TAHIMIK lang sila habang hinahatid siya ni James pauwi. Hinayaan niya lang itong pag-isipan ang lahat ng nangyari dito. What happened might be nothing to other people. But when talking about James, it's a different story. He is totally a good man with clear conscience and principles in life. Malaki ang naging epekto ng nangyari sa buhay nito. Siguradong hindi ito matatahimik kapag hindi ito nakapagdesisyon ng tama at hindi labag sa loob nito. Sana lang ay maging blessing in disguise nga ang nagawang pagkakamali nito. Para mawala na rin ang konsensyang nararamdaman niya. Up until now, she still feel guilt even if hindi niya namang intensyong masaktan si James. Kaya isa lang ang naisip niyang paraan para mawala ito ー she is obliged to help James to find a woman who will love him more than he deserves.
Malapit na sila sa tinutuloyan niya nang makita ni Sofia ang nakaparadang kotse ni Ren sa tapat ng bahay. Nanigas siya sa kinauupoan. Naalala niyang hindi pala siya nakapagpaalam dito. What worries her more is that they supposed to have dinner together today. Pero kahit simpleng mensahe para ipaalam dito na may ibang lakad siya ay nakalimutan niya pang gawin. Agad niyang kinuha ang cellphone sa dala niyang shoulder bag. Nakita niyang ang fifteen missed calls at thirty unread messages sa notifications niya. Sa minamalas nga naman ay naka-silent mode pala ang phone niya. Maaaring na click habang nasa loob ng bag niya dahil hindi siya mahilig mag-lock screen.
Nakita niyang lumabas si Ren nang pumarada ang kotse ni James sa likod ng sasakyan nito. Nagkukumahog na lumabas din siya pero walang ekspresyon ang mukha nito nang magkasalubong ang tingin nila kaya nagdalawang-isip siya kung lalapitan ba niya ito o hindi muna. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang bag.
"Elton," bati ni James dito na nakalabas na rin mula sa loob ng sasakyan. Ngunit hindi ito tuminag at nanatiling nakatitig kay Sofia. Pormal itong nakatayo sa gilid ng kotse nito habang ang mga kamay ay nasa magkabilang bulsa ng slacks nito.
"A-Ah... R-Ren. Kanina ka pa?"
Napapikit si Sofia dahil sa maling tanong niya. Mag-aalas onse na habang alas sies ng gabi siya sinusundo lage ni Ren. At sa inaakto nito ngayon, malamang ay hinintay talaga siya nito hanggang sa makauwi siya. Mahinang napakagat siya ng labi.
"Sofia, mauna na ako. Goodluck," nakangising sabi ni James sa kanya. "Elton," baling nito sa lalaking parang estatuwang nakapako ang tingin kay Sofia. Napailing nalang ang binata na agad pumasok pabalik sa kotse nito at tuloyan ng umalis.
Napahinga ng malalim si Sofia. Nagustohan niya ang ginawang pag-alis ni James kaysa tulongan siyang magpaliwanag. Una, wala naman silang ginagawang masama. Pangalawa, may sarili itong problema na dapat asikasuhin at ayaw ni Sofia na madagdagan pa ang inaalala nito. Tiningnan niya ulit si Ren at mabagal na lumapit sa kinaruruonan nito.
"S-Sorry. Na-overwhelm lang ako na makita ulit si James kaya nakalimutan kong magpaalam. Kumain lang kami at nag-usap. Please don't be mad at him." Sinubokan niyang salubongin ulit ang titig nito pero nang makita niya how cold he looked at her, she immediately bowed her head. He looks sexy but scary. Wala siya sa tamang oras para e-appreciate ang appeal ng kaharap niya.
"Why would I be mad at him? Hindi siya ang kailangan kong magpaalam sa akin. Hindi siya ang kailangan kong sumagot sa texts at tawag ko. Hindi siya ang hinintay ko ng mahigit apat na oras hanggang sa makauwi siya. At higit sa lahat, hindi siya ang nakalimut sa akin."
"R-Ren, Iー"
"Oo nga pala. Wala pa akong karapatang pagbawalan ka. Stupid me," he smirked. "Taking note, ilang taon na kayong nagkasama while we just met again not more than six months ago. Ano bang laban ko? Wala akong karapatang magreklamo."
"Hey. That's notー"
"I know this is so immature but I am totally disappointed, Sofia. I think you need to think all over again if I am that important to you just to forget me this easily."
Hindi na ulit nakaimik pa si Sofia ng bigla siyang iniwan ni Ren sa ere. Umalis ito na hindi man lang inintindi ang paliwanag niya. Imbes na gumawa ng paraan para makausap ulit ito ay padabog na pumasok siya sa bahay niya. Umakyat ang dugo niya sa ulo at nakaramdam siya ng matinding inis sa binata. Alam niyang kasalanan niya naman talaga pero ang kwestyonin nito kung totoo bang importante ba ito sa kanya ay ikinagalit niya.
"Nakalimut lang ako! Unexpectedly! Unintentionally! Dapat intindihin niya 'yon! He should not measure how important he is to me just because I forgot to inform him!" naiiyak na napaupo siya sa couch. "I really can't expect him to be understanding all the time! Yeah! He is indeed immature to act this way! Kaya bahala siya! Listen to me or not, I don't care! I really don't care!"
Nadala siya sa nararamdaman niyang inis. Wala pa nga silang matatawag na titulo sa relasyon nila ay ganito na agad ito umakto. Naalala niya tuloy kung paano siya nito pinagtabuyan noon dahil hindi rin siya nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag. He always cut her off. He didn't tried to listen what she wanted to say. Paano nalang kapag sila na talaga? Will he always get mad at her everytime she made a mistake? And end up quarreling, misunderstanding each other because he always turned his back at her everytime she tried to explain? Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking iyon! Ang hirap amuhin!
Hindi na tuloy siya makapag-isip ng tama. Nadala na siya sa matinding emosyon na bago sa kanya. Binabawi niya na ang sinabi niyang hahabulin niya ulit ito kahit ano pa ang mangyari. That's why on reflex of her raging emotion, she immediately decided to make an action. She cancelled all her appointments and took an indefinite leave.
"You want a war? Then I'll give you war!"
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...