"SIGE na, Sofia! Sagutin mo na kasi si James!" Pangungumbinsi sa kanya ng babaeng nakatayo sa harap niya habang nasa beywang ang magkabilang kamay nito. Ito ang kaibigan niyang si Gwen Marshall, ang kaibigan niyang napakabungangira.
"Ano ba kasi ang pumipigil sayo? He's kind, handsome and rich. He's every girl's dream guy," dagdag naman ng isa niya pang kaibigan na prenteng nakaupo sa may couch habang nakataas sa lamesa ang mga paa. Ito naman si Jenny Morgan, ang kasalungat ni Gwen. She's serious and frank. Madalas silang magbangayan pero kapag lovelife niya ang pinag-uusapan, magkakampi ang mga ito.
"Stop matching me with James!" She rolled her eyes at them, sabay check ng mga documents na kailangan niya pang basahin at permahan. She owned Reiss Fashion Trend. Mayroon ng sampung branches ang boutique niya.
"Sofia Reiss! You're already twenty-six and still NBSB! Lagi nalang trabaho ang inaatupag mo!" Sigaw na naman ni Gwen kaya tinigil na muna niya ang ginagawa at hinarap sila.
"And it's still ten in the morning but you're already here! Hindi ba kayo titigil sa pangungulit sa akin na sagutin na si James?" she seriously asked them. Ngisi naman ang sinagot ng dalawa.
Naging classmates at kaibigan niya ang dalawa simula first year college. Nagka-boyfriend si Gwen noong nag-second year sila. Hanggang ngayon ay 'going strong naman ang relationship nito kay Edward Gonzales. While bagong kasal si Jenny two months ago kay Enrico Smith, ang bestfriend nito mula pa pagkabata.
Two years siyang nagtrabaho sa isang kompanya bago niya naisipang magtayo ng sariling negosyo. Kasabay noon ang pangungulit ng mga kaibigan niya na maghanap na siya ng boyfriend. Sakto namang nakilala nila si James Adams, sa isang beach resort kung saan sila nag-celebrate sa opening ng boutique niya. Simula noon ay di na siya tinigilan ng lalaki, na agad-agad pang nangligaw dahil na love at first sight daw ito sa kanya.
"James is courting you for three years, Sofia. Imagine? Nahintay ka niya ng ganoon katagal." Napatingin siya kay Jenny. Ngayon niya lang rin na realize ang effort at tatag ng manliligaw niyang 'yon na mas tinuturing niyang kaibigan.
"Kabahan ka na. Tatanda ka ng dalaga! Baka sumuko na 'yon sa kakapakipot mo!" Gwen glared at her, na para bang may ginawa siyang krimen.
"And why?"
"Hindi ka talaga marunong magbigay ng importansya 'no? Hindi mo man lang napansin na hindi siya nakapagpadala ng bulaklak ngayon!"
Napatigil siya at napatingin sa gilid ng desk niya. Wala ngang bouquet ng bulaklak. As far as she know, pagkapasok pa lang niya ng office ay iyon na agad ang unang bubungad sa kanyang paningin. Himala nga na hindi nagpadala ng bulaklak si James ngayon.
"Mabuti at na realize niya na siguro na wala na siyang pag-asa. Sayang lang sa pera. We're better off friends." Napanganga naman ang dalawa dahil sa sinabi niya. Bumalik tuloy ang inis ng mga ito kaya tinapunan siya ni Jenny ng magazine na binabasa nito kanina. Mabuti nalang at nakaiwas siya sabay tawa.
"You're unbelievable!" Gwen hissed. Maarteng napahilot ito ng ulo at umupo sa tapat ng desk niya.
"Magsisisi ka talaga, Sofia. Tinapon mo ang isang dyamante kapalit sa wala." Napailing na sabi ni Jenny. Nagkibit-balikat lang siya at mahinang tumawa.
"Hindi ka man lang naawa kay James! Sinayang mo ang tatlong taong tiniis niya! Hintayin mo ang karma mong bruha ka!"
"Shut up, Gwen!" She growled. Madalas pa namang magkadilang-anghel ang babaeng 'to! Kung natuturoan nga lang ang puso, matagal na niyang minahal si James. Pero hindi eh, lalo na kapag may laman na ito. She really did try to go out with him, many times. Kasabay rin ng ilang beses niyang pag-reject sa binata dahil ayaw niyang paasahin ito. Ngunit hindi yata nito alam ang salitang 'surrender' at umabot pa ito ng tatlong taon.
"Hindi ka ba hahanapin ng asawa mo, Jenny?" Sofia asked her to divert their attention.
"Alam niyang nandito ako. At pupuntahan ko naman siya mamaya sa company nila. Sabay kaming kakain ng lunch," sagot nito habang nakangisi. She's trying to get her jealous. As if she care. So, she just rolled her eyes and chuckled.
"How about you, Gwen? Akala ko ba ay pupunta ka sa Paris para sa fashion show ng mga gawa mong damit?"
"Bukas pa ang flight namin," she answered while checking her red nails.
"Namin? Sinong kasama mo?" nagugulohan niyang tanong.
"Edward, my honey wants to go with me. Hindi niya kayang hindi ako makita o makasama kahit isang araw lang."
"O-Okay," mahina niyang sagot sabay kagat sa pendant ng kwentas niya. Habit niya iyon sa tuwing nakakaramdam siya ng uneasiness. Sabay na napatawa ang dalawa dahil sa reaction niya. Talagang pinapamukha nila na siya nalang ang single sa kanilang tatlo!
"Oh, aalis na kami. Kung sana'y magkabunga kayo ng paperworks mo!" sabi ni Gwen.
"Magpamisa ka na rin na sana'y hindi pa sumusuko si James sayo!" hirit naman ni Jenny.
Agad niyang kinuha ang libro sa mesa niya sabay tapon sa dalawa. Pero mabilis nakalabas ang mga kaibigan niya habang tumatawa kaya ang pinto ang natamaan ng binatong libro. Napabuntonghininga nalang siya sa kagagahan ng dalawa at sa kabobohan ng puso niya.
Why can't I love James? Ano pa ba ang gusto ko? Ano pa ba ang hinahanap ko?
She exhales deeply. Because she knows the answer of her own question.
Siya pa rin talaga.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
Roman d'amourNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...