CHAPTER 18

25 1 0
                                    

LABING-LIMANG taon na naghintay si Sofia. Sa bawat araw ng mga taong iyon, hindi ito nawala sa kanyang puso't isipan. Laging ito ang unang naiisip sa paggising niya sa umaga at huling naiisip bago matulog sa gabi. At heto na ang pinakahinihintay niya! Nasa kanyang harapan na habang hawak ang kanyang mga kamay. Noon ay nasa imahinasyon at panaginip lang niya ngunit ngayon ay totoo na! Kaya may makakasisi ba sa kanya kung ayaw niya ng sayangin ang pagkakataong ito?

"Patunayan mo na hindi ako nagkamaling hintayin ka."

Nagliwanag ang mukha ni Ren sa labis na kasiyahan. Ang mga mata nitong may namumuong luha ay tuloyan ng nagsibagsakan. Hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa tuwa. Parang hinaplos naman ang puso ni Sofia sa kanyang nakita. Sa wakas, naalala na siya nito. Naalala na nito na siya ang batang babae na pinangakoan nito fifteen years ago.

"I promise. Babawi ako."

Excited na niyakap siya ulit nito pero mabilis niya itong naitulak palayo. "Sandali lang. I'm giving you a chance, yes, pero tulad ng pangako mo noon... Liligawan mo muna ako."

"But- maraming taon na ang nasayang. Hindi ba pwedeng diretso-"

"What kind of attitude is this, Mr. Mendez? Hindi porke't alam mong mahal kita ay-" napatigil siya ng bigla nitong inilihis ang tingin mula sa pagkakatitig sa kanya. At sa pamamagitan ng liwanag ng buwan ay nakita niya rin kung paano namula ang mukha nito at pagpipigil nito ng ngiti. "K-Kailangan mong maparusahan. Dahil itinaboy mo ako noon, ikaw naman ngayon ang maghihirap sa pagkuha ng atensyon ko," seryosong dagdag ni Sofia sa kabila ng hiyang nararamdaman.

"I will gladly accept my punishment, my lady," natatawang sagot naman nito na pabirong nag-bow pa sa kanya. Si Sofia naman ngayon ang namula at hindi na makatingin sa binata.

"Correction, I'm still not your lady."

"Sa ngayon ay hindi pa nga pero sisiguradohin ko na hindi rin magtatagal ay- Basta! Noon pa man, alam ko ng akin ka. Kaya hindi mo ako mapipigil na tawagin kang 'my lady'."

"E-Ewan ko sa'yo." Hindi makatingin at padabog siyang umupo sa bench na nasa gilid nila. Nang-aasar na ngumiti naman si Ren at umupo sa tabi niya. Hindi ito dumikit, may nilagay itong distansya. Parang gusto na tuloy niyang bawiin ang pagpapakipot. Bigla naman kasi niyang na-miss ang pakiramdam ng yakap nito o kahit man lang maamoy niya ang natural na bango ng katawan ng katabi.

Oh my goodness! Nababaliw ka na, Sofia! Kailan ka natutong lumandi?!

Natahimik sila sandali habang sabay na minamasdan ang nagkikislapang mga bituin. Hanggang sa nagsimulang isalaysay ni Ren ang mga nangyari sa buhay niya. Simula noong nagkawalay sila, pagbalik nito noon bago magkolehiyo sa ibang bansa, kung gaano nito kagustong lumipas agad ang taon para makauwi na ulit sa Pilipinas at ang pagsisisi nitong hindi siya gumawa ng paraan para mahanap siya kaagad.

Nagkwento rin si Sofia ng mga pangyayari tungkol sa naging buhay niya sa high school at college. Kung paano niya rin naitaguyod ang negosyo para may maipagmalaki siya kapag nagkita na silang muli. Pero hindi niya sinali ang kwento nila ni James kahit nararamdaman niyang interesado si Ren na malaman iyon.

Sa loob naman ng bahay malapit sa pinto ng veranda ay palihim na nakikinig ang ina ng binata na masayang-masaya na naging matagumpay ang mission niya. Maya-maya ay umalis na rin ito sa pinagtataguan upang bigyan ng privacy ang dalawa.

"C-Can I ask you for a dinner date tomorrow?" Ren asked hesitantly. Umaasa ang mga mukha nito na sana ay pumayag siya.

"H-Hindi ba masyadong mabilis ang pangyayari?" kinakabahang tanong niya. Mukhang ayaw niya pero ang totoo ay nag-iisip na siya ng maaaring isuot sa date nila bukas. At excited siya na makakasama niya ulit ang binata!

"Of course not! Hindi naman sa nagmamadali ako. Gusto ko lang bumawi tayo sa mga taon na hindi tayo nagkasama. Dapat simula ngayon ay araw-araw na tayong magkita."

Muntik ng matunaw sa kinauupoan si Sofia dahil sa matatamis na salitang lumabas sa bibig ng binata. Comparing his poker-face looks and his words, parang hindi kapani-paniwala. His prim and proper aura doesn't suit his sweet-tounged character. Pero aminin, kinikilig naman siya. Na hindi rin naman bagay sa seryoso niyang itsura.

"You sounds like sanay na sanay kang mambola ng babae."

"Never. Sa'yo ko lang naman sinabi 'yon dahil iyon talaga ang gusto kong mangyari. I've been missing you all these years. I'm just telling you honestly."

Feeling ni Sofia magiging saranggola na siya at tatangayin na siya ng ihip ng hangin dahil sa gaan ng pakiramdam niya. Naramdaman din niyang parang may kumikiliti sa talampakan at batok niya. Ganito pala ang epekto ni Ren sa kanya? Pero puro salita pa lang ang naririnig niya. Paano kapag with actions na?

Malanding spiritu, umalis ka sa katawan ko!

"Huwag ka ng sumagot. I won't take no for an answer. So it's useless."

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon