KATATAPOS lang magbihis ng pantulog ni Sofia nang biglang nag-ring ang phone niya. Tiningnan niya kung sino ang caller at nakita niya ang completong pangalan ni James. Pinatay niya muna ang lamp shade at humiga sa kama niya bago sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Hi, Sofia. Magandang gabi," sabi ng lalaki sa kabilang linya.
"Good evening. Napatawag ka?"
"I-I just want to apologize," kinakabahang sabi nito.
"For what?"
"Sorry kung hindi ako nakapagpadala ng bulaklak noong isang araw."
Parang may bikig sa lalamunan niya nang marinig ang paumanhin nito. Hindi niya alam kung kino-konsensya ba siya nito o sadyang mabait lang talaga ang lalaki.
"It's okay, James. 'Di ba sinasabi ko rin naman sayo na itigil na rin iyon? Nagsasayang ka lang ng pera eh," napailing na sagot niya.
"I don't care kung gumastos man ako para sa'yo, kahit habang buhay pa. Worth it naman kung ikaw ang kapalit."
Natahimik si Sofia. Sobra na ang effort na ginawa nito para sa kanya pero wala man lang siyang naibigay bilang ganti. Hindi rin naman kasi ito tumitigil kahit anong pigil niya.
"Isang linggo na kitang hindi nakikita. How about dinner tomorrow?
Naging malapit na rin ang loob niya kay James. He's very sincere kaya nahihirapan talaga siyang tanggihan ito. Bigla ring sumagi sa isip niya ang mga napag-usapan nila ni Gwen. Subokan niya kayang bigyan ito ng chance?
"Where?"
"Susunduin nalang kita sa office mo."
"No. Makakaabala na naman ako sayo."
Narinig niya ang paghinga nito ng malalim. Alam niyang gustong-gusto nitong sinusundo siya kapag lalabas sila. Ngunit may pagkakataon talaga hinihindian niya ang binata. She knows that he doesn't deserve this kind of treatment. Kaya...
"Fetch me at my house. "
"R-Really? Oh, thank you so much. I'm so excited to see you again, Sofia." Napangiti siya nang marinig niya ang saya sa boses nito. Narinig niya pa ang kalabog sa kabilang linya na para bang nagtatalon ito sa tuwa. He's always nice and sweet but really funny sometimes.
"Oh, sige na. May trabaho pa tayo bukas."
"See you soon, Sofia."
"Bye, James." Kasabay ng pagbaba niya ng phone ay ang pagpikit ng mga mata niya. At tulad ng nakagawian niyang gawin tuwing gabi, hinawakan niya muna ang pendant ng suot na kwentas bago tuloyang nakatulog.
...
"YOU should wear this one," seryosong pinakita sa kanya ni Jenny ang isang red dress. Tube ang style nito at hanggang four inches above the knee ang haba.
"No! That's too revealing!"
"Exaggerated ka, ah. Kaya mo ngang magsuot ng two-piece kapag nagbe-beach tayo. Suotin mo yan," dagdag pa nito.
"Hindi ko to first date kaya 'wag kang OA diyan. Basta ito ang isusuot ko," nakangisi niyang sabi sabay hablot sa isang white v-neck long sleeve dress na hanggang tuhod ang haba at hapit iyon sa katawan.
"Ewan ko sa'yo! Kung nandito lang sana ang bruhang Gwen na iyon."
"Uy, nami-miss niya! The more you hate, the more you love," natatawang tudyo niya sa kaibigan.
"Heh! Magbihis ka na nga! Tatawagan ko lang ang asawa ko," wika nito at agad ng lumabas. Napangiti naman siya at agad ng nagpalit ng damit. Inilugay niya lang ang natural straight black hair niya na bra-length ang haba. Manipis lang na make-up ang inilagay niya sa mukha at tapos na siya.
"Sofia! Nandito na ang sundo mo!" sigaw ni Jenny sa labas.
"Nandiyan na!" balik sigaw ko.
I hurriedly grab my purse and went outside after putting on my two inches white shoes. Nadatnan niya sa sala si James na sobrang gwapo sa suot nito. Kaso... walang effect iyon sa kanya. Hindi niya naramdaman ang kabog ng dibdib, butterflies in the stomach, etc."Let's go?" She smiled at him sabay hawak sa braso ng lalaki. Jenny secretly wink at her before they went out. Nagkatampohan daw sila ng asawa nito kaya magsle-sleep over muna ito sa bahay niya. Hindi niya alam kung totoo or gusto lang nitong makipag-kwentohan sa date nila ni James pag-uwi niya mamaya.
"Saan ba tayo kakain?" Nasa kahabaan na sila ng daan nang maisipan niyang magtanong.
"A-Actually... Ahm, ganito kasi 'yon, Sofia. Papunta na ako sa'yo ng tumawag ang isang investor ko. Nag-set siya ng appointment tonight." Nahihiyang napakamot sa ulo si James at panakanakang sumulyap sa gawi niya. Napanganga naman si Sofia sa narinig.
"Kung ganoon naman pala, eh, bakit mo pa ako sinundo? You could just text or call me na may emergency meeting ka." Hindi niya naitago ang inis sa boses ng magsalita siya.
"S-Sorry. Ayaw ko lang masayang 'tong opportunity na 'to na makasama ka. Sabi niya naman na sandali lang kami kaya pumayag na rin ako." Bakas sa mukha nito ang pag-alala kaya napahinga siya ng malalim.
"Alam mo James, naiitindihan naman kita. Ang hindi ko lang ma-gets ay 'yang investor mo! Kung maka-set ng appointment ora mismo! And to think, dis oras ng gabi?!"
"Okay lang naman 'yon sa akin, eh. Siya kasi 'yong tipo ng taong 'di mo dapat hindian at baliwalain. He had the biggest investment in my company."
"Aish! Sige na nga. Pero okay lang kaya kung kasama ako? Baka naman private 'yang pag-uusapan niyo?"
"Okay lang naman kung makikinig ka sa amin. Ikaw nga yung inaalala ko, baka ma-bore ka lang."
"Nakalimutan mo yatang businesswoman rin 'tong kasama mo, Mr. Adams."
"Hahaha! Oo nga pala. My apologies, Ms. Reiss."
Napangiti nalang siya at binalik ulit ang tingin sa daan. Pero mayamaya rin ay naisip niya ulit ang ka-meeting ni James ngayon. Naiinis talaga siya sa kung sino man 'yon. Malaking isda nga ito pero hindi man lang alam ang salitang 'Professionalism'. Akala mo kung sino. Eh, ano ngayon kung napakayaman nito at malaki ang investment? Napaka-arogante naman. Hindi man lang iniisip ang side ng ibang tao.
Grrr. Nakakainis!
"Oh, nandito na pala tayo." Agad na bumaba si James at pumunta sa gawi niya para pagbuksan siya ng pinto. "Bilisan na natin, nasa loob na daw siya."
"Oo na!" Agad naman siyang umabrisete sa braso nito.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomantikNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...