CHAPTER 55

43 4 0
                                    

LUMIPAS ang limang buwan na mas lalong sumaya ang pagsasama nila ni Ren. Good news, Sofia is also five months pregnant. Mabuti nalang talaga at hindi siya nagpadala sa bugso ng kanyang damdamin kung hindi ay siguradong pagsisisihan niya ang ginawang pag-alis at... babalik pa rin sa piling ni Ren sa huli.

"Mahal, pupunta daw dito sa bahay si Alicia," sabi ni Ren sabay halik sa noo niya.

Nasa may garden siya at kasalukuyang tinatapos ang painting na gawa ng kaibigan niya. Hindi niya inaasahan pero bigla niya nalang nalaman na marunong pala siyang magpinta. Kung buhay lang ngayon si Rel, siguradong magkakasundo talaga sila ng brother-in-law niya.

Nilagyan niya ng mukha ang painting nila ni Ren na nakadamit pangkasal sila. Hindi nila iyon inilagay sa museum ni Rel, na dinadagsa ng mga collectors na gustong bumili ng painting kahit ilang million pa. Pinag-iisipan pa nilang mag-asawa kung dapat bang mapunta sa iba't ibang lugar ng mundo ang mga likha ni Rel o pananatilihin nalang nila sa museum kung saan pwedeng bisitahin at makita ninuman.

"Isasama niya ba si Baby Almund?" tukoy niya sa anak ni Alicia.

"Of course. 'Di niya kayang mawalay sa piling niya ang anak niya. Kahit saan siya magpunta, sinasama niya si Baby Almund."

"Dito ba sila matutulog sa atin?"

"Oo. Sinabi ko na kasi sa kanya ang napag-usapan natin na ilipat sila sa bahay na pinagawa ko para sana sa atin, kung pumuyag lang si Mama na umalis tayo dito."

Lumapit si Ren sa likod ni Sofia. Pinatong nito ang ulo sa balikat niya pero hindi naman pinabigat habang humihimas ang mga kamay nito sa umbok ng kanyang tiyan.

"Speaking of Mama Cristina, saang bansa na naman ba sila nagpunta ni Mama Salie?"

"Paris, France. Gusto daw nilang magpapicture na background ang Eiffel Tower. Naunahan na nila tayo sa pagpunta doon," reklamo nito.

"Sus! Nagselos ka pa sa dalawang 'yon."

"Hindi 'no. Alam kong makakapunta rin naman tayo doon paglaki ni Baby," ngiti nito sabay himas ulit sa tiyan niya. "Kapag nag-honeymoon kami ulit ng Mommy mo, be good sa mga lola mong magbabantay sa'yo, ah?" kausap nito sa nasa sinapupunan niya. "Pangako. Pag-uwi namin, may kapatid ka na."

Mahina niyang sinampal ang pisngi ni Ren. Pero sabay napatawa dahil sa kalokohan nito. Kausapin ba naman ang anak nilang hindi pa lumalabas tungkol sa magiging kapatid nito na hindi pa nila nagagawa? Tsk! Lihim naman siyang na-excite.

...

"Wow! Ang cute at gwapo naman ni Baby Almund, Alicia!" bulalas ni Sofia sabay kalong sa batang dala ng pinsan ni Ren, na mas lalong gumanda pagkatapos manganak. "Siguradong habulin ng chix 'tong mga anak natin paglaki nila."

"Pero sana kasing loyal ni Kuya Ren," natatawang sagot naman nito.

"Ay naku, given na 'yon. Loyal din kaya ang amaー"

"Kumain na ba kayo, Ate? Gusto ko kayong ipagluto," pigil nito sa akma niyang sasabihin.

"Aling Daisy, pakihanda po ng dala nating ingredients sa kusina," baling nito sa kasama nitong yaya na ini-hire ni Ren para makasama ng pinsan noong buntis pa ito. Ngayon naman ay tumutulong na si Aling Daisy sa pag-aalaga sa anak ni Alicia.

Nakataas-kilay namang tiningnan ni Ren si Sofia. Nagtatanong ang mga mata nito. Tumabi ito sa pagkakaupo niya sa couch nang umalis ang pinsan nito papuntang kusina.

"May alam ka?" matigas nitong tanong.

"Oo. Pero wala ako sa posisyong magsabi sa'yo," paghehele niya sa batang titig na titig sa kanya

"Hindi ko alam kung ilang pagkakataon pa ang hihintayin ko para umamin sa akin si Alicia. Tikom ang bibig niya tungkol sa nangyari sa kanya."

"Justー give her more time."

"How much time? Paano kapag nalaman na ng parents niya? Paano ko siya matutulongang magpaliwanagー" nag-aalalang maktol nito na natigil dahil sa pag-ring ng cellphone ni Sofia na nasa ibabaw ng center table ng salang kinaruruonan nila.

"Sagutin mo," utos niya dito dahil may hawak siyang bata.

Kunot-noong sinunod naman siya nito. "Si James ang tumatawag," sabi nito bago sinagot ang tawag.

"Hello? Oo. Nasa bahay kami. Okay. We'll wait for you then," then he ended the call.

Nanlaki ang mga mata ni Sofia sa narinig. Nagugulohang napatingin naman si Ren sa reaksyon niya.

"Papunta siya dito?" excited niyang tanong.

"Oo. Malapit na daw siya. Bakit ang saya mo?" taas-kilay nitong baling sa kanya. "Pinaglilihian mo ba siya?"

"Hindi!" react niya, abot-tenga ang ngiti. Mas lalong nangunot ang noo ni Ren.

Biglang may nag-doorbell kaya sabay silang napalingon sa may pinto.

"Si James na yata 'yan. Buksan mo na!" tulak niya sa asawang lalaki. Napagalaw tuloy ang baby na nasa mga bisig niya.

"Bilis na," bulong niya dito. Nagdududang tumayo naman si Ren. Walang ibang nagawa kung hindi ang sundin ang utos ni Sofia.

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon