SOFIA suddenly froze after hearing Ren's voice. Then her heart beats faster and louder. Para bang gusto na nitong kumawala sa kanyang dibdib. Naging blanko din ang kanyang isip kaya nawalan siya ng ideya kung ano ba ang dapat niyang gawin. Lilingon ba siya o aaktong walang pakialam?
"Mabuti at dumating ka na. Kanina pa naghihintay ang bisita natin." Tumayo si Cristina at sinalubong ang anak nito. Naramdaman naman niya ang paninindig ng balahibo sa kanyang batok. He's probably staring at her back. Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Ngayon lang ulit niya ito makakaharap.
"Come on, let's have a seat. I'm already starving," wika ulit ng ina ni Ren. Agad namang umupo ang ginang sa kanyang tabi habang umupo ito sa tapat ng kanyang inuupoan.
Nang magtama ang mga tingin nila ay biglang nanlambot ang kanyang binti. Mabuti nalang at nakaupo siya dahil kung hindi, she'll probably fall down. Because the way he look at her is way to deep, as if he's seeing her soul. Nakakapanibago na ang tingin nito ngayon ay malayo sa mabagsik at nandidiring tingin nito noon sa opisina at sa resort. Mayroon ng pananabik sa mata nito ngayon. Ngunit hindi siya sigurado kung paniniwalaan niya ba iyon. Baka magkamali na naman siya ng akala.
"Busog na ba kayo sa titigan niyo?"
Pareho silang napapitlag at sabay na napayuko ng magsalita ang ginang. Narinig niya ang pagtikhim ng kaharap at mahinang pagtawa ng ina nito. Pagkatapos ng maikling sandali ay tahimik na silang kumakain. Lihim na napapangiti naman si Cristina habang nakamasid sa reaksyon ng dalawa na parehong seryosong kumakain.
"Anong ginagawa mo dito?" biglang basag ni Ren sa nakakabinging katahimikan. Napaangat ang ulo niya upang tingnan ito. Pero agad ring umiwas dahil hindi niya kayang salubongin ang titig ng kaharap.
"Your mother invited me," walang emosyong sagot niya kahit nanginging na ang kanyang kamay sa kaba.
"At bakit ka pumayag kahit alam mong nandito ako?"
Inubos niya muna ang huling subo ng pagkain bago niya inangat ang ulo upang sagutin ulit ito. "Kung ayaw mong nandito ako, maaari na akong umalis," nakataas kilay niyang wika habang naka-cross ang mga braso sa bandang dibdib.
"Hindi iyan ang sagot sa tanong ko," he intently stared at her.
"Alam kong gusto mo na akong umalis."
"I didn't said that."
"Ayaw mong nandito ako."
"Mas lalong hindi ko sinabi 'yan."
"Really? As far as I can remember, you told me not to show you myself ever again."
He was left dumbfounded. Wala itong maapuhap na sagot at malamlam ang mga matang tinitigan lang siya. Nagsimula namang mag-moist ang mga mata niya pero pinipigalan niyang maiyak. She needs to show him how strong she is. Na kahit anong basag nito sa kanya, mabubuo at mabubuo niya pa rin ang sarili niya. Gusto niyang iparating sa binata na hindi ito kawalan kahit mawala ito sa buhay niya.
"I already found a way for you to talk. Kailangan niyo ng magkalinawagan upang walang magsisi sa huli. Don't you ever disappoint my efforts," wika ng ginang at iniwan silang dalawa.
MALAMIG ang ihip ng hangin sa veranda kung saan nakatingin si Sofia sa langit habang si Ren ay tahimik siyang pinanonood. Kanina pa sila iniwan ng ina ng lalaki pero wala pa rin silang imikan. Marami siyang tanong na gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula. Sa tingin niya ay ganun din ang binata.
"I'm sorry."
Nabasag ang katahimikan dahil sa pagsambit nito sa mga katagang nais niyang marinig mula dito. It was a good start. But she smiled sadly and faced him. Hindi na niya napigilan ang awtomatikong paglandas ng luha sa kanyang mga mata. Akma itong lalapit sa kanya ngunit pinigilan niya ito.
"Don't come near me."
She saw how those words affected him badly. But she didn't feel any guilt. Because what she felt in those times he kept on rejecting her was far beyond painful. Dapat lang na masaktan din ito.
"I'm so sorry," muling sabi ni Ren.
Gusto sanang magmatigas pa ni Sofia. Ngunit ang ginawang paliwanag ni Cristina sa kanya ay tumatak na sa kanyang isipan. Hindi rin niya naiwasan ang kasabihang 'kung ang taong mahal mo ang nagbibigay lakas sayo, siya din ang magiging kahinaan mo'. Kaya hindi na napigilan ni Sofia ang paggiba nito sa pader na ginawa niya. Hindi na niya maipagkakaila na kahit ilang beses man nitong dinurog ang puso niya, mahal niya pa rin ito. Tanga na kung tanga. Kahit naman kasi anong subok niya na kalimutan ito, hindi niya magawa.
"I didn't recognized you as the Sofia that I left with a promise fifteen years ago."
"Obviously."
"M-My reason might be unbelievable... Hindi ko alam kung maniniwala ka. Pero ang totoong rason kung bakit ko nagawa lahat ng pagtataboy ko sayo ay-"
"I already know. Your mom told me. And I am deciding now whether to punch your face or kick you down there." She slightly chuckled and raise her head to look at the sparkling stars again. Napalunok naman si Ren ng makita kung gaano kaganda ang dalaga sa ilalim ng liwanag ng buwan.
"B-Because of my foolishness, nasaktan kita ng makailang beses. Hindi kita pipiliting patawarin ako agad. I will just keep on asking for forgiveness again and again. I can wait. I don't care how long will it takes."
"Tanggap ko na-" napatigil siya dahil sa pagpiyok ng kanyang boses. Hindi niya napigilan ang pagbalik ng masasakit na ala-ala na iyon."H-Hindi na tayo tulad ng dati... Na marami ng nagbago sa ating dalawa. Pero nangyari na ang lahat ng iyon, kalimutan nalang natin. Hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan-"
"Huwag mong sabihin 'yan."
Nagulat si Sofia ng bigla siyang kabigin ni Ren kaya napayakap siya dito. She suddenly feel the heat of his body and heard the beat of his heart when he held her head in his chest. Naaamoy din niya ang natural na bango nito na nagpahina ng tuhod niya kaya napakapit siya sa binata.
"Tanggapin natin ang nakaraan pero huwag nating kalimutan. Hindi ako papayag na hahantong lang tayo sa wala. Ayokong balikan ang mga oras na nasaktan kita ngunit gusto kong ipagpatuloy natin ang pangakong binitawan ko fifteen years ago."
"R-Ren, bitiwan mo ako."
"No! I will never let you go again."
Mas humigpit ang yakap nito. Nagpumilgas siya noong una pero kalaunan ay nadala na rin siya sa nag-uumapaw na damdamin. Of course, bakit nga ba siya pumayag sa imbitasyon ng ina nito kahit alam niyang maaari niya itong makaharap? Hindi niya na kailangan pang ipagkaila ang totoong nararamdaman. Gusto niya itong makitang muli. Pero hindi niya inakalang ito ang mangyayari sa pagitan nila. Nakakapanibago pa rin. Pero nakakamanghang ang sarap sa pakiramdam.
"Let's not start all over again, instead let's finished what we've started," he continued. Binitiwan nga siya nito ngunit hinawakan naman ang kanyang mga kamay. Malamlam ang titig nito sa kanya. Kung hindi lang dahil sa kanyang pagpipigil, marahil ay nayakap niya ulit ito ng mahigpit. Para namang kasing nanghihipnotismo ang tingin nito.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...