanong ni Jenny.
"Sobra," wala sa sariling sagot niya.
"Bata pa?"
"Hmn... Dalawang taon lang ang tanda niya sa akin," pabuntong-hiningang sabi niya habang nakatingin sa kisame ng kwarto.
"Nakilala mo?"
"Oo. Dahil classmate ko siya noon sa elementary. Pero 'di na ako kilala, eh."
Hindi na sumagot si Jenny kaya naisip niya na nakatulog na ito. Madilim na din kasi ang paligid kaya hindi na niya ito nakikita. Bumangon siya patalikod sa kaibigan at pinailaw ang lampshade sa may kanan niya. Hinubad niya ang suot na kwentas at minasdan ng ilang sandali ang pendant nito.
"Pinaasa mo ako. Sana... hindi ka nalang nangako," bulong niya pagkatapos isinuot na ulit ang kwentas. Muli na rin siyang humiga sa kama pagkatapos patayin ang ilaw.
ISANG LINGGO din ang lumipas at nakagawian na ni Sofia ang magmukmok. Maraming bumabagabag sa isipan niya. Lahat ng iyon ay tungkol kay Ren. Kahit sa trabaho, nawalan siya ng gana. Pagpasok niya sa office, hindi na siya tumatayo sa kinauupoan niya. Nagpapabili lang siya ng lunch at lalabas lang kapag uwian na.
"Ano kayang nangyari kay Ma'am Sof?"
"Oo nga. Parang lutang siya lately."
Naririnig niya ang usapan ng dalawang empleyado pero wala siyang plano na sitain ang mga ito. Totoo naman kasing lagi siyang wala sa sarili. Gusto niya na ulit makita si Ren. Pero ano naman ang gagawin niya kapag nagkita ulit sila? Kakausapin niya ba? Ano namang sasabihin niya? Sa tingin niya, hindi na talaga siya nito kilala.
"Excuse me."
"Hi, Sir! Welcome po."
"I wanna buy that royal green dress I checked last time I went here. Is it still available?"
"Ay, yes, Sir! Is that you who who-"
"Oo. Nagpunta ako dito last last week."
"Ahh. Ikaw nga po 'yon. Hehe. Nahirapan pa ako sa pag-english sa inyo. Marunong naman pala kayong magtagalog."
"My bad. So, can I see it now?" he chuckled.
"Ay, okay, Sir. Kukunin ko lang po."
May customer na naman sila pero wala pa rin siyang kibo. Noon, handang-handa pa siyang harapin ang mga papasok sa boutique niya. Lalo na kapag alam niyang mayaman at mahal na item niya ang bibilhin. Sa pagkakarinig niya, gawa nila ni Gwen ang dress na tinutukoy nito.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...