"I UNDERSTAND why are you giving my son a hard time," wika ng ina ni Ren. Tinitigan niya ako ng taimtim. Kahit kabado ay nagawa ko namang salungatin ang kanyang tingin.
"But I think you need to give my son a chance to explain his side."
"P-Po?" Ngumiti ang ina ni Ren sa kanya. Nakahinga naman siya ng maayos.
"I still remember you, iha. You used to be so close with him when you were young. Alam ko din 'yong pangako niyo sa isa't isa. He's always been talking about it."
Nalito ako sa mga sinasabi niya. Mahirap paniwalaan. But she's his mother, how could I not believe all those things?
"Alam ko din kung ano ang mga nangyari sa nagdaang buwan. Stupid of him to do that to you. But believe me or not he's been waiting for you all this time, Sofia. At hindi ako magpapagod na puntahan at sabihin sa iyo lahat ng ito kung hindi 'to totoo."
"I-I don't know what to say."
"It's okay. I know it's hard to believe after what happened but, it's just thatー HAHAHA!"
Muntik nang mahulog sa kinauupoan si Sofia nang bigla itong tumawa. Mas lalo tuloy siyang nalito sa inaakto nito. Hindi nalang siya umimik at hinintay itong magsalita ulit.
"H-He didn't recognize you, iha. B-Because he didn't thought that you would be this beautiful," nahihirapang sabi nito dahil sa kakatawa. Namumula na ang mukha nito at naluha-luha pa.
"What do you mean, Mrs. Mendez?"
"That stupid idiot. Hanggang ngayon ba naman kasi ay nasa kanya pa rin 'yong picture niyo noong bata pa kayo. Eh, maitim ka doon dahil kaliligo niyo lang noon ng dagat na tirik ang araw. Pinakulot pa 'yong buhok mo ng araw na nag-picture kayo. Ito namang anak ko, pinairal ang kabobohan. Iniisip niya siguro na ganoon pa rin ang mukha mo paglaki niyo. Kaya ayon, 'di ka nakilala."
Hindi niya alam kung magagalit ba siya o matatawa sa kanyang nalaman. Hindi niya rin lubos maisip na ganun pala ang rason nito. Kung na amnesia man ito or iba pang dahilan, matatanggap niya agad. Pero dahil sa hindi nito na-recognize ang itsura niya? Seriously?!
"How about my name? Mas makikilala niya ako sa pangalan ko."
"Isa pa 'yan iha, dahil sa kaka-Sofia niya. Nakalimutan namin ang apelyido niyo."
"May sinulat po ako sa likod ng picture."
"Iyon bang Sofia Mendez ang tinutukoy mo?"
"O-Oo nga po." Napayuko si Sofia dahil sa hiya. May pagkakamali din naman pala siya.
"Nakakatawa kayong dalawa," natatawang saad nito kaya napa-chuckle na rin ako.
"Kumusta na pala mama mo? Pumunta kami sa inyo noon bago mag-college si Ren. Pero walang tao sa inyo. Hinatid ka daw papuntang syudad dahil doon ka na pala mag-aaral. Hindi naman alam ng kabit-bahay niyo kung saan at hindi na rin kami nakakuha ng cellphone number dahil wala kang phone sa panahong iyon. Kaya minabuti nalang naming bumalik dahil may flight kami kinabukasan. Sa states kasi nag-aral si Ren. Doon na rin kami tumira hanggang sa makapagtapos siya. Nang bumalik naman kami sa Pilipinas, wala na kayo doon. Wala namang nakapagsabi kung saan kayo lumipat."
Nalinawagan si Sofia dahil sa mga sinabi ng mama ni Ren. Hindi man mula sa bibig ng lalaki, at least, alam niya na ang totoong nangyari. Hindi niya maiwasan na matuwa sa mga nalaman. Syempre, hindi naman nawawala ang feelings sa isang iglap lang. Ngunit kapag naaalala niya kung paano siya itinaboy ni Ren, hindi pa rin nawawala ang takot na baka mangyari ulit iyon.
"Humihingi rin ako ng pasensya sa nangyari sa'yo, iha. Wala namang may gusto na maaksidente ka pero ng dahil sa anak ko, nangyari iyon. Mabuti nalang iniligtas ka ng Diyos. Dahil kung tuloyan kang nawala, maaaring habang-buhay na pagsisisihan ng anak ko ang ginawa niya sayo."
Napayuko si Sofia. Naramdaman niya ang bigat ng pag-aalala ng ina Ren. Hindi niya naman alam ang tamang isagot sa lahat ng sinabi nito. Nagugulohan pa rin siya at hindi makapaniwala.
"Can I invite you for a dinner tomorrow?"
"P-Po?" Hinawakan nito ang kamay niya at mataman siyang tinitigan sa mga mata. "Hindi ako papayag na hahantong lang sa wala ang lahat ng oras ng sakripisyo niyo."
KANINA pa siya hindi mapakali habang nakaupo sa mahabang sofa ng sala ng mga Mendez. Hindi na siya nakahindi ng sunduin siya ng ginang sa kanyang pinagtatrabahoan kanina. Hindi niya naman kayang baliwalain ang sinseridad nito.
"Maya-maya ay darating na si Ren. Umuuwi siya galing sa trabaho ng alas diyes ng gabi pero ngayon ay pinaaga ko ng uwi. Hindi ko sinabi sa kanyang nandito ka, siguradong masu-surprise siya," masayang sabi nito. Dinala siya ng ginang sa hapag-kainan at nakita niya kung gaano karami ang pagkain na hinanda nito.
"Do you mind if I ask where is your husband?"
"Hindi mo na siguro maalala, pero matagal ng wala ang ama ni Ren. Eight years old pa lang siya noong nagkakomplekasyon sa kidney ang papa niya at hindi na naagapan pa."
"Sorry for reminding you po."
"No, don't be. Matagal na naming natanggap 'yon. And please call me Tita, for now."
Nahihiyang ngumiti ako sa kanya at tumango. This is so awkward yet comfortable. Nakakalito pero ganoon ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan nila ni Ren pero sumasagi sa isip niya na magandang maging mother-in-law si Cristina.
"You just also have your mother, right?"
"Yes, T-Tita. Sumama ang Papa ko sa kabit niya noong bata pa ako. Nakilala ko na noon si Ren. Mabuti nalang at lage niya akong pinapatawa sa panahong 'yon kaya agad ko ring natanggap."
"Hindi talaga perpekto ang buhay, iha. What we should do is to accept all those pains and moved on."
"You're indeed right, Tita."
"But would you mind if I ask your feelings with my son right now?"
Actually, she don't know. Naging blanko na ang isip niya at namanhid yata ang pakiramdam niya. She just go with the flow. Pero kung hindi sana siya kinausap ng ginang, maaaring ayaw na niyang makaharap pa si Ren kailanman.
"Ma?"
Dumating na si Ren.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...