CHAPTER 7

52 4 0
                                    

NANLAKI ang mga mata ni Ren nang makita si Sofia na nakahiga sa couch na nasa loob ng opisina nito. Talagang plinano niya na umalis ang secretary nito para mag-lunch bago siya naglakas loob na pumasok sa opisina ng lalaki.

"Hi, Ren."

"Ms. Reiss! W-What are you doing here?"

She was wearing a sleeveless red dress. Fitting ito sa balingkinitan niyang katawan na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. The color of her lips also matches the redness of her dress. Nagpaganda siya ng husto sa araw na ito. Base sa mga tingin ng mga lalaking empleyado at inggit sa mga mata ng mga babae, effective ang transformation niya.

Mabuti nalang talaga at nadala rin sa charms niya ang guard na agad siyang pinapasok. Marahil ay hindi rin siya nito nakilala. The way she looks now is far beyond the usual Sofia. She always act descently and wittily. But now... she was changed because of this man.

"Mabuti naman at nahuli na din kita." She smiled seductively while walking towards him.

"I'm not informed that you'll be here. M-May unfinished business ba tayo?"

Nakita niya ang pagkabalisa ng lalaki. He's stammering. Hindi rin ito makatingin ng diretso sa kanya.

Unfinished business, huh? Nakalimutan mo na nga.

"Wala naman. I just wanted to see you," she touched his face and he froze. "By the way, nice office. Ang tagal kong nakapasok dito," saad niya sabay libot ng tingin sa apat na sulok ng opisina nito at umupo ulit. Nakaramdam siya ng panginginig ng tuhod.

Hindi ito umimik. Parang tuod itong nakatayo malapit sa siradong pintuan. Magkasalubong ang mga kilay nito. Tiningnan na siya nito ng maiigi.

"What do you want from me?" he coldly asked.

"Hindi mo ba ako kilala?" balik tanong na sagot niya dito.

"You're Sofia Reiss, James' girlfriend and RFT's owner," mabilis na sagot naman nito.

"Other than that..." Humina ang boses niya. Gusto niyang umiyak pero tinatagan niya ang sarili niya.

"That's it."

Sinalubong niya ang malamig ng tingin nito na tila pilit iniintindi siya. Bakas rin sa mukha nito ang matinding disappointment pagkatapos pasadahan ng tingin ang kabuoan niya.

"What are you doing, Ms. Reiss?"

"Can I invite you for lunch?" she asked instead of answering him.

"Is this the real you? Alam ba ito ni James? I don't understand this at all!"

"How about dinner later?"

Napatiim-bagang ang kaharap niya. Marahil ay magtitimpi ng galit. She feels nothing though. Parang nawalan siya ng hiya sa katawan. Ang nasa isip lang niya ay ang makita at makausap ito. Sa isang iglap lang, sa lalaki na nakadepende ang ikot ng mundo niya.

"Why are you doing this?"

Napatitig siya kay Ren. Gusto niyang sabihin dito ang lahat. Ngunit walang lumabas na kahit isang salita sa bibig niya. Ang hirap pala. Ilang araw din siyang nag-ipon ng lakas ng loob upang magawang harapin ito ng ganito. Ang mga salita na ilang beses niyang pinagpraktisan ay nawala nalang na parang bula.

"I love you, Ren Elton Mendez."

Mas lalong nalukot ang kunot ng noo nito.

"Please, go out."

Hindi siya kumilos sa kinauupoan. Mas tinatagan ang sarili kahit gusto niya ng maging alikabok at tayangin nalang ng hangin. How could this happened to her? She didn't deserved all of this!

"Go out voluntarily or I'll call a security."

Mabagal siya tumayo. Muntik pa siya matumba dahil sa panghihina ng mga tuhod niya. Mabuti nalang at agad niyang nabalanse ang sarili. Tiningnan niya ito pero matalim na titig ang sumalubong sa kanya. Kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang sundin ang gusto nito. Naglaho na rin ang lahat ng lakas ng loob niya at hindi niya na kayang tagalan ang pakikitungo nito sa kanya.

Pagkalabas niya sa opisina nito ay nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha niya.

"Oh, ikaw 'yong-"

Mabilis niyang nilagpasan ang kapapasok na secretary at agad sumakay sa elevator. Mabuti nalang at walang ibang sakay hanggang sa nakarating siya sa parking lot. Pagkapasok niya sa kanyang kotse ay humagulhol na talaga siya ng iyak. Nilabas lahat ng sakit sa ginawang pag-reject ni Ren sa kanya, matapos niyang sabihin na mahal niya ito. She was just telling the truth. Hindi na niya napigilan ang sarili niya na sabihin ang matagal na niyang kinikimkim.

Matagal-tagal rin bago siya tumahan at nagpasya ng umalis.

KINABUKASAN ay inaya ulit si Sofia ni James na kumain sa labas at pumayag na siya. Everytime may bagong project ang company nito, inaaya siya ng binata para mag-celebrate. She is his inspiration to closed deals because everytime he will, he will have a reason to invite her out.

"Saan ba tayo ngayon?" she asked him while he's driving. Hindi kasi siya nito dinadala sa parehong kainan na napuntahan na nila. He wanted her to get excited everytime they go out.

Pero sa sitwasyon niya ngayon wala siyang excitement na naramdaman. She is still bothered with her last encounter with Ren. Labis siyang nasaktan pero hindi niya pa rin maalis sa sistema ang lalaki.

"May trending restaurant akong nakita sa facebook, eh. Eat all you can foods from different countries. Game ka ba?"

Namilog ang mga mata niyang tiningnan ang katabi dahil sa narinig. One way of releasing her stress is eating. Parang gusto niyang pasalamatan ng paulit-ulit si James dahil kahit hindi nito alam ang totoo niyang nararamdaman, naibibigay nito ang mga bagay na kinakailangan niya para hindi tuloyang bumigay.

"Oh, bakit biglang lumungkot 'yang mukha mo? Parang kani-kanina lang, nagliwanag 'yang expression mo. What's wrong?" nag-aalalang tanong nito habang palipat-lipat ang tingin sa daan at sa kanya.

"I just realized that I am so lucky to know you," buong puso niyang amin dito.

"Lage mo nalang sinasabi 'yan sa akin pero hindi mo pa rin ako sinasagot," he chuckled.

Natameme siya at napaiwas ng tingin dito. She can't stop herself from feeling guilty again. Kung hindi niya lang sana nakilala si Ren noon at hindi siya pinangakoan, siguradong matagal na siyang nahulog sa binata. If she can just control her heart, she will choose to love James. But sadly, mahal na mahal niya ang kababata.

She was tied to him mula noon hanggang ngayon.

"Seryoso mo naman diyan. Nasabi ko namang handa akong maghintay, di ba? And I won't demand any other things. Makasama ka lang, kahit minsan, ay sapat na."

Bigla yatang naging seryoso ang usapan nila. Tumagos sa puso niya ang sinabi nito. She really likes him, but just a friend.

Nalulungkot siyang isipin na dadating ang araw na susuko na ito at mawawala na sa buhay niya. Si James ang pumupuno at gumagawa sa mga bagay na hiniling niya na sana ay gawin ni Ren sa kanya. But she can't just let him become his rebound. He doesn't deserve it. Kaya ayaw niyang sagutin ito dahil may ibang laman pa ang kanyang puso.

"Ang tahimik mo na. Baka ano ng iniisip mo diyan. We're together to celebrate my another success. Let's just forget our status and have fun as friends."

Nilingon niya ang katabi at nakita niyang nakangiti ito. Mga matang umiintindi ang sumalungat sa kanyang tingin.

How could I waste this man?

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon