CHAPTER 13

49 4 0
                                    

NAPAPIGIL-HININGA si Sofia ng makita niya ang taong hindi niya na inasahan na makakaharap niya pang muli. Unti-unti pa itong lumalapit sa kanya na ikinakunot ng noo niya. She's clouded with questions like, why is he with James or what is he doing her? Pero mabuti nalang at biglang dumating ang mga kaibigan niya. Parang sila pa iyong naghintay, nagpakatanga, at pinaasa dahil sa reaksyon ng mga ito.

"Ang kapal naman ng mukha mong magpakita dito!" sigaw ni Gwen kay Ren ng malaman nito kung sino ang gwapong binatang kasama ni James. Noong una ay nagdalawang isip pa itong sigawan ang binata pero sa huli ay pinili nitong ipaglaban ang kaibigan.

"Hindi pa ba sapat na muntik na siyang mamatay?! Ano pa bang gusto mo ha?!" galit na sigaw rin ni Jenny.

"Let me talk to her," walang bahid na emosyong sabi nito na mas ikinagalit ng mga kaibigan niya.

"Talk to her? Gago ka naman pala eh! Noong gustong-gusto ka niyang makausap, pinagtabuyan mo, pinahiya mo, tapos ngayon gusto mo ng makipag-usap?! Who are you asshole?!"

Parang lion at tigre na ang mga kaibigan ni Sofia. Nakikita na ang litid ng ugat sa leeg at namumula na ang mukha nila dahil sa galit kay Ren. Halinhinan pa sila sa pagsigaw sa lalaking kalma pa ring nakikipag-usap.

"Just let me, please. Gusto ko lang makabawi sa kaibigan niyo."

"Anong makabawi naman ang pinagsasabi mo?! Paasahin mo na naman sa mga pangako mo tapos kakalimutan mo ulit?! Tama na iyong ginawa mo! Sapat na ang isang beses na sinaktan mo ang kaibigan namin!"

"Just give him a chance to explain, to prove himself that he's worthy," biglang sabat ni James. Tahimik lang na nakikinig si Sofia habang nakayuko. Hindi niya kayang salubongin ang titig ni Ren sa kanya.

"Nababaliw ka na ba, James?! Isusuko mo nalang si Sofia sa walang-hiyang lalaking 'to?!" Jenny hissed.

"If that will make Sofia happy."

"Anong happy?! Umiiyak na nga oh! Naaksidente pa dahil sa lalaking 'yan!" dagdag naman ni Gwen.

"Hindi ko naman sinadya na-"

"Hindi sinadya? Come on! That's the most bullshit excuse I ever heard."

"I admit. Ginawa ko 'yon para tigilan niya na ako. Pero kung alam ko lang sana na-"

"Excuses! What you've done is already done! At hindi mo na maibabalik iyon."

"Pero pwede ko pang maitama."

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto dahil sa huling sinabi ni Ren. Wala na rin yatang maapuhap na sumbat ang mga kaibigan niya na pinapatay nalang ito sa tingin.

"Please, just let me talk to her."

"Then, talk." At last, may lumabas ng salita sa kanyang bibig niya. Kaya agad namang nabaling ang atensyon nilang lahat kay Sofia.

"I need to talk to you, alone." May pagsusumao sa boses at tingin nito. Ngunit hindi nito naibsan ang takot sa dibdib niya na baka madala siya at patatawarin niya ito agad. Ayaw niya ng maulit ang panahong pagtatabuyan na naman siya nito. Takot na siyang umasa muli at masasaktan lang sa huli. Hindi niya alam kung makakaya niya pang maranasan ulit ang sakit na naramdaman niya.

Kaya iling ang naging sagot niya at humiga sa kama patalikod sa kanila. Nasaktan na siya ng sobra. At tumatak na sa sistema niya na hindi na nga ito ang lalaking pinangakoan niya noon. Hindi na niya ito kilala.

"Just give him some time, Elton," wika ni James.

"Yes. Let her rest. You damaged her badly."

Ang sinabi ni Jenny ang huli niyang narinig bago nagsara ang pinto. Naghintay siya ng ilang sandali bago lumingon. Wala na nga ito. Pati na rin si James. Ang kaibigan lang niya ang natira na naaawang nakatingin sa kanya. Binigyan niya ang mga ito ng tipid na ngiti at tumalikod ng muli.

"NANDITO na naman si Elton," wika ni Jenny at padabog na umupo ulit sa couch pagkatapos tingnan kung sino ang kumatok ng pinto.

Halos isang buwan na rin siyang nasa hospital. Matagal na niyang gustong umuwi pero hindi siya pinayagan ng mga kaibigan niya. Mas maigi daw na nasa hospital siya para mas maayos siyang maalagaan. Pero ngayon ay nagpumilit siyang ma-discharge na bukas. May naiwan pa siyang trabaho. Mabuti na rin naman ang pakiramdam niya at naghilom na ang mga sugat niya sa katawan. Pero ang sugat sa puso niya ay buo pa rin na para bang kahapon lang siya nasaktan.

"Bakit 'di mo pinapasok?" nakakunot-noong tanong naman ni Gwen na kanina pa ka-text ang boyfriend nito.

"Why would I? Maghintay siya. Tatlong-linggo palang 'yan. Tingnan natin ang tiyaga niya. He should prove that he's worthy for Sofia," nakataas kilay na sagot nito.

Napangiti nalang siya habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Simula noong unang bisita ni Ren sa kanya, hindi pa siya tinanong ng mga kaibigan niya kung ano ba ang plano o opinyon niya. Sa totoo lang, may kunting saya sa puso niya na gusto na siyang makausap ng lalaki. Ngunit, mas higit ang pangamba niya na masaktan muli. Kaya sumasabay nalang siya sa agos ng panahon at hinahayaan ang mga kaibigan niya na kontrolin ang mga pangyayari.

"Bukas nga pala, si James na ang maghahatid sa'yo sa bahay mo. Aalis kami ni Enrico papuntang Japan," sabi ni Jenny.

"Sasamahan-"

"Tumahimik ka nga. 'Di ba may lakad rin kayo ni Edward?" makahulogang baling ni Jenny kay Gwen na hindi nakatapos sa pagsasalita.

"A-Ah, oo nga pala," napakamot sa ulong sagot nito. Obvious na tuloy ang pagsisinungaling ng kaibigan niya. Napailing nalang si Sofia. Alam niyang mas boto ang una kay James at nakuha naman ni Ren ang tiwala ng huli. At kung siya naman ang tatanungin, magkasalungat rin ang gusto ng utak at puso niya.

"Oo na. Huwag na kayong mag-abala pa. Araw-araw ba naman kayong nandito para samahan ako. Baka magtampo na ang mga partner niyo."

She is very thankful to God for giving her another chance to live. Dahil na realize niya kung gaano siya ka-blessed na magkaroon ng tunay na mga kaibigan. Indeed, everything happened for a reason. Marami siyang natutunan na lesson mula sa aksidenteng nangyari sa kanya.

"Good. James will fetch you tomorrow morning, okay?"

She smiled at Jenny and nodded.

"Paano na pala si Elton sa labas? Sasabihin ba natin ulit na natutulog ka?" Gwen asked me.

"Yeah. It's another way of saying 'Ayaw kang makausap ni Sofia'. Dapat ay maranasan niya rin ang pakiramdam ng iniignora tulad ng nangyari sa kaibigan natin," Jenny answered instead of me.

"I know that it's not easy to forgive but why not give him a chance to explain his side? I understand that not now, that you need more time, but I adviced that you really should listen to him. Para naman may closure kayo. Mahirap 'yong puro tanong ka nalang at wala kang makuhang sagot. It will surely bother you to death. You should talk to him, Sofia."

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon