CHAPTER 35

26 2 0
                                    

KASALUKUYANG nasa kusina ang mag-ina at busy sa pagluluto. Ngunit sa kabila ng ginagawa ay hindi mapigilan ni Sofia ang mapatingin sa kanyang ina na tahimik na kumikilos. Kanina niya pa gustong kausapin ito pero naiilang siyang pag-usapan ang tungkol sa relasyon nito. Syempre ay labis siyang nabigla dahil hindi niya naihanda ang sarili. Ang akala niya kasi ay hindi na talaga magbabago ang isip nito kahit anong pilit niya. Gan'on naman pala'y lihim na umaarangkada ang magaling niyang ina. Marahil ay nag-aalala ito na baka magtampo siya kapag nalaman niyang naunahan siya nitong magka-boyfriend.

Napangisi si Sofia at minadaling tinapos ang hinihiwang gulay at binigay sa inang naghahalo ng niluluto. Hindi siya umalis sa tabi nito at patalikod na sumandal sa refrigerator. Mataman niya itong tinitigan para kusa siya nitong pansinin. At hindi naman siya nabigo nang nilingon siya nito.

"May sasabihin ka ba?" maikling tanong ng Mama Salie niya na agad umiwas ng tingin at ibinalik ang atensyon sa pagluluto. Sumilay ulit ang ngisi sa labi ni Sofia at pinag-ekis ang dalawang braso sa may dibdib.

"Hmn... Naninibago lang kasi ako, Ma. Noon pa kita sinasabihan na maghanap ng makakasama sa pagtanda pero todo deny ka. Kaya nagulat talaga ako sa pag-amin mo. Sa totoo lang... masaya ako para sa'yo, Ma. Naiintindihan ko kung bakit hindi ka kaagad umamin, nahiya ka lang dahil naunahan mo ako. Pero Ma, gusto ko lang sabihin sa'yo na walang problema sa akin, 'wag mo na akong alalahanin. Susuportahan kita kahit ano ang gusto mo. At isa pa, huwag ka ng mailang, Ma. Walang kinikilalang edad ang pag-ibig. Kahit uugod-ugod ka na'y pwede ka parin matamaan ng pana ni Kupido kaya relax ka lang. Enjoy your life to the fullest. And don't worry because I will come to you whenever you need me or not. Always remember that I'm rooting for you," madamdaming sabi niya sabay yakap sa nakatalikod na ina. Plano niya sanang tudyoin ang ina ngunit nadala siya sa pinagsasabi niya kaya napaiyak siya. Siguradong mami-miss niya ang Mama Salie niya kapag may ibang espesyal na tao na itong aalagaan. Gayunpaman, ayaw niyang ipagkait sa ina ang kaligayahang deserved nito.

"Hindi ko alam kung sasabay o tatawa ako sa pagda-drama mo," walang emosyong sagot ng kanyang ina.

"Ma..." palambing na maktol ni Sofia.

"Pero masaya akong marinig ang mga salitang 'yon mula sa'yo, Anak," nakangiti na ito at hinarap siya. Namumula ang mga matang hinagod nito ang buhok niya at matamang tinitigan ang kanyang mukha na para bang tinatandaan ang mukha niya. "Akala ko ang bagal ng takbo ng oras. Pero hindi ko lang pala namamalayahan ang paglipas ng panahon."

"Ang OA na natin, Ma. Pwede na tayong mag-audition sa pag-aartista." Sabay silang napatawa at agad na bumalik sa ginagawa. Pagkatapos iayos ni Sofia ang lamesa at linisin ang ibang gamit sa kusina ay natapos rin sa pagluluto ang kanyang ina. Saktong-saktong naghahain na sila nang may kumatok sa pinto ng bahay nila.

"Ma, ikaw na magbukas. Ako na ang bahala dito," mabilis niyang turan dahil naiilang siyang pagbuksan ang karelasyon ng ina.

"Ikaw na, Sofia. Nasimulan ko ng maghain kaya ako na ang tatapos."

"Pero Ma, bisita moー"

"Bilisan mo na diyan."

Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang utos ng Mama Salie niya kahit naiilang siya. Hindi niya kasi alam kung paano pakikitungohan ang magiging step-father niya. Pero para sa ina, pinapangako naman niyang babatiin niya ito ng maayos, sa abot ng kanyang makakaya. Kaya ngumiti muna siya bago ito pinagbuksan ng pinto.

"Sofia?"

Nagulat si Sofia nang makita ang bisitang hinihintay ng ina. Sinalubong siya ng yakap ng kaharap habang natuod siya sa kinatatayuan. Hindi niya inaasahan na ito ang mabubungaran niya. O mas tamang sabihin na wala talaga siyang kaide-ideyang ito ang makikita niya.

"It's been a while, hija."

"C-Come in, Tita."

Pinapasok niya ang nakangiting ginang na si Tita Cristina. Hindi makapaniwalang napasunod siya sa pagpunta nito sa kusina kahit siya dapat ang nagdadala dahil ito naman ang bisita. Bigla siyang kinabahan. Anong ginagawa ng ginang dito sa kanila? Akala niya ba ay lalaki ang bisita ng kanyang ina? Baka susunod na itong darating? O 'di kaya'y naiba ang sexualidad ng ina? Mabilis siyang napailing. Ayaw na niyang gumawa agad ng konklusyon.

"Salie?" bungad nito nang makita ang kanyang ina.

"Ikaw na ba 'yan, Cristina?"

"Sal! It's been a long time!"

Agad nagyakapan ang dalawang ginang na masayang-masayang makita ulit ang isa't isa. Napakunot ang noo ni Sofia na tahimik na nagmamasid sa dalawa habang nakasandal sa hamba ng pintuan patungong kusina. Mukhang hindi nga si Tita Cristina ang karelasyon ng kanyang ina. May darating pa yatang ibang tao maya-maya. Nagkataon lang siguro ang pagbisita ng ina ni Ren ngayon.

"Where should I put these?"

Nanigas na naman a kinatatayuan si Sofia nang may bumulong sa may tenga niya galing sa likod. Mabilis siyang napalingon sa nagsalita. At muntikan na siyang matumba kung hindi lang siya napakapit sa balikat ng kaharap. Napagtanto niya kasi kung gaano kalapit ang mukha niya sa lalaking seryosong nakatitig sa kanya. Medyo nagulat din ito sa ginawa niyang paglingon.

"Mabigat ang dala ko. Saan ko ba ito ilalagay?" pabulong ulit na tanong ni Ren. Tumatama ang mainit at mabangong hininga nito sa mukha niya habang humihinga ito.

"Ahー" dali-daling umatras si Sofia palayo kay Ren. Nag-iinit ang mukha niya nang matauhan siya sa pagkatulala dito. "D-Diyan nalang," turo niya sa maliit na lamesa malapit sa sink at stove. Doon siya naghihiwa kanina. May malaking dining table sila na kasya ang walong tao kung saan nakaupo na ang dalawang ina na masayang nagkwe-kwentohan. Hindi yata napansin ng mga ginang ang encounter nila ni Ren kanina.

Nagugulohang hinubad niya ang suot na apron at palihim na inayos ang suot na damit. Yellow long flowing dress ang suot niya at naka-ponytail ang kanyang buhok. Wala siyang make-up sa mukha kaya todo iwas siya ng tingin kay Ren dahil hindi siya sigurado kung maayos pa ba ang itsura niya. Mukha naman siyang presentable nang huli siyang tumingin sa salamin. Ngunit kanina pa iyon bago sila nagsimba at nagpunta sa merkado at nagluto ng tanghalian. Napakagat-labi siyang umupo sa katapat na upoan ng dalawang ina. Ngunit hindi man lang siya pinansin ng mga ito.

Lihim na pinapakinggan ni Sofia ang paglalagay ni Ren sa lamesa na tinuro niya sa dala nitong dalawang paper bag na may tatak ng sikat na brand ng designer bag, isang karton ng cake, isang basket ng prutas at dalawang tupperware na may lamang desserts. Kahit hindi niya ito nakikita ay ramdam pa rin niya ang malakas ng presensya nito na nagpapabilis ng kabog ng puso niya. Pagkaraan ng ilang segundo ay narinig niya ang mahinang yabag ng mga paa palapit sa kinaruruonan niya. Hanggang sa napasinghap si Sofia ng biglang may humila sa katabing upoan niya at umupo doon si Ren. She stiffened again kaya hindi niya ito nagawang lingonin at nanatiling nakatingin sa dalawang ina kahit tumikhim ang binata para makuha ang atensyon niya. Nagkunwari siyang nakikinig sa usapan ng Tita Cristina at Mama niya at umaktong hindi napansin ang pagpapansin ni Ren.

"Kumain na muna tayo. Let's continue our chat after," nakangiting sabi ng Mama Salie niya kay Tita Cristina.

"Yeah, right. Mahaba-haba pa naman ang pag-uusapan natin," ayon ng huli sabay humagikhik ang dalawang ina. Nangunot na naman ang noo ni Sofia dahil nabablanko pa rin ang utak niya at hindi niya maintindihan ang nangyayari.

Nag-usap ulit ang dalawa habang kumakain, na para bang walang ibang kasama ang mga ito. Pareho naman silang tahimik nang katabi niya at walang kibuan. Ituon nalang niya ang atensyon sa pagkain at naisip na dagdagn ang kanyang kanin dahil nagutom siya sa kaba. Ngunit biglang inabot din iyon ni Ren kaya napaibabaw ang kamay niya sa kamay nito. Nagkatingin sila at tila napapasong mabilis na binawi ang kanilang mga kamay.

"Mauna ka na," basag ni Sofia sa katahimikan nila. Iniwas niya ulit ang kanyang tingin mula dito. Walang imik na kinuha naman ni Ren ang lalagyan ng kanin at inunang nilagyan ang plato ni Sofia. Napalingon na naman siya dito na seryosong-seryosong naglalagay ng kanin sa plato naman nito. Pagkatapos ay wala na naman silang imikan ulit.

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon