CHAPTER 40

19 2 0
                                    

"COME in," aya ni Sofia kay Alicia papasok. Nanghihina ang mga tuhod na sinama niya ito sa kinaruruonan ng mga kaibigan niya. Maraming hindi kanais-nais na bagay ang bumabagabag sa isip niya.

"Oh? May bisita ka?" tanong ni Jenny pagkakita sa kanila. Hindi siya sumagot at tinanguan lang ito sabay upo pabalik sa pwesto niya kanina. Tahimik niyang itinutok ang atensyon sa telebisyon. Hindi niya alam kung paano patutungohan si Alicia.

"Hello. I'm Alicia," senserong bati nito sa mga kaibigan niya. She looks kind and gentle.

"Ahー yeah. Hi! Call me Gwen," masiglang tumayo ang kaibigan niya at sinalubong ng beso ang bagong dating kahit nagugulohan ito.

"Buntis ka rin? You look young. I'm Jenny, by the way," daldal naman nito na nanatiling nakaupo. "Take a seat. Sofia, usog ka."

Umusog si Sofia pagilid para makaupo si Alicia sa gitna nila ni Gwen. Nabaling ang tingin niya sa dahan-dahan nitong pag-upo. Hindi talaga maikakaila ang likas na ganda nito. Siguradong madaling mahuhumaling ang mga lalaking makakakilala kay Alicia. Pati ba si Ren? Biglang nanikip ang dibdib ni Sofia.

"If you don't mind me asking, ilang taon ka na? You really look young," Jenny curiously asked.

"I-I'm twenty years old."

Sabay na napasinghap silang tatlo. Anim na taon ang tanda nila kay Alicia pero kasing tangkad na nila ito. Sadyang halata lang sa mala-anghel nitong mukha na bata pa ito. Sadyang tama nga ang hinuha ni Jenny.

"Ang aga mong nag-asawa! Naunahan mo pa kami," biro ni Gwen na ikinatawa ni Jenny. Habang sumeryoso naman si Sofia. Gusto niyang malaman ang personal na buhay nito. At nakakatulong ang pagiging intregera ng dalawa niyang kaibigan.

"I-I'm not married," napayukong sagot nito pagkatapos tumingin sa gawi ni Sofia. "I'm still in college."

"Oh myー I'm sorry. Your boyfriend will take responsibility, right?"

"Gwen," babala ni Sofia sa kaibigan.

"Oh, nevermind. You can just neglect my question," hilaw na tawa nito dahil sa pagkapahiya. Tumango naman si Alicia at tipid na ngumiti. Mukhang ayaw din nitong pag-usapan ang bahaging iyon ng personal na buhay nito.

"By the way, Sofia, is she your relative? Ngayon lang namin siya nakita," pag-iiba ni Jenny sa usupan.

"Ha? Nope. She'sー" Napatigil si Sofia. Hindi niya nga rin pala alam kung kaano-ano ito ni Ren. Ang naaalala lang niya ay nakita niya itong kasama ni Ren sa restaurant na kinainan rin nila ni James. Nang tinanong niya si Ren noon, 'you don't need to know' lang ang sinagot nito. Kinakabahang tiningnan ni Sofia si Alicia.

"I'm Alicia Villegas. Kuya Elton's only cousin sa mother side."

"Ahhh," sabay na react ng dalawang kaibigan niya na patango-tango pa. Nakadama naman ng ginhawa si Sofia. So, she's his cousin. Kukorutin niya talaga sa singit ang lalaking iyon. Pinakaba siya nito ng husto.

"Sorry ngayon lang ako nagpakilala, Ate Sofia. Nakaproblema lang ako noong nagkaayos kayo ni Kuya," malungkot na tumingin si Alicia sa bandang tiyan nito. "Kuya Elton invited me to your bridal shower dahil hindi ako makaka-attend sa kasal niyo. My parents will go home from states, at hindi pa nila alam ang sitwasyon ko. I'll let them know pagkatapos kung manganak. Wala kasi akong maipapakilalang ama sa dinadala ko," amin nito sa kanila.

Nakaramdam sila ng awa kay Alicia. Kaya mabilis na hinawakan ni Sofia ang mga kamay ng dalaga. Nakokonsensya siya na napag-isipan niya pa ito ng masama kanina, gayong may mabigat itong problema sa batang edad nito.

"Alam ba 'to ni Ren? Sumang-ayon ba siya sa gusto mo?" nag-aalalang tanong ni Sofia.

"He knows. Galit na galit nga 'yon, eh. Pero nagpaliwanag ako at kinausap siya ng mabuti. Kaya handa niya akong tulongang itago hanggang sa manganak ako. Hindi rin kasi alam ni Ante Tina ang nangyari sa akin."

"Walang hiya 'yang boyfriend mo, ah! Hindi ka ba niya pinanindigan?! Iniwan ka ba ng walang kwentang lalaking nakabuntis sa'yo?!" galit na sigaw ni Jenny. Dahil buntis din ito at alam nito kung gaano kahirap ang pagbubuntis, naintindihan niya ang sitwasyon ni Alicia.

"Iー I don't know if it's right to tell you the truth," naiiyak na sagot nito.

"It's okay, Ali. Don't push yourself kung hindi mo kayang sabihin sa amin. We understand dahil kakakilala lang naman natin," nakangiting alo ni Sofia.

"No! You can trust us. Isa pa, magiging Ate mo na si Sofia bukas. At dahil bestfriends kami ng cousin-in-law mo, you can also call us for help when you need one. We can be your Ate from now on," daldal ni Gwen. Napangiti si Sofia. Here comes her golden-hearted friends. Nakakabilib talaga ang mga babaitang 'to.

"T-The truth is..." Napatigil si Alicia at tumingin sa naglalarong mga daliri nito. "You know... Jamesー"

"JAMES WHO?" biglang sabat ni Sofia.

"J-James Adams."

"You know him?!" gulat na tanong ni Sofia. Lumakas ang kabog dibdib niya dahil sa biglang pumasok na ideya sa isip niya.

"Yes."

"And you are that girl?!"

"Alam mo ang nangyari, Ate?"

"Hey! What are you two talking about?" maktol ni Jenny.

Tahimik silang nagkatitigan ni Alicia. At tumango siya bilang sagot sa huling tanong nito. Napasinghap ito at biglang humagulhol ng iyak. Mabilis itong niyakap ni Sofia.

"You didn't tell him?"

"No."

"Why?" kalas ni Sofia mula sa pagkakayakap kay Alicia.

"I-I'm sure he didn't know me... or even remember me," she choked. Halata ang sakit ng nararamdaman nito.

"Goodness, stop! Care to let us join? Hello, para kaming tanga dito. Wala kaming naintindihan," pigil ulit ni Gwen.

"I think I do. Do you mean si James ang tinawag kong walang hiya at walang kwenta kanina?" hindi maipinta ang mukhang tanong ni Jenny. As expected, hindi rin siya makapaniwala. Specially when she really adore James so much. Tumango si Sofia kay Jenny at sinimulang e-kwento kay Alicia at sa mga kaibigan ang ginawang pag-amin sa kanya ni James. Pero hanggang sa nangyari lang, hindi na sinali ni Sofia ang totoong opinion ni James tungkol dito.

"Then, we need to tell James!" hysterical na sabi ni Gwen. "Knowing him, he will surely take responsibility. Call him right now, Sofia!"

"No!" mabilis na pigil ni Alicia. "Please, don't. Hindi ko ito pinaalam kay Kuya Elton. Baka magalit siya kay James."

"But you need to let him know, atleast you, Ali," naaawang payo ni Sofia.

"I can't. Ayaw ko siyang mapilitan. I knew him before it happened, Ate Sof. And I know... he still loves you."

Natahimik silang lahat. Gulong-gulo ang isip ni Sofia. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba ito kay Ren. Lalong-lalo na kay James. Tiningnan niya ang mga kaibigan pero nagkibit-balikat lang rin ang mga ito. Hindi rin nila alam ang tamang gagawin. They need to respect Alicia's decision kahit gustong-gusto nilang tulongan ito.

"Give me your number," sabi niya sa pinsan ni Ren. "Call me anytime you want. Kung gusto mong may makausap o kung may napagdesisyonan ka, don't hesitate to tell me."

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon