"OH?" gulat na bungad ni James ng makita ang asawa niya na may kalong na bata. Tiningnan nito ang tiyan ni Sofia at nakita ang umbok doon. "Kaninong anak 'to?" lapit nito pagkatapos inilapag sa mesa ang dalang basket ng prutas at tiningnan ang bata.
Sumunod naman si Ren at tumabi sa kabilang gawi ni Sofia. Kung pwede niya lang sanang paalisin si James, kanina na niya ginawa. O mas tamang 'di niya nalang ito pinapasok.
Alam niyang wala na siyang dapat na ikaselos pero pambihira, ngiting-ngiti naman kasi ang asawa niya na para bang ngayon lang ulit nakita ang crush niya. Kaya mula sa walang kamalay-malay na mukha ng business partner niya ay inilipat niya nalang ang tingin sa batang ngumingiti nang makita si James. Napalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito ng may mapansin siya.
"Pareho kayo ng kilay at ilong," biglang sabi niya dito.
Sabay na napatingin ang dalawa sa kanya. Ren saw how his wife smirked while James blankly stared at him then ignored him at the end.
"Pwede ko ba siyang kargahin?" baling ni James sa asawa niya.
"Sure! Pwedeng-pwede," hindi mawalang ngiti ni Sofia.
Napaismid nalang si Ren sa kilos ng asawa niya. Itinuon niya ang atensyon sa maingat na pagkarga ni James sa bata. Sumilay ang tunay na masayang ngiti sa mga labi nito na ngayon lang nila ulit nakita.
Nagkatinginan sila ni Sofia. Ngumisi na naman ang asawa niya. Hindi niya talaga maintindihan ang inaakto nito ngayon.
"Malapit ng malutoー" Napatigil ang pinsan niyang si Alicia na kalalabas lang ng kusina. Gulat na napatingin ito sa anak nito. Mali pala. Kinakabahang nakatingin ito sa lalaking may hawak sa anak nito.
"Ah, hi!" biglang bati ni James ng makita si Alicia. "Anak mo?" tukoy nito kay baby Almund.
Nanlalambot na tumango ang pinsan niya at pasikretong tiningnan si Sofia. Nagtatanong ang mga mata nito habang dahan-dahang umupo sa tabi ni Ren.
Seryoso siyang napatikhim dahil sa napansin. Nang nilingon niya ang asawa, kindat ang natanggap niya.
"James, si Alicia nga pala, pinsan ko. Alicia, si James, kaibigan ng ate Sofia mo," pagpapakilala niya at huling tumingin sa kanyang pinsan. Halata ang pamumutla ng mukha nito na hindi rin makatingin ng diretso kay James. Ngumiti nama ang huli na hindi napansin ang pagkabalisa ng babaeng pinakilala sa kanya.
"H-Hi," kiming bati ng pinsan ni Ren.
"Hello, Alicia. Nice to meet you," usual na balik bati ni James bilang kilalang magalang na lalaki. "Ang cute ng anak mo. Nagmana sa'yo?"
"H-Hindi ako sigurado."
"Ah. I hope you don't me carrying him."
"O-Okay lang," iwas ni Alicia ng tingin sabay baling ng tingin kay Ren at Sofia. "Ready na yata ang niluto ko. Kumain na tayo."
"Tamang-tama pala ang pagpunta ko dito," sa halip ay si James ang pabirong sumagot.
Nasisiyahang tumawa si Sofia na sinundan naman ng awkward na tawa ni Ren.
"Tamang-tama nga," double meaning na tudyo ng asawa niya. "Mauna na kayo sa kusina. May pag-uusapan lang kami saglit ni Ren."
"Ateー" mabilis na pigil ni Alicia.
Nakangiting lumapit ang asawa niya sa pinsan niya at mahinang tinapik ang huli sa balikat.
"Don't worry. Ako ang bahala sa Kuya mo. It's time for him to know," she whispered to her.
Mas lalong tumindi ang pagdududa ni Ren sa kinikilos ng dalawa. Wala namang napansin si James dahil nasa bata atensyon nito.
"Let's go?" aya pa ni James kay Alicia. Kahit labis na nag-aalala ay napilitan itong sumunod sa naunang binata papunta sa kusina.
"Sa labas tayo mag-usap," hila ni Sofia kay Ren.
...
"Tama ang hinala mo," direktang sabi sa kanya ng asawa niya.
Kahit naisip na ni Ren ang ideyang iyon, hindi pa rin niya napigilan ang pagbiglang daloy ng dugi sa ulo niya.
"How did it happened?" nagugulohang pilit niyang kontrol sa sarili.
"One night stand. Lasing si James kaya hindi niya nakilala at naalala si Alicia."
"Pero bakit siya kilala ng pinsan ko?"
"She told me she already knew him years ago. Unrequited love. Kaya siya pumayag na may mangyari sa kanila kahit hindi naman siya lasing at nasa matinong pag-iisip. Natakot siya pagkatapos kaya siya umalis at hindi na nagpakita pa kay James."
"So, James didn't know her... freaking at all?"
"Yes. And careful with your words, baka marinig ng anak natin."
"This isn't right. Hindi man sinadya pero nagawa pa rin ni James, eh. I need to teach him a lesson," galit na asik niya. Mabilis namang nahawakan ni Sofia ang braso niya kaya napigil ang pag-akma niyang pag-alis.
"Wait! Huwag kang magpadala sa init ng ulo mo. Hayaan mo muna sila."
"No! He should know! Ilang buwan na naghirap ang pinsan ko ng mag-isaー"
"Love, listen! Don't rush them up. Let them know each other first. It's no one's mistakeー"
"James' in fault, Sofia! Dapat may gawin ako para sa pinsan ko." Maingat na winaksi niya ang pagkakawak sa kanya ng asawa.
"Ren, stop! Anong gagawin mo?" kinakabahang sunod nito sa kanya. Tumigil siya sa paghakbang at nilingon ito.
"Isa lang ang gusto koー ang ipakasal sila." Bigla siyang ngumiti at lumapit sa nag-aalalang mukha ng asawa. "Pero hindi ko sila pipilitan. Ngunit gagawa tayo ng paraan para magkalapit sila."
Inakbayan niya si Sofia at inalalayan papasok pabalik sa loob ng bahay nila.
"Naintindihan ko na ang ibig sabihin ng ngisi mo. Excited ka sa magiging love story ng pinsan ko at ng kaibigan slash ex-admirer mo," mahinang kurot niya sa pisngi nito.
"Damn you. Pinakaba mo ako," siko ni Sofia sa tagiliran niya.
"Bibig mo! Naririnig ka ng baby natin," tawa niya sabay halik sa pisngi nito.
Napangiti naman si Sofia at mahinang hinampas ang tiyan niya. Gusto lang mahawakan ang abs niya, eh.
"I love you, Ren Elton Mendez."
"I love you too, Sofia Reiss-Mendez."
He sealed their love with kissing his wife full in the lips. He kissed her slowly, showing how deeply he care for her.
She kissed him back with more intensity. Napadiin tuloy ang paghawak ni Ren sa batok ni Sofia. Kung wala sana silang bisita. Kung hindi sana ito buntis. Sana ay...
THE END.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...