CHAPTER 20

29 2 3
                                    

"NAHIHIYA ako sa mga empleyado ko." Napahawak si Sofia sa nag-iinit na mukha. Umakto siyang hindi niya alam pero narinig niya ang pag-uusapan ng mga ito simula pa kaninang umaga. Lalo pa siyang nahiya ng makita niya ang gulat sa mga mukha ng mga ito kaya hindi na niya nagawang makapagpaalam at mabilis na inayang umalis ang binata.

"Cute." Tumawa lang ang binata at saglit na nilingon siya bago ibinalik ang tingin sa pagda-drive. Mas lalo namang nahiya si Sofia ng marinig niya ang sinagot nito. At hindi niya maiwasang kiligin sa isang salitang sinabi nito.

"Hmp." Nag-iinit ang mukha na ibinaling nalang niya ang atensyon sa labas ng bintana. Ganito pala ang pakiramdam kapag kasama mo na ang taong mahal mo. Na kahit wala namang special na nangyayari, simpleng magkatabi lang kayo at walang imikan pero ang gaan na sa pakiramdam. The comfort and satisfaction she feels right now is undescribable.

"Seriously?!" gulat na bulalas ni Sofia ng tumigil sila sa isang Korean Restaurant. Hindi siya sinagot ni Ren dahil mabilis itong bumaba sa kotse para pagbuksan siya ng pinto.

"I just thought that you're a fan of Samgyeopsal." Naramdaman niya ang mainit na kamay nito sa likod niya, nakaalalay sa kanya papasok sa loob ng restaurant. Hindi naman siya nakaimik agad dahil sa walang balalang pagkakalapit ng katawan nila. Naalala niya tuloy ang ginawa niyang pang-aakit niya noon sa binata. Hindi niya alam kung anong klasing spiritu ang sumapi sa kanya ng oras na 'yon at nagkalakas loob siyang gawin ang nakakahiyang bagay na iyon.

"How did you know?"

"I saw you eating it with James."

Nakakainis dahil sa isang salita at isang pangungusap lang nito ay nadadala na agad siya. Paano ba naman kasi eh sa panahong 'yon ang suplado pa nito sa kanya pero naalala nito ang simpleng bagay na 'yon. Ibig bang sabihin nito ay kahit pinapakita nito noon ang pagkadigusto sa kanya ay lihim na napapansin pa rin siya nito?

"Tinitigan mo lang ako ng masama 'non at itinuring na parang hangin," hindi mapigilang paalala niya dito. Napaiwas ng tingin at napahawak nalang sa batok ang binata habang ipinaghila siya nito ng upoan. Lihim na napangiti si Sofia sa inakto nito.

Ganyan nga. Makonsensya kang mokong ka.

"Wait for me here. Order muna ako."

"Okay."

Nakasunod ang tingin ni Sofia kay Ren na pumunta sa counter. Napaismid naman siya nang makita niya ang pagningning ng mga mata ng mga babaeng nadadaanan ng binata. Tinaasan niya ng kilay ang mga ito nang lumingon sila sa banda niya na pinanggalingan ng gwapong lalaki. Irap naman ang sinukli ng mga ito sa kanya pero hindi siya nagpatinag at nag-flip hair pa.

Matamis na nginitian niya ang nagtatakang binata na nakaupo sa tapat niya habang tinutulongan ang server ng restaurant sa paglalagay ng pagkain sa mesa. Agad rin niya itong sinabayan sa pagluluto ng karne at nang may naluto ay mabilis niyang inilagay sa lettuce, dinagdagan ng carrots at patatas bago binalot. Walang pag-aalinlangan rin niyang inabot dito ang hawak at sa kabila ng pagkabigla ay sinubo ng binata ang ibinigay niyang pagkain.

"Bringing you here is a good choice," nasisiyahang sabi ng binata pagkatapos nguyain ang pagkain. Sinuboan rin siya nito na malugod niyang tinanggap.

Just watch us bitches. This man is mine.

"Pasalamat ka sa pagkain. You already know one of the ways of how to tame me now."

"Yeah. Today is my lucky day. But why are you treating me so sweetly suddenly? I think... it's not because of the food," he teased.

"Kasasabi ko lang, thanks to the food."

"Hmn," nang-aasar na inilapit nito ang mukha sa kanya at bumulong, "I saw you glaring those girls earlier." He even winked at her kaya napairap siya sa kabila ng hiya dahil nahuli pala siya nito.

"It's just your hallucination," maang-maangan niya sabay subo ulit dito ng malaking balot ng pagkain para matahimik na ito. Napa-chuckle naman ang binata at pabirong ginulo ang buhok niya. That made Sofia's heart skipped a beat. Looking at him laughing because of her is such a heart-melting scene.

"I already know how much you love me so no need to deny it anyway."

"Tss. And I'm not even sure if you feel the same way," she frowned while he froze.

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon