CHAPTER 26

21 2 0
                                    

PAGLABAS ni Sofia ng gate ay agad niyang nakita si Ren na nakatayo sa harap ng sasakyan at nakayukong nagtitipa sa hawak nitong phone. Gwapong-gwapo ito sa suot na black jeans, plain white v-neck shirt at black jacket. Kasabay ng pagtunog ng cellphone niya ay ang pagsalungat ng tingin nila. Agad sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata pagkakita sa kanya. Kaya mabilis din siyang lumapit dito.

"Hi."

"Hi," nahihiya ngunit nakangiting bati niya dito. Gustuhin niya mang itago ang kilig na nararamdaman pero hindi niya naman magawang pigilan.

"Nadisturbo ko ba kayo?" tanong ng kaharap niya na hindi rin mapakaling nakahawak sa magkabilang bulsa sa likod ng jeans nito.

"Nope. And even if, it's still okay. Nauumay na ako sa mukha ng mga 'yon," she jokingly said, biting her lips for backbiting her friends. Tawa naman ang isinagot ng binata.

"Let's go?" aya nito at tumango agad siya.

Tahimik lang silang dalawang habang nagbabyahe. Pero ang ngiti at kasiyahan sa mukha nila ay hindi maikakaila. Pagkalipas ng ilang sandali ay itinigil ni Ren ang sasakyan sa parking lot ng isang mall. Lumabas ito at agad lumiko sa gawi niya para pagbuksan siya ng pinto.

"It's still early to eat dinner. Why won't we watch a movie first?"

"Movie? That's a good idea," ayon ni Sofia.

Dumiretso silang dalawa sa sinehan. Dahil wala namang mga bagong palabas ay agad silang nakakuha ng ticket. Pareho nilang pinili ang isang romance comedy na pelikula. Bumili rin ang binata ng popcorn at maiinom nila.

Nasa limang pares lang ang kasama nilang manonood na nakaupo sa may bandang madilim na bahagi ng sinehan nakaupo. Nagkatinginan sina Sofia at Ren at parehong napatikhim bago sabay na umupo sa may bandang gitna kung saan mas nasisinagan sila ng ilaw mula sa screen. Ilang minuto lang ang lumipas at agad namang nagsimula ang pelikula. Hindi naman namalayan ni Sofia na nakuha ng palabas ang atensyon niya kaya napapokus siya dito. Habang ang katabi niyang si Ren ay nakangiting palipat-lipat ang tingin sa tumatawa at kinikilig na dalaga. Mas naaliw ang binata sa pinapakitang reaksyon ng dalaga keysa pinapanood nilang pelikula.

Kukuha na sana ng pagkain di Sofia ng biglang itinaas ni Ren ang kamay nitong may hawak na popcorn at akmang isusubo sa kanya. "Can I?" nakangiting paalam nito. Syempre, siya itong patay na patay sa binata kaya magpapakipot pa ba siya? Mabilis siyang tumango at tinangap ang inalok nitong pagkain.

Nagngitian lang sila at ulit ibinalik ang tingin sa malaking screen. Mayamaya ay naisipan ni Sofia na sundin ang ginawa ng binata. Kumuha siya pagkain at inalok din ito.

"Ah?"

Nasa screen ang tingin na agad kinain ng binata ang popcorn na hawak niya. Medyo nagulat siya sa mabilis na response nito pero mas nawindang siya ng maramdaman niya ang malambot at mainit na labi nito sa daliri niya.

"Masarap," sabi nito na hindi pa rin lumilingon sa kanya.

Nag-init ang mukha niya sa narinig. Para kasing hindi ang pagkain ang tinutukoy nito kung hindi ang daliri niya. Totoo ang sinabi niyang nirerespeto siya ng binata. Pero minsan ay hindi nila naiiwasan ang kapilyohan nito na gustong-gusto rin naman ni Sofia. May kakaibang kislot sa puso niya kapag tinutudyo siya ng binata.

Lumipas ang oras na wala silang imikan pero nagsusuboan naman sila ng pagkain. Minsan ay nagkakatinginan sila at sabay na ngingiti at mag-iiwas ng tingin. It was a simple interaction between the two of them but it was satisfying. Pagkatapos ng pelikula ay inalalayan siya nito palabas.

"Are you hungry now?" tanong ng binata habang nasa magkabilang bulsa ng suot na pantalon ang mga kamay nito.

"Actually... Naparami ang kain ko kanina sa bahay ni Jenny. So..."

"Do you want to watch another movie? I'm still not starving too."

"Sure ka? Okay lang talaga sa'yo?"

"Of course. Do whatever you want. I'll just willingly obliged."

Napangiti ulit siya dahil sa sinabi ni Ren. This man is secretly attacking her, slowly captivating her heart. Malimit lang silang mag-usap pero ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay malakas ang tama sa kanya.

Nagpalipas muna sila ng kalahating oras bago nagsimula ang susunod na pelikulang panunuorin nila. "Sigurado ka bang hindi ka matatakutin?" tanong ni Ren pagkapasok nila sa sinehan. Ngayon ay pinili nilang sa may gilid umupo dahil matao sa may bandang gitna.

"I'm not a fan of watching horror films but I can manage a thriller."

"Assure me na hindi mababasag ang eardrums ko sa lakas ng sigaw mo."

"Never ever," she smirked.

Tatlong oras ang lumipas at parang taong yelo sa tigas na lumabas ng sinehan si Sofia. Habang naririnig niya naman ang mahinang tawa ni Ren na nakasunod sa likod niya.

"Indeed, hindi ka nga sumigaw. Pero parang bato ka namang nanigas dahil sa takot. Why so cute, Sofia?"

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon