CHAPTER 10

21 2 0
                                    

BUMUNGAD sa paningin ni Sofia ang kulay puting paligid. Ang unang pumasok sa isip niya ay ang tanong na kung nasa langit na ba siya. Ngunit agad din naman iyong nasagot ng may dalawang mukha ng babae na humarang sa paningin niya. Nag-aalala ang mukha ni Gwen, habang galit ang nakasaad sa mukha ni Jenny.

"Mabuti't nagising ka na," mapaklang wika ng huli.

"Jenny," banta ng una. "Nagugutom ka ba, Sofia? Tatlong araw kang tulog," nag-aalalang wika nito. "Wait, I'll just call the doctor."

Lumabas kaagad ang isang kaibigan niya, habang matamang nakatitig naman ang isang nasa tabi niya. Hindi na muna siya umimik at inalala ang nangyari bago siya napunta sa sitwasyong ito. At muli ay nanumbalik ang sakit at kirot sa puso niya. Hindi niya napigilang mapaluha. Agad naman siyang nilapitan ni Jenny at marahang hinagod ang likod niya.

"Control yourself, Sofia. Baka dumugo ang mga sugat mo. You need to heal faster hanggang hindi pa alam ng Mama mo ang nangyari. And thanks us for not telling her how stupid you are."

Marahan siya napatawa at agad huminga ng malalim ng marinig ang sinabi ng kaibigan. She is stupid indeed. For trying to kill herself for a man who doesn't like her without thinking about her family and friends who truly cares and loves her. Napa-sign of cross siya ng maisip kung gaano siya ka swerte na binigyan pa siya ng pangalawang pagkakataon ng Panginoon. Ngayong nasa tamang huwisyo na siya ay na-realize niyang napakastupida niya nga talaga.

"You need to explain yourself, Sofia. Hindi namin palalagpasin ang ginawa mong pagtago ng sekreto sa amin."

Tumango siya kay Jenny kasabay ng pagpasok ng doktor at nurse kasama si Gwen. May sugat siya sa ulo, braso at paa. Mabuti nalang daw at naka-seatbelt siya at nakatapak agad sa break ang nakabangga sa kotse niya. Sa passenger seat na side din ang nabangga kaya hindi siya ang natamaan ng malakas na impact. Pero matatagalan pa siya sa hospital dahil kailangan pang maghilum ang mga sugat niya at under observation pa kung okay nga lang ba ang ulo niya.

"Kakaalis lang ni James bago ka nagising. Tatlong araw ring hindi maayos ang tulog niya dahil sa pagbabantay sa'yo. Halos mabaliw 'yon sa pag-aalala," kwento ni Gwen sa kanya. Tahimik lang siyang nakikinig.

"Pasalamat ka't medyo baliw ka pala kapag nalalasing. Kung hindi mo binigay ang phone mo sa bartender, hindi agad malalaman ni James kung nasaan ka," dagdag naman ni Jenny na ikinagulat niya.

"I gave my phone?"

"Yeah. It was a blessing in disguise," namamanghang sagot ni Gwen. "Malapit sa location mo na si James ng mangyari ang aksidente. Nakilala niya ang kotse mo kaya agad siyang nakahingi ng tulong. Pero hindi siya lumapit at sinamahan kang ihatid sa hospital dahil sa takot niyang makita ka."

"Tinawagan niya agad kami para salubongin ka sa hospital. You we're in a verge of dying, Sofia. Maraming dugo ang nawala sa'yo. We are so thankful that James was there to used all his resources just to save you."

Napayuko si Sofia pagkatapos marinig ang sinabi ni Jenny. When she keeps on waiting for Ren, James came to her life and started to care and love her. When Ren ignored her, James was there giving her all his attention. When Ren broke her to pieces, James saved her life. This is her cue. Her turning point to give her heart to the right person, to the most deserving man.

That man served her without asking anything back in return. That man loved her even knowing he will end up just a friend.

Inalala ni Sofia ang unang pagkikita nila. She remembered how embarrassed he was when he confessed that he likes her five minutes after she met him. He looked like a shy boy but he was actually a brave man. Kilig na kilig ang mga kaibigan niya noon at hindi magkamayaw sa panunudyo sa kanya. Habang sobrang naiinis naman siya dahil wala talaga siyang pakialam sa ibang lalaki. Para sa kanya ay taken na siya at naka-long distance relationship lang kay Ren kaya todo iwas talaga siya kay James. Pero all out talaga kung mag-effort sa panunuyo ang huli kaya medyo nakuha nito ang atensyon niya.

Isang taon din bago siya pumayag sumama sa paanyayang date nito dahil na rin sa panunulak ng mga kaibigan niya. Hindi rin naman siya nagsisi dahil mas nakilala niya ang binata, kung gaano ito kabuting tao. Pero hindi pa rin nito napalitan si Ren sa puso niya.

"Tell us everything after you sleep, Sofia."

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon